1.17 Paano at kailan nagsimula ang Bagong Tipan?
Ang mga kwento tungkol kay Hesus ay unang ipinamahagi sa pamamagitan ng salita. Ang mga ito ay isinulat sa pagitan ng 20 at 70 taon makalipas ang kanyang kamatayan. Kabilang sa pinakamaagang isinulat ay ang mga sulat ni Apostol Pablo sa sinaunang komunidad ng mga Kristyano. Ang Bagong Tipan ay binubuo ng 27 aklat at mga sulat.
Upang matiyak kung alin sa mga kasulatan ay udyok ng Espiritu Santo [>1.31], sinuri ng Simbahan ang ilang aspekto kabilang na ang pinagmulan ng mga may-akda at lawak ng pag-aayon ng mga sulat sa buong pagtuturo ni Hesus.
What is the Canon of Scripture?
The Canon of Scripture is the complete list of the sacred writings which the Church has come to recognize through Apostolic Tradition. The Canon consists of 46 books of the Old Testament and 27 of the New. [CCCC 20]
Paano ang tamang pagbabasa ng Biblia?
Binabasa nang tama ang Banal na Kasulatan kapag ito ay binasa nang nagdarasal, ibig sabihin, binabasa sa tulong ng Espiritu Santo, na siyang nag-impluwensiya sa pagkakasulat ng Biblia. Ito ay salita ng Diyos at naglalaman ng mahalagang mensahe ng Diyos sa atin.
Ang → Biblia ay parang isang mahabang liham ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kaya dapat kong tanggapin ang Banal na Kasulatan nang may dakilang pag-ibig at paggalang: una, tunay na basahin ang liham ng Diyos, ibig sabihin, hindi mamimili ng ilang babasahin at babalewalain ang kabuuan. Pagkatapos ay dapat ko ngayon bigyang-kahulugan ang kabuuan tungo sa pinakapuso at misteryo nito: kay Jesukristo, na siyang tinutukoy ng buong Biblia, pati na rin ng → Matandang Tipan. Kaya kinakailangan kong basahin ang Banal na Kasulatan sa parehong buhay na pananampalataya ng → Simbahan, na siyang pinagmulan ng Banal na Kasulatan. [Youcat 16]
Ano ang kahalagahan ng Bagong Tipan para sa mga Kristiyano?
Sa → Bagong Tipan ay makikita ang kaganapan ng → Pagbubunyag ng Diyos. Ang apat na Ebanghelyo ayon kina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay ang puso ng Banal na Kasulatan at ang pinakamahalagang kayamanan ng Simbahan. Ipinapakita sa mga ito ang Anak ng Diyos, kung ano Siya at kung paano Niya tayo nakatagpo. Matututunan natin sa Mga Gawa ng mga Apostol ang pagsisimula ng Simbahan at mga gawa ng Espiritu Santo. Sa Aklat ng Pagbubunyag makikita natin ang katapusan ng panahon.
Si Jesus ang lahat ng nais sabihin sa atin ng Diyos. Isang paghahanda para sa pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos ang buong → Matandang Tipan. Kay Jesus makikita ang pagsasakatuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Ang maging Kristiyano ay nangangahulugan ng mas malalimang pagkakaisa sa buhay ni Kristo. Dapat basahin at isabuhay ang mga Ebanghelyo para sa layuning ito. Sinabi ni Madeleine Delbrêl, “Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sinasabi sa atin ng Diyos kung ano Siya at ano ang ninanais Niya; sinasabi Niya ito nang tiyak at sinasabi Niya ito sa bawat araw. Kapag hawak natin ang Ebanghelyo sa ating mga kamay, kinakailangan nating isipin na nabubuhay rito ang Salita na nais magkatawang tao sa atin, na nais tayong kapitan upang panibago nating masimulan ang Kanyang buhay sa isang panibagong lugar, isang panibagong panahon, isang panibagong kapaligiran ng tao.” [Youcat 18]
How is Sacred Scripture to be read?
Sacred Scripture must be read and interpreted with the help of the Holy Spirit and under the guidance of the Magisterium of the Church according to three criteria:
1. it must be read with attention to the content and unity of the whole of Scripture;
2. it must be read within the living Tradition of the Church;
3. it must be read with attention to the analogy of faith, that is, the inner harmony which exists among the truths of the faith themselves.
[CCCC 19]
[Si Saint Jerome, na isinalin ang Bibliya sa Latin,] ay ipinapakita na ang kaligtasan sa kamalian ng Banal na Kasulatan mula sa pagkakamali o panlilinlang ay kinakailangang nakagapos sa Banal na inspirasyon at kataas-taasang awtoridad ... Kaya't nang, sa halimbawa ni Papa Damasus, sinimulan niyang iwasto ang Latin teksto ng Bagong Tipan, at [inatake para dito]… Maikling sagot ni Jerome na hindi siya ganoong kabobo o sobrang hindi edukado upang isipin na ang mga salita ng Panginoon ay nangangailangan ng anumang pagwawasto o hindi binigyang inspirasyon ng Diyos. [Pope Benedict, Spiritus Paraclitus, n. 13]