DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.15 Ano ang balangkas ng Lumang Tipan?
next
Next:1.17 Paano at kailan nagsimula ang Bagong Tipan?

1.16 Ano ang pinagkaiba ng Katolikong Lumang Tipan at ng Judiong Tanakh?

Ang Bibliya: tunay o huwad?

Ang Judiong Tanakh ay kulang ng pitong aklat sa Katolikong Lumang Tipan na mayroong 46 na aklat. Ang talaan ng 39 aklat ng Tanakh ay tinipon noong 70 MK, noong naghahanap ng gabay at katatagan ang mga Judio matapos ang pagwasak ng Templo sa Jerusalem. Gayunman, ginagamit na ang 46 talaan ng aklat ilang siglo bago nito.

Magkaiba ang pagkakasunud-sunod sa mga aklat ng Lumang Tipan at ng Tanakh. Ang pinakamalaking kaibahan ay ang Tanakh ay intinuturing na ganap na kumpleto. Subalit, ang Lumang Tipan ay hindi maaaring ihiwalay sa Bagong Tipan [>1.18]: binubuo nila ang Banal na Kasulatan. Pinapahintulutan ng Bagong Tipan na magkaroon tayo ng mas mainam na pagunawa sa Lumang Tipan.

Ang Bibliyang Katoliko ay may 46 aklat ng Hebreong Kasulatan na kilala noong 300 BK. 39 sa aklat na ito ay bumubuo ng Tanakh, na tinipon noong 70 MK.
The Wisdom of the Church

What is the Canon of Scripture?

The Canon of Scripture is the complete list of the sacred writings which the Church has come to recognize through Apostolic Tradition. The Canon consists of 46 books of the Old Testament and 27 of the New. [CCCC 20]

Paano ang tamang pagbabasa ng Biblia?

Binabasa nang tama ang Banal na Kasulatan kapag ito ay binasa nang nagdarasal, ibig sabihin, binabasa sa tulong ng Espiritu Santo, na siyang nag-impluwensiya sa pagkakasulat ng Biblia. Ito ay salita ng Diyos at naglalaman ng mahalagang mensahe ng Diyos sa atin.

Ang → Biblia ay parang isang mahabang liham ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kaya dapat kong tanggapin ang Banal na Kasulatan nang may dakilang pag-ibig at paggalang: una, tunay na basahin ang liham ng Diyos, ibig sabihin, hindi mamimili ng ilang babasahin at babalewalain ang kabuuan. Pagkatapos ay dapat ko ngayon bigyang-kahulugan ang kabuuan tungo sa pinakapuso at misteryo nito: kay Jesukristo, na siyang tinutukoy ng buong Biblia, pati na rin ng → Matandang Tipan. Kaya kinakailangan kong basahin ang Banal na Kasulatan sa parehong buhay na pananampalataya ng → Simbahan, na siyang pinagmulan ng Banal na Kasulatan. [Youcat 16]

This is what the Popes say

Ang Bibliya ay hindi isang solong libro, ngunit isang koleksyon ng mga teksto ng pampanitikan na binubuo sa loob ng isang libong taon o higit pa, at ang mga indibidwal na libro ay hindi madaling makita na magkaroon ng panloob na pagkakaisa; sa halip, nakikita natin ang malinaw na hindi pagkakapare-pareho sa pagitan nila. Ito na ang kaso sa Bibliya ng Israel [ang Tenach], na tinawag nating mga Kristiyano na Lumang Tipan. Lalo na't lalo na kapag, bilang mga Kristiyano, naiugnay natin ang Bagong Tipan at ang mga isinulat nito bilang isang uri ng hermeneutiko susi sa Bibliya ng Israel, kaya binibigyang kahulugan ang huli bilang isang landas patungo kay Cristo. [Pope Benedict XVI, Verbum Domini, n. 39]