3.37 Sa Kumpil, ang Espiritu Santo ba ay bumababa sa atin para sa pangalawang pagkakataon?
Sa sandali ng Binyag, ang isang tao ay ‘ipinapanganak’ bilang isang Kristiyano. Siya ay kaagad na nakatatanggap ng Espiritu Santo. Bago ang kumpil, ang mga taong bininyagan noong bata pa sila ay magpapanibago ng mga pangako na ginawa ng kanilang mga magulang sa kanilang pangalan noong sila ay binyagan.
Ang isang tao na bininyagan bilang isang matanda ay karaniwang kinukumpilan kaagad pagkatapos ng binyag. Ang sakramento ng kumpil ay kumukumpirma at nagpapatibay ng presensiya ng Espiritu Santo.
Why is this sacrament called Chrismation or Confirmation?
It is called Chrismation (in the Eastern Churches: Anointing with holy myron or chrism) because the essential rite of the sacrament is anointing with chrism. It is called Confirmation because it confirms and strengthens baptismal grace. [CCCC 266]
What is the essential rite of Confirmation?
The essential rite of Confirmation is the anointing with Sacred Chrism (oil mixed with balsam and consecrated by the bishop), which is done by the laying on of the hand of the minister who pronounces the sacramental words proper to the rite. In the West this anointing is done on the forehead of the baptized with the words, “Be sealed with the gift of the Holy Spirit”. In the Eastern Churches of the Byzantine rite this anointing is also done on other parts of the body with the words, “The seal of the gift of the Holy Spirit”. [CCCC 267]
Ano ang kumpil?
Ang → Kumpil ay ang → Sakramento na ginagawang ganap ang binyag at kung saan binibigyan tayo ng mga kaloob ng Espiritu Santo. Ang sinumang malayang nagdedesisyon na mamuhay bilang anak ng Diyos at sa ilalim ng tanda ng pagpapatong ng kamay at pagpapahid ng → chrism ay humihiling ng Espiritu ng Diyos, at nakakatanggap ng lakas na magpatotoo sa salita at gawa sa pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos. Siya ngayon ay isang ganap at responsableng miyembro ng Simbahang Katolika.
Kapag pinagala ng isang trainer sa field ang isang football player, ipinapatong ang kamay niya sa balikat ng manlalaro at nagbibigay sa kanya ng mga huling payo. Gayon din maaaring maintindihan ang → Kumpil. Ipinapatong sa atin ang kamay dahil papasukin natin ang larangan ng buhay. Alam natin sa pamamagitan ng Espiritu Santo kung ano ang ating gagawin. Binigyan Niya tayo ng motibasyon hanggang sa dulo ng ating mga daliri. Ang Kanyang pagpapadala ay tumutunog sa ating tainga. Nararamdaman natin ang Kanyang tulong. Hindi natin bibiguin ang Kanyang tiwala sa atin at papanalunin ang laro para sa Kanya. Kinakailangan lang nating gustuhin Siya at makinig sa Kanya. [Youcat 203]
Ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa Sakramento ng Kumpil?
Sa → Matandang Tipan pa lamang ay nag-antay na ang bayan ng Diyos sa pagbubuhos ng Banal na Espiritu sa Mesiyas. Namuhay si Jesus sa isang natatanging Espiritu ng pag-ibig at ganap na pagkakaisa sa Kanyang Ama sa lagit. Itong Espiritu ni Jesus ay ang "Banal na Espiritu," na siyang pinanabikan ng bayang Israel, at ito ang parehong Espiritu na ipinangako ni Jesus sa Kanyang mga alagad, ang parehong Espiritu na bumaba sa mga alagad noong Pentecostes, limampung araw pagkatapos ng Pasko ng Muling Pagkabuhay. At ito pa rin ang parehong Banal na Espiritu ni Jesus na bumababa sa bawat isang tumatanggap ng → Sakramento ng → Kumpil.
Doon pa lamang sa Mga Gawa ng mga Apostol na naganap ilang siglo pagkatapos ng pagkamatay ni Jesus, makikita natin si Pedro at si Juan sa isang "paglalakbay sa pagkumpil." Silang dalawa ay nagpatong ng kanilang mga kamay sa mga bagong Kristiyano na bago noon ay "nabinyagan lamang sa Ngalan ng Panginoong Jesus," upang ang kanilang mga puso ay mapuno ng Espiritu Santo. [Youcat 204]
Ano ang nagaganap sa Kumpil?
Sa → Kumpil, ang kaluluwa ng isang binyagang Kristiyano ay minamarkahan ng isang tatak na hindi napapawi, na minsanan lamang maaaring matanggap at ang taong ito’y panghabangbuhay nang namarkahan bilang Kristiyano. Ang mga kaloob ng Espiritu Santo ay ang kapangyarihan mula sa itaas, kung saan pinapatotohanan ng taong ito ang biyaya ng kanyang binyag sa pamamagitan ng kanyang buhay at naging “saksi” para kay Kristo.
Ang makumpilan ay nangangahulugang gumawa ng isang “tipan” sa Diyos. Sinasabi ng kinukumpilan: Oo, naniniwala ako sa Iyo, aking Diyos, ibigay Mo sa akin ang Iyong Espiritu Santo, upang ako’y lubos na maging Iyo, hinding-hindi mawawalay sa Iyo, at magpapatotoo sa Iyo ang aking buong buhay, katawan at kaluluwa, sa gawa at salita, sa mabuti at di-mabuting mga araw. At sasagot ang Diyos: Oo, naniniwala Ako sa ‘yo, Aking anak – at Aking ipagkakaloob sa ‘yo ang Aking Espiritu, sa katunayan, Ako mismo. Ako’y iyo buong-buo. Hinding-hindi Ako mawawalay sa iyo sa buhay na ito at sa buhay na walang hanggan. Ako ay magiging naririyan sa iyong katawan at kaluluwa, sa iyong mga gawa at salita. Kahit na ikaw mismo ay makalimot sa Akin, magiging naririyan Ako para sa iyo – sa mabubuti at pati na rin sa di-mabubuting mga araw. [Youcat 205]
Sino ang maaaring makumpilan at ano ang kinakailangan sa isang kandidatong kukumpilan?
Ang bawat Katolikong Kristiyano na nakatanggap ng → Sakramento ng Binyag at "nasa estado ng biyaya" ay maaaring payagang makatanggap ng → Kumpil.
Ang "nasa estado ng biyaya" ay nangangahulugang: walang nagawang kasalanang mortal (kasalanang nakamamatay). Nawawalay ang isang tao sa Diyos sa pamamagitan ng kasalanang mortal at maaari lamang makipagkasundo sa Diyos sa pamamagitan ng Kumpisal. Ang isang (batang) Kristiyanong naghahanda para sa → Kumpil ay nasa isa sa pinakamahalagang yugto ng kanyang buhay. Gagawin niya ang lahat upang maintindihan ng pananampalataya sa kanyang puso at pag-iisip; magdarasal siya para sa Espiritu Santo nang mag-isa at kasama ang iba; makikipagsundo siya sa kanyang sarili, sa mga tao sa kanyang kapaligiran at sa Diyos gamit ang bawat paraan, kabilang dito ang Kumpisal, na siya naman magdadala papalapit sa Diyos, kapag wala siyang nagawang kasalanang mortal. [Youcat 206]
Ang banal na pamahid na ito ay hindi na simpleng pamahid ... ngunit ito ay regalo ng biyaya ni Cristo, at, sa pag-usbong ng Banal na Espiritu, ay nababagay upang maibahagi ang kanyang banal na likas na katangian. Aling pamahid ang simbolo na inilalagay sa iyong noo at iba pang mga pandama; at habang ang iyong katawan ay pinahiran ng nakikitang pamahid, ang iyong kaluluwa ay pinapaging banal ng Banal at nagbibigay-buhay na Espiritu. [St. Cyril of Jerusalem, Cathecheses, 21, 3 (MG 33, 1089)]