2.11 Ano ang pinagmulan ng Simbahan? Paano nagsimula ang lahat?
Tinipon ni Hesus ang unang mga Apostol at itinatag ang Simbahan. Ang ating mga kasalukuyang obispo at papa ay ang kahalili ng mga Apostol [>2.17]. Sa simula pa lang, ang mga Apostol ay nagtalaga ng mga gawain sa mga obispo. Ang Simbahan ay binubuo ng mga obispo kasama ang lahat ng iba pang matapat.
Sa pamayanan ng Simbahan natututo tayong manirahan nang sama-sama at manalangin [>3.1] nang tama. Sa ganitong paraan tayo ay inihahanda na mamuhay kasama ng Diyos sa langit [>1.45]. Sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa Ebanghelyo, ang ibang mga tao ay binibigyan ng pagkakataong sumali din sa pamayanan na ito, at sa gayo’y lumapit sa Diyos.
Ano ang ibig sabihin ng "Simbahan"?
Ang → Simbahan sa Nazaret ay "ekklesia" = ang mga tinawag palabas. Lahat tayo na mga bininyagan at sumasampalataya sa Diyos, ay tinatawag palabas ng Panginoon. Magkakasama tayong Simbahan. Si Kristo ang ulo ng Simbahan, gaya ng sinabi ni Pablo. Tayo ang Kanyang katawan.
Kapag ating tinanggap ang mga → Sakramento at napakinggan ang Salita ng Diyos, sumasaatin si Kristo at tayo ay sumasakanya – iyan ang → Simbahan. Ang malapit na personal na buhay-komunidad ng lahat ng binyagan kay Jesus ay inilalarawan ng Banal na Kasulatan sa palagiang panibagong mga larawan: minsa'y nagsasalita ito tungkol sa bayan ng Diyos, sa ibang pagkakatao'y tungkol sa nobya ni Kristo; kung minsa'y tinatawag ang Simbahan na ina, nang sa gayo'y pamilya siya ng Diyos, o inihahambing siya sa isang pagdiriwang ng kasal. Ang Simbahan ay hindi kailanman isang institusyon lamang, ni isang "Simbahang namumuno," na maaaring itulak papalayo sa sarili. Magagalit tayo sa mga pagkakamali at mga depekto sa Simbahan, ngunit hinding-hindi tayo dapat lumayo sa kanya, dahil hindi magbabago ang pagpanig sa kanya ng Diyos na, sa kabila ng lahat ng kasalanan, ay hindi dumidistansya sa kanya. Ang Simbahan ang presensya ng Diyos sa pagitan nating mga tao, kaya dapat natin siyang mahalin. [Youcat 121]
What is the origin and the fulfillment of the Church?
The Church finds her origin and fulfillment in the eternal plan of God. She was prepared for in the Old Covenant with the election of Israel, the sign of the future gathering of all the nations. Founded by the words and actions of Jesus Christ, fulfilled by his redeeming death and Resurrection, the Church has been manifested as the mystery of salvation by the outpouring of the Holy Spirit at Pentecost. She will be perfected in the glory of heaven as the assembly of all the redeemed of the earth. [CCCC 149]
Bakit ninais ng Diyos ang Simbahan?
Ninais ng Diyos ang → Simbahan dahil hindi Niya tayo ninais na tubusin nang mag-isa kundi magkakasama. Nais niyang gawing bayan Niya ang buong sangkatauhan.
Walang nakakarating sa langit na hindi iniintindi ang kapwa. Ang sinumang iniintindi lamang ang kanyang sarili at ang kaligtasan ng kanyang sariling kaluluwa ay namumuhay ng antisosyal. Imposible ito sa langit gaya ng sa lupa. Ang Diyos mismo ay hindi antisosyal; hindi Siya nag-iisa at sapat na sa Kanyang sarili. Ang Tatlong Persona sa Isang Diyos ay "maka-panlipunan," isang komunidad, isang walang hanggang pagpapalitan ng pag-ibig. Ayon sa modelo ng Diyos, ang tao rin ay nilikha para sa pakikipag-ugnayan, pakikipagpalitan, pakikilahok at pag-ibig. Tayo ay may pananagutan sa isa't-isa. [Youcat 122]
Natanggap ng mga Apostol ang Ebanghelyo para sa amin mula sa Panginoong Jesucristo ... na may buong katiyakan ng Banal na Espiritu, sila ay nagpunta at nangangaral ng Ebanghelyo ng Kaharian ng Diyos na malapit nang dumating. Alinsunod sa pangangaral, sa buong bansa at mga lunsod, hinirang nila ang kanilang mga unang bunga, pagkatapos subukin sila ng Espiritu, na maging mga obispo at diakono ng mga dapat maniwala. [St. Clement of Rome, Letter to the Corinthians, Chap. 42 (MG I, 292)]
Ang kaligtasan, na laging nananatiling isang regalo ng Banal na Espiritu, ay nangangailangan ng kooperasyon ng tao, kapwa upang maligtas ang kanyang sarili at upang maligtas ang iba. Ito ang Kalooban ng Diyos, at ito ang dahilan kung bakit itinatag niya ang Simbahan at ginawang bahagi siya ng kanyang plano ng kaligtasan. [Pope John Paul II, Redemptoris Missio, n. 9]