DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.42 Ano ang karaniwang pagkapari ng lahat ng nananampalataya?
next
Next:3.44 Bakit sobrang nakakabagot ang misa?

3.43 Bakit napakahalaga ng kasal para sa mga Kristiyano?

Ang mga Sakramento

Ang Diyos ang pinagmulan ng lahat ng makataong pagmamahal, kasali ang pagmamahal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae na gustong magpakasal. Ang kasal sa pagitan ng isang bininyagang lalaki at isang bininyagang babae ay mahalaga dahil si Hesus ay may espesyal na lugar sa kanilang relasyon. Si Hesus, samakatuwid, ay itinaas ang kasal bilang isang sakramento.

Ang kasal ay may tatlong mahalagang elemento:
1) Ang mag-asawa ay bumubuo ng pagkakaisa ng magkasama
2)Ang kasal ay panghabang-buhay at hindi maaaring buwagin (Mk. 10:9)Mk. 10:9: “Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao”..
3) Ang mga bata ay maaaring ipanganak mula sa kasal, na naaayon sa utos ng Diyos na magbunga  (Gen. 1:28)Gen. 1:28: “At sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa”..

Sa likas na katangian nito, ang Kristiyanong kasal ay iisa lamang, matatag, at bukas sa oportunidad na magkaroon ng mga anak. Ito ay isang sakramento sa pagitan ng mga binyagan.
The Wisdom of the Church

For what ends has God instituted Matrimony?

The marital union of man and woman, which is founded and endowed with its own proper laws by the Creator, is by its very nature ordered to the communion and good of the couple and to the generation and education of children. According to the original divine plan this conjugal union is indissoluble, as Jesus Christ affirmed: “What God has joined together, let no man put asunder” (Mark 10:9). [CCCC 338]

What does the Old Testament teach about marriage?

God helped his people above all through the teaching of the Law and the Prophets to deepen progressively their understanding of the unity and indissolubility of marriage. The nuptial covenant of God with Israel prepared for and prefigured the new covenant established by Jesus Christ the Son of God, with his spouse, the Church. [CCCC 340]

What new element did Christ give to Matrimony?

Christ not only restored the original order of matrimony but raised it to the dignity of a sacrament, giving spouses a special grace to live out their marriage as a symbol of Christ’s love for his bride the Church: “Husbands, love your wives as Christ loves the Church” (Ephesians 5:25). [CCCC 341]

What is required when one of the spouses is not a Catholic?

A mixed marriage (between a Catholic and a baptized non-Catholic) needs for liceity the permission of ecclesiastical authority. In a case of disparity of cult (between a Catholic and a non-baptized person) a dispensation is required for validity. In both cases, it is essential that the spouses do not exclude the acceptance of the essential ends and properties of marriage. It is also necessary for the Catholic party to accept the obligation, of which the non-Catholic party has been advised, to persevere in the faith and to assure the Baptism and Catholic education of their children. [CCCC 345]

Bakit inilaan ng Diyos ang lalaki at babae para sa isa't isa?

Inilaan ng Diyos ang lalaki at babae para sa isa't-isa upang "hindi na sila dalawa kundi iisang katawan lamang" (Mt 19:6). Sa ganitong paraan dapat nilang isabuhay ang pag-ibig, maging mabunga at maging tanda para sa Diyos mismo, na walang iba kundi nag-uumapaw na pag-ibig. [Youcat 260]

Ano ang kailangang-kailangan sa isang Kristiyanong Sakramento ng Kasal?

Tatlong elemento and kailangang-kailangan sa isang Kristiyanong Sakramento ng Kasal: 1) ang malayang pagsang-ayon, 2) ang pagsang-ayon sa isang pang-habangbuhay at saradong pag-iisang dibdib, at 3) ang pagiging bukas sa pagkakaroon ng anak. Ngunit ang pinakamalalim sa isang Kristiyanong kasal ay ang kamalayan ng mag-asawa: Tayo ay isang buhay na larawan ng pag-ibig sa pagtan ni Kristo at ng Kanyang Simbahan.

Ang kinakailangang pag-iisa at hindi pagbuwag ay nakatuon laban sa  → poligamiya, kung saan nakikita ng Kristiyanismo ang isang pundemental na balakid laban sa pag-ibig at karapatan ng tao. Ito rin ay nakatuon laban sa maaaring tawaging "sunud-sunod na poligamiya": isang pagkakasunod-sunod ng walang pananagutang relasyon na hindi na nauuwi sa nag-iisang, dakila at hindi na mababawing "Oo." Nabibilang sa katapatan ng mag-asawa ang kahandaan sa isang panghahabangbuhay na pagkakatali, na nagbubukod ng mga relasyon ng pag-iibigan sa labas ng kasal. Ang kahandaan sa pagiging mabunga ay nangangahulugang ang Kristiyanong mag-asawa ay bukas sa pagkakaroon ng anak na maaaring ipagkaloob sa kanila ng Diyos. Ang mga mag-asawang nananatiling walang anak ay tinatawag na maging "mabunga" sa ibang paraan. Hindi naisasakatuparan ang isang pag-asawa na sarado sa isa sa mga elementong ito sa panahon ng kasal. [Youcat 262]

Bakit permanente ang kasal?

Ang kasal ay permanente sa tatlong paraan. Una, dahil nasa likas na katangian ng pag-ibig ang mabibigay sa isa't-isa nang walang kondisyon; ikalawa, dahil ito ay isang larawan ng katapatan ng Diyos sa Kanyang sangnilikha nang walang kondisyon; ikatlo, dahil kumakatawan ito sa pag-aalay ni Kristo sa Kanyang Simbahan na nagpatuloy hanggang sa kamatayan sa krus.

Sa isang panahon kung saan 50% ng lahat ng kasal sa maraming lugar ay nauwi sa hiwalayan, ang bawat kasal na tumatagal ay, sa huli, isang dakilang tanda para sa katapatan ng Diyos. Sa mundong ito kung saan napakarami ng bagay na relatibo, kailangang maniwala ang tao sa Diyos na siya lamang ganap. Kaya napakahalaga ng lahat ng hindi relatibo: ang sinuman na ganap na nagsasabi ng totoo o lubos na tapat. Ang ganap na katapatan sa kasal ay nagpapatotoo hindi sa pagsisikap ng tao kundi higit sa katapatan ng Diyos na nananatili pa ring nariyan kapag Siya ay ating ipinagkakanulo at nakakalimutan sa bawat paraan. Ang magpakasal sa Simbahan ay nangangahulugang magtiwala sa tulong ng Diyos kaysa sa sariling pinagmumula ng pag-ibig. [Youcat 263]

 

Tinawag ba sa buhay-may-asawa ang lahat ng tao?

Hindi lahat ay tinawag sa buhay-may-asawa. Kahit ang mga taong nabubuhay mag-isa ay maaaring magkaroon ng katuparan sa buhay. Ipinapakita ni Jesus sa ilan sa kanila ang isang natatanging daan; sila ay Kanyang inaanyayahan na mamuhay ang walang asawa "alang-alang sa kaharian ng langit" (Mt 19:12).

Marami sa mga taong nabubuhay nang mag-isa ang nagdurusa sa kanilang kalungkutan, at nakikita lamang ito bilang isang kakulangan at kawalan. Ngunit ang isang tao na hindi kinakailangang mangalaga para sa isang asawa o pamilya ay tumatamasa ng kalayaan at kasarinlan, at mayroon siyang oras na gumagawa ng makabuluhan at mahalagang mga bagay na hindi kailanman magagawa ng isang may asawa. Marahil ay nais ng Diyos na siya ang mangangalaga. Hindi bihirang tumawag ang Diyos ng naturang tao na maging malapit sa Kanya. Ito ang nangyayari kapag nararamdaman ng tao ang pagnanais na talikuran ang pagkakaroon ng asawa "alang-alang sa kaharian ng langit." Ang bokasyon sa Kristiyanismo ay hindi maaaring mangahulugang paghamak sa kasal o sa sekswalidad. Ang malayang hindi pag-aasawa ay maaari lamang isabuhay nang may pag-ibig at mula sa pag-ibig, bilang isang makapangyarihang tanda na ang Diyos ay mas mahalaga sa lahat. Tinatalikuran ng hindi pag-aasawa ang sekswal na relasyon ngunit hindi ang pag-ibig. Puno ng pananabik niyang sinasalubong si Kristo, ang darating na nobyo (Mt 25:6). [Youcat 265]

Paano ipinagdiriwag ang pagpapakasal sa Simbahan?

Ang pagpapakasal ay dapat maisakatuparan nang naayon sa batas. Ang magpapakasal ay tatanungin tungkol sa kanilang kalayaang magpakasal. Ang → pari o → diyakono ay nagbabasbas ng singsing. Nagpapalitan ng singsing ang ikinakasal at parehong ipinapangako ang katapatan "sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, hanggang paghiwalayin tayo ng kamatayan," at matapat na ipinangako sa isa't-isa: "Mamahalin, tatalimain at gagalangin kita sa lahat ng araw ng aking buhay." Kinukumpirma ng Tagapandiwang ang pag-iisang dibdib at binibigyan ng → pagpapala.

Sa ganitong paraan tintanong ng Simbahan ang lalaki at babae sa Ritwal ng Pag-iisang Dibdib:

Pari: "Mahal naming (Lalaki) at (Babae), naririto kayo ngayon upang pagtibayin ang inyong pagmamahalan sa harap ng Simbahan. Tinitiyak ko sa inyo na kayo'y ipagdarasal ng ating bayan upang basbasang masagana ng Diyos ang inyong pagmamahalan at tulungan kayong makatupad sa mga pananagutan ng may-asawa. At kayo naman, mga kapatid na sumasaksi sa kasalang ito, ay aking pinakikiusapan na isama na ito at tanggapin sila sa pamayanang Kristiyano. (Lalaki) at (Babae), maaari lamang na sagutin ninyo ang aking mga katanungan ng may buong katapatan.

(Babae), ikaw ba ay naparito nang may kusang loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at pagsisilbi sa iyong asawa?

Babae: Opo, Padre.

Pari: (Lalaki), ikaw ba ay naparito nang may kusang loob na ipangako ang iyong sarili sa pag-ibig at pagsisilbi sa iyong asawa?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: (Sa dalawa) Kayo ba ay pareho nang handa na palakihin bilang mabubuting Kristiyano ang mga anak na ibibigay sa inyo ng Panginoon?

Lalaki at Babae: Opo, Padre.

Pari: (Lalaki) at (Babae), nais niyo rin lamang na sumailalim sa sagradong sakramento ng kasal, pagdaupin ninyo ang inyong kanyang kamay at sabihin ang inyong mga intensiyon sa harap ng Diyos at ng Kanyang Simbahan.

(Babae), tinatanggap mo ba si (Lalaki) bilang inyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Ibinibigay mo ba ang inyong buong sarili bilang Kanyang kabiyak?

Babae: Opo, Padre.

Pari: Tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak sang-ayon sa iniaatas ng batas ng ating bayan?

Babae: Opo, Padre.

Pari: (Lalaki), tinatanggap mo ba si (Babe) bilang inyong kabiyak sang-ayon sa batas na iniaatas ng ating simbahan?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Ibinibigay mo ba ang inyong buong sarili bilang Kanyang kabiyak?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Tinatanggap mo ba siya bilang iyong kabiyak sang-ayon sa iniaatas ng batas ng ating bayan?

Lalaki: Opo, Padre.

Pari: Ngayon ay magharap kayo at sambitinsambitin ang inyong mga pangako sa isa't-isa.

Lalaki: (Babasahin ang pangakong sariling akda)

Babae: (Babasahin ang pangakong sariling akda)

Pari: Ngayong naipahayag na ninyo ang inyong sumpaan sa harap ng Panginoon, itulot nawa Niya ang Kanyang kabutihan at pagpalain ang inyong pagsasama. Ang pinagsama ng Panginoon ay huwag paghiwalayin ng tao.

Lalaki at Babe: Itulot mo sa amin, O Panginoon, na kami'y maging isang puso't kaluluwa, mula sa araw na ito, sa lungkot at ligaya, sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatyan.

Pari: Nawa'y saksihan ang kapangyarihan ng Simbahan, ay pinagtitibay at binabasbasan ang pag-iisang dibdib na ito. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espiritu Santo.

Lahat: Amen. (Babasbasan ng pari ng banal na tubig ang bagong kasal.) [Youcat 266]

Maaari bang maghiwalay ang mag-asawang hindi na nagsasama?

Ang Simbahan ay may mataas na paggalang sa kakayahan ng tao na tumupad sa pangako at magpahayag ng katapatan panghabangbuhay. Kinikilala niya ang binitawang salita ng tao. Ang bawat kasal ay maaaring malagay sa panganib ng mga krisis. Ang pakikipagusap sa bawat isa, ang (magkasamang) panalangin, at kung minsan ang tulong propesyonal din ay mga daan upang magbigay daan palabas ng krisis. Higit sa lahat, ang pag-aalaala na may kasama pa ring ikatlo sa sakramento ng kasal, si Kristo, ay maaaring muling pag-alabin ang pag-asa. Ngunit pinapayagan ang paghihiwalay para kaninuman na ang Kanyang buhay-may-asawa ay naging pasaning hindi kayang dalhin o sinumang nakahantad sa espirituwal o pisikal na karahasan. Ito ang tinatawag na legal na paghihiwalay na dapat ipagbigay-alam sa Simbahan. Kahit na nasira ang buhay komunidad sa ganitong mga pagkakataon, nananatili pa rin ang bisa ng kasal.

Gayunpaman, mayroong mga pagkakataon, na kapag binalikan ang krisis ng buhay-may-asawa, makikita sa huli na ang isang asawa o pareho, noong panahon ng pag-aasawa ay walang kakayahang mag-asawa o hindi ganap ang kagustuhang magpakasal. Kung gayon, ang kasal ay walang bisa sa legal na kahulugan, Sa ganoong mga pagkakataon, maaaring pasimulan ang proseso ng pagpapawalang-bisa ng kasal (annulment) sa isang hukuman ng Simbahan. [Youcat 269]

This is what the Church Fathers say

Sa pag-aasawa, hayaan ang mga nuptial na biyayang ito na maging hangarin ng aming pag-ibig - supling, katapatan, ang sakramento na bono. Panlabas, hindi na ito ay ipinanganak lamang, ngunit ipinanganak muli ... Ang katapatan, hindi tulad ng kahit na mga hindi naniniwala ay nagmamasid sa isa't isa, sa kanilang masigasig na pagmamahal sa laman ... Ang sakramento na ugnayan, muli, na nawala alinman sa diborsyo ni sa pangangalunya, dapat bantayan ng mag-asawa na may pagkakasundo at kalinisan. [St. Augustine, On marriage and concupiscence, Bk. 1, Chap. 11 (ML 44, 424)]