DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.10 Bakit lubhang mahalaga ang Bibliya?
next
Next:1.12 Ang Diyos ba mismo ang nagsulat ng Bibliya?

1.11 Ang Diyos ba ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Bibliya lamang? O siya ba ay nangungusap din sa iba pang pamamaraan?

Ang Bibliya: tunay o huwad?

Iba-iba ang paraan ng Diyos sa pagbunyag ng kanyang sarili. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan (ang Bibliya) at sa Tradisyon ng Simbahan. Noong nabubuhay siya dito sa mundo, ipinaliwanag at tinupad ni Hesus ang Banal na Kasulatan. Ang pagbubunyag ng Diyos ay nakumpleto kay Hesus (ang pagbubunyag ay nagtapos sa pagkamatay ng huling Apostol). 

Hanggang ngayon, ang Espiritu Santo [>1.32] ay tumutulong sa Simbahan upang makakuha ng higit pang pagkakaintindi sa pagbubunyag ng Diyos. Upang maiwasan ang mali o masyadong literal na interpretasyon, ang Bibliya ay dapat basahin sa tamang paraan [>1.20]. Si Hesus ang nagtatag ng Simbahan upang tulungan tayong gawin ito.

Nangungusap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan at Tradisyon. Magkasama nitong binubuo ang kumpletong pagbubunyag ng Diyos na siyang tuwinang ipinapasa ng Simbahan.
The Wisdom of the Church

What is Apostolic Tradition?

Apostolic Tradition is the transmission of the message of Christ, brought about from the very beginnings of Christianity by means of preaching, bearing witness, institutions, worship, and inspired writings. The apostles transmitted all they received from Christ and learned from the Holy Spirit to their successors, the bishops, and through them to all generations until the end of the world. [CCCC 12]

In what ways does Apostolic Tradition occur?

Apostolic Tradition occurs in two ways: through the living transmission of the word of God (also simply called Tradition) and through Sacred Scripture which is the same proclamation of salvation in written form. [CCCC 13]

Mula saan natin malalaman kung ano ang nabibilang sa tunay na pananampalataya?

Makikita natin ang tunay na pananampalataya sa Banal na Kasulatan at sa buhay na tradisyon ng → Simbahan.

Ang → Bagong Tipan ay nagmula sa pananampalataya ng Simbahan. Ang pagpapasa ng pananampalataya ay hindi unang nagaganap sa mga teksto. Sa sinaunang → Simbahan, sinasabi na ang Banal na Kasulatan ay “unang nasusulat sa puso ng Simbahan kaysa sa pergamino.” Naranasan na ng mga alagad at → Apostol ang bagong buhay, higit sa lahat ang buhay kasama si Jesus. Inanyayahan ng batang Simbahan ang tao sa komunidad na ito, na nanatili sa ibang paraan pagkatapos ng muling pagkabuhay. “Nanatili silang matapat sa aral ng mga apostol, sa pagsasamahan, sa paghahati ng tinapay, at sa pananalangin” (Gawa 2:42). Sila-sila ay nagkakaisa, ngunit may lugar sila para sa iba. Ito ang bumubuo sa pananampalataya hanggang sa kasalukuyan: Iniimbitahan ng mga Kristiyano ang ibang tao na makilala ang pakikisama sa Diyos, na siyang natanggap na walang dungis sa Simbahang Katolika simula pa ng panahon ng mga apostol. [Youcat 12]

How is it possible to know God with only the light of human reason?

Starting from creation, that is from the world and from the human person, through reason alone one can know God with certainty as the origin and end of the universe, as the highest good and as infinite truth and beauty. [CCCC 3]

Is the light of reason alone sufficient to know the mystery of God?

In coming to a knowledge of God by the light of reason alone man experiences many difficulties. Indeed, on his own he is unable to enter into the intimacy of the divine mystery. This is why he stands in need of being enlightened by God’s revelation, not only about those things that exceed his understanding, but also about those religious and moral truths which of themselves are not beyond the grasp of human reason, so that even in the present condition of the human race, they can be known by all with ease, with firm certainty and with no admixture of error. [CCCC 4]

What does God reveal to man?

God in his goodness and wisdom reveals himself. With deeds and words, he reveals himself and his plan of loving goodness which he decreed from all eternity in Christ. According to this plan, all people by the grace of the Holy Spirit are to share in the divine life as adopted “sons” in the only begotten Son of God. [CCCC 6]

Maaari ba nating kilalanin ang pagiging naririyan ng Diyos gamit ang ating pag-iisip?

Oo. Ang katuwiran ng tao ay maaaring kilalanin ang Diyos nang may kasiguruhan.

Hindi maaaring manggaling sa mundo ang pinanggalingan at patutunguhan ng tao. Lahat ng anumang naririyan ay mas higit pa kaysa sa nakikita ng tao. Ang kaayusan, kagandahan at kaunlaran ng mundo ay nakaturo higit pa sa kanilang sarili patungo sa Diyos. Ang bawat tao ay bukas para sa katotohanan, kabutihan at kagandahan. Naririnig niya ang tinig ng kanyang konsiyensiya na inuudyok siya sa kabutihan at binabalaan siya sa harap ng kasamaan. Ang sinumang makatwirang sinusunod ang udyok na ito ay makikita ang Diyos. [Youcat 4]

Bakit tinatanggihan ng mga tao ang Diyos, samantalang maaari naman nila Siyang makilala sa pamamagitan ng kanilang pangangatwiran?

Ang makilala ang hindi nakikitang Diyos ay isang malaking hamon para sa pag-iisip ng tao. Marami ang kinatatakutan ito. Marami ang ayaw makilala ang Diyos kasi kailangan nila ngayon baguhin ang kanilang buhay. Ang sinumang nagsasabing walang kabuluhan ang pagtatanong tungkol sa Diyos dahil hindi ito malulutasan, ay ginagawa itong lubhang madali para sa kanilang sarili. [Youcat 5]

Bakit kinailangang ipakita ng Diyos ang Kanyang sarili upang malaman natin kung ano Siya?

Sa pamamagitan ng pag-iisip, maaaring malaman ng tao na mayroong Diyos, pero hindi kung ano talaga ang Diyos. Ngunit dahil nais ng Diyos na makilala Siya, ipinahayag Niya ang Kanyang sarili.

Hindi kinailangang ihayag ng Diyos ang Kanyang sarili sa atin. Ginawa Niya ito dahil sa pag-ibig. Kung paanong sa pag-ibig ng tao ay may kaunti lamang tayong malalaman tungkol sa ating minamahal kapag binuksan niya ang Kanyang puso sa atin, sa ganoong paraan ay bahagya lamang nating malalaman kung ano ang nasa pinaka-isipan ng Diyos, kapag binuksan ng walang hanggan at mahiwagang Diyos ang Kanyang sarili dahil sa pag-ibig sa atin. Pauit-ulit na kinausap ng Diyos ang tao mula sa pagkakalikha, patuloy sa mga ninuno at mga propeta, hanggang sa pangwakas na → Pagbubunyag sa Kanyang Anak na si Jesukristo. Sa Kanya ay ibinuhos ng Diyos sa atin ang Kanyang puso at ginawang malinaw magpakailanman para sa atin ang Kanyang kaloob-looban. [Youcat 7]

This is what the Church Fathers say

Sa mga paniniwala at kasanayan maging tanggap sa pangkalahatan o kautusan sa publiko na napanatili sa Simbahan na ang ilan ay nagmamay-ari tayo na nagmula sa nakasulat na pagtuturo; ang iba ay natanggap natin na naihatid sa atin 'sa isang misteryo' sa tradisyon ng mga Apostol; pareho sa mga ito na may kaugnayan sa tunay na relihiyon ay may parehong lakas. [St. Basil, On the Holy Spirit, Chap. 27 (MG 32, 188)]