FAQ (Mga Madalas Itanong)
Anu-ano ang mga inaalok ng Tweeting with GOD?
Ang Tweeting with GOD ay nag-aalok ng aklat, libreng app, kurso tungkol sa Paano lumago sa pananampalataya, at presensiya online, partikular sa social media.
Anong impormasyon ang aking mahahanap sa Tweeting with GOD?
Ang Tweeting with GOD ay sinasaklaw ang lahat ng aspeto ng pananampalatayang Katoliko. Kasama sa mga paksa ang Diyos at ang paglalang, ang Simbahan, pananalangin at liturhiya, at ang buhay bilang isang Kristiyano. Sa kabuuan, mayroong higit pa sa 200 na mga Tanong o “Tweets”. Ito ay nakaprisinta sa isang kaakit-akit at modernong paraan. Ang bawat pahina sa aklat na Tweeting with GOD ay nakalarawan nang maayos at walang-katulad. Samakatuwid, maaaring buksan ang aklat sa kahit anong pahina at simulan ang pagbasa. Gayundin sa mga 200+ na katanungan online. Kasama ang mga maiikli at payak na sagot, ang pagkakaayos na ito ay nakatutulong sa mga hindi sanay magbasa ng mahahabang mga teksto.
Kailangan ko ba ang aklat na Tweeting with GOD o sapat na ang app?
Ang Tweeting with GOD app at ang aklat ay kapunan ng isa’t isa, ngunit maaari rin itong gamitin nang hiwalay. Nagbibigay ang Tweeting with GOD app ng ugnayan sa pagitan ng aklat at nilalaman online, at nag-aalok ito ng iba’t ibang mapagpipilian. Ang mga gumagamit nito ay kakailanganin ang aklat at ng koneksyon sa internet (upang makita ang mga impormasyon online) upang makinabang sa mga inaalok ng Tweeting with GOD.
Ano ang Tanong o “Tweet” sa kontekstong ito?
Ang Tweeting with GOD ay base sa mga Tanong o “Tweets” kasama ang katumbas nitong sagot, dahil ipinadala ng mga kabataan ang orihinal nilang mga tanong gamit ang mga plataporma sa social media. Ituturo ng sanggunian, tulad ng “tingnan ang Tanong 1.34” o “tingnan ang Tweet 1.34”, ang mambabasa sa Tanong 1.34 at ang katumbas nitong sagot.
Ano ang ibig sabihin ng mga pagdadaglat na CCCC, CCC, at Youcat?
Sa ibaba ng bawat sagot sa Tweeting with GOD app, makikita ninyo ang mga sanggunian sa ibang mga teksto na makakatulong sa pagsiyasat sa paksang ito. Sa aklat, ang mga sanggunian na ito ay mahahanap sa ilalim ng pamagat na “Basahin pa ang iba”, at mahahanap ito sa website sa ilalim ng pamagat na “Mula sa Dunong ng Simbahan”. Ang mga teksto na ito ay may ilang mga pinagmumulan:
- Ang CCCC ay ang pinaikling ‘Compendium of the Catechism of the Catholic Church’. Ang katesismo ay isang aklat na nagpapaliwanag ng pananampalataya sa isang wastong teolohikal na pamamaraan, na sinang-ayunan ng mga awtoridad ng Simbahan. Ang Compendium ay isang pinaikling edisyon ng kumpletong Catechism of the Catholic Church (CCC), na sinang-ayunan ni Papa Juan Pablo II noong 1992 para sa buong pandaigdig na Simbahan.
- Ang Youcat ay ang pinaikling “Youth Catechism”, ang salaysay ng Catechism of the Catholic Church na partikular na nilayon para sa mga kabataan. Tulad ng CCCC, ang Youcat ay ang buod ng Catechism of the Catholic Church.
Ano ang ugnayan sa pagitan ng Youcat at Tweeting with GOD?
Ang Youcat at ang Tweeting with GOD ay dalawang magkaibang paraan sa pagpapalago ng pananampalataya para sa mga kabataan. Madalas kaming nagtutulungan. Ang Tweeting with GOD ay mula sa mga tanong ng mga kabataan sa panahong ito. Ang mga sagot ay nagmumula sa lohika ng pananampalataya at ang ugnay nito sa buhay ng isang tao, binibigyang pansin ang dunong ng Simbahan. Ang Youcat ay nagsisimula sa mga tanong ng Catechism of the Catholic Church, at nais nitong sumagot sa paraang mauunawaan ng mga kabataan. Palaging tumutukoy ang Tweeting with GOD sa mga katanungan na nanggagaling sa Youcat at patuloy itong pinag-aaralan. Magkakaiba ang bawat tao at mabuti na magkaroon ng iba’t ibang impormasyon na ipinapaliwanag ang pananampalataya. Sa ganitong paraan, makakahanap ang lahat ng format na angkop sa kanilang kagustuhan.
Ano ang ugnayan sa pagitan ng Tweeting with GOD at Online with Saints?
Ang Tweeting with GOD at Online with Saints ay dalawang magkaibang paraan sa pagpapalago ng pananampalataya. Ang pangalawa ay maaaring makita bilang pagpapatuloy ng una, at naglalaman ito ng mga bagong tanong. Pareho itong batay sa mga katanungan ng mga kabataan sa panahong ito. Idinaragdag ng Online with Saints ang nagbibigay-inspirasyong kuwento ng buhay ng mga santo.
Paano ko magagamit ang scan sa app?
May katangian ang app na mag-SCAN kung saan naka-ugnay ang mga pahina sa nilalaman online. Simple lang ang pamamaraan dito:
- Pindutin ang SCAN icon sa app
- Kuhanan ng ‘larawan’ ang malaking imahe sa itaas na kaliwang bahagi ng bawat pahina sa aklat.
- Ibibigay sa iyo ng app ang makukuha nitong impormasyon tungkol sa paksa, at magbibigay ng mga mungkahi para sa mga nakaka-engganyong mga Tanong na maaaring basahin
Paano napopondohan ang Tweeting with GOD?
Umaasa ang Tweeting with GOD sa mga donasyon. Sinusubukan naming makamit ang maraming mga bagay, gamit ang limitadong kakayahan, sa iba’t ibang pamamaraan. Halimbawa, karamihan sa pangkat ng Tweeting with GOD ay binubuo ng mga boluntaryo. Ang mga miyembro ng lupon ng JP2 Foundation ay hindi nakatatanggap ng kabayaran. Gayunpaman, mataas ang halaga na kaugnay ang pagbuo at pagpanatili ng website, paggawa ng app, at pagsasalinwika ng mga inisyatiba sa iba’t ibang mga wika (halimbawa, para sa mga bansa na limitado ang pananalapi). Lahat ng mga donasyon ay gagamitin lamang sa pagpondo ng Tweeting with GOD at iba pang mga kaugnay na inisyatiba.
Paano ko masusuportahan ang Tweeting with GOD?
Maaari niyo kami suportahan gamit ang iba’t ibang mga paraan:
- Gamit ang donasyon pinansyal, sa pamamagitan ng bank transfer o sa online mismo. Tingnan ang Donasyon na bahagi para sa karagdagang impormasyon. Kami ay patiunang nagpapasalamat sa inyong abuloy!
- Maaari kayong tumulong sa pamamagitan ng pananalangin para sa Tweeting with GOD at sa mga kaugnay na inisyatiba.
- Maaari kayong magpadala ng mga tip at mga mungkahi para sa higit pang pagsulong.
- Maaari kayong sumali sa aming pandaigdigang pangkat ng mga boluntaryo. Pakisuyong punan ang subscribe form o makipag-ugnayan sa amin para sa karagdagang impormasyon.
Ano ang tungkulin ng JP2 Foundation?
Ang Tweeting with GOD ay bahagi ng gawain ng JP2 Foundation, sa Leiden, sa Netherlands. Katulad ng halimbawa ni Santo Juan Pablo II, ang Foundation ay nakatalaga sa pagtulong sa mga tao na isipin at malaman pa ang tungkol sa Diyos, at bigyan ng lugar sa kanilang buhay ang kanilang pakikipag-ugnayan kay Hesus.