3.38 Bakit nagkukumpisal sa pari, sa halip na sa Diyos lamang?
Buong pusong gusto ni Hesus na patawarin ang mga tao sa kanilang mga kasalanan. Ito ang tunay na dahilan kung bakit siya namatay sa krus! Upang patawarin ang mga kasalanan, itinatag ni Hesus ang sakramento ng pagkakasundo, na kilala rin bilang kumpisal.
Ang mga Apostoles at ang kanilang mga kahalili (mga obispo at pari) ay tinagubilinan na magpatawad sa mga tao ng kanilang mga kasalanan sa ngalan ng Diyos (Jn. 20:21-23 )(Jn. 20:21-23: “Muling sinabi ni Jesus, “Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” Pagkatapos, sila'y hiningahan niya at sinabi, “Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Kung patatawarin ninyo ang mga kasalanan ninuman ay pinatawad na ang mga iyon, subalit ang hindi ninyo patatawarin ay hindi nga pinatawad.” tan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu”.. Kapag ang isang pari ay nagpatawad sa iyo ng iyong mga kasalanan (pagpapatawad), ikaw ay tunay na pinatawad ng Diyos. Kung kaya walang dahilan na magduda kung ang iyong mga kasalanan ay napatawad na. Sa #TwGOD app [>The app] makikita mo ang mga salita ng pagpapatawad sa maraming wika.
Why is there a sacrament of Reconciliation after Baptism?
Since the new life of grace received in Baptism does not abolish the weakness of human nature nor the inclination to sin (that is, concupiscence), Christ instituted this sacrament for the conversion of the baptized who have been separated from him by sin. [CCCC 297]
Who is the minister of this sacrament?
Christ has entrusted the ministry of Reconciliation to his apostles, to the bishops who are their successors and to the priests who are the collaborators of the bishops, all of whom become thereby instruments of the mercy and justice of God. They exercise their power of forgiving sins in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit. [CCCC 307]
Anu-ano ang mga pangalan para sa Sakramento ng Kumpisal?
Ang Sakramento ng Kumpisal ay tinatawag ring → Sakramento ng pakikipagkasundo, ng kapatawaran, ng pagbabalik-loob o pagsisisi. [Youcat 225]
Mayroon na tayong Binyag na pinapagkasundo tayo sa Diyos; bakit kinakailangan pa natin ng isa pang sakramento ng pakikipagkasundo?
Totoong inagaw tayo ng Binyag mula sa kapangyarihan ng kasalanan at ng kamatayan at inilipat tayo sa bagong buhay ng mga anak ng Diyos, ngunit hindi tayo nito pinalaya mula sa kahinaan ng tao at sa inklinasyon sa kasalanan. Kaya kailangan natin ng isang lugar kung saan paulit-ulit tayong muling makikipagkasundo sa Diyos. Iyan ay ang Kumpisal.
Hindi moderno ang mangumpisal; marahil ay mahirap ito at sa simula ay malaki ang kinakailangang mapagtagumpayan. Ngunit ito ay isa sa pinakamalaking biyaya na maaari nating paulit-ulit na muling tanggapin - talagang bago: tunay na walang hadlang at wala ang mga pasanin ng kahapon, tinatanggap sa pag-ibig at binibigyan ng bagong lakas. Ang Diyos ay maawain, at wala na Siyang higit na ninanais liban sa pakinabangan din natin ang Kanyang awa. Ang sinumang nangumpisal ay nagbubukas ng isang bagong puting pahina sa aklat ng kanyang buhay. [Youcat 226]
Sino ang nagtatag ng Sakramento ng Pagsisisi?
Si Jesus mismo ang nagtatag ng Sakramento ng Pagsisisi, noong nagpakita siya sa Kanyang mga → apostol noong araw ng muling pagkabuhay at inatasan sila: "Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patatawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin" (Jn 20:22b-23).
Wala nang mas gaganda pang paghahambing si Jesus kung ano ang nagaganap sa sakramento ng pagsisisi, kaysa sa talinghaga ng maawaing ama: nawawala tayo, naliligaw, hindi na natin kaya. Ngunit inaantay tayo ng ating ama ng may mas higit at walang hanggang pagnanasa; pinatatawad niya tayo kapag tayo'y bumalik; muli niya tayong tinatanggap, pinapatawad ang mga kasalanan. Si Jesus mismo ay pinatawad ang maraming tao sa kanilang mga kasalanan; mas mahalaga ito sa Kanya kaysa sa gumawa ng mga himala. Kanyang nakita rito ang dakilang tanda ng simula ng kaharian ng Diyos kung saan pagagalingin lahat ng sugat at patutuyuin lahat ng luha. Ipinasa ni Jesus sa Kanyang mga → apostol ang lakas ng Espiritu Santo, kung saan nagpatawad Siya ng mga kasalanan. Niyayakap tayo ng ating Ama sa langit kapag pumunta tayo sa isang → pari at nangumpisal. [Youcat 227]
Sino ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan?
Tanging ang Diyos ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan. Maaari lamang sabihin ni Jesus, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan" (Mc 2:5) dahil Siya ay Anak ng Diyos. At maaari lamang magpatawad ng mga kasalanan ang mga → pari sa lugar ni Jesus dahil binigyan sila ni Jesus ng kapangyarihang gawin ito.
May ilang nagsasabi: Diretso ko na lang sa Diyos ito gagawin, hindi ko na kailangan ng pari para rito! Ngunit iba ang gusto ng Diyos. Kilala Niya tayo. Dadayain natin ang pag-alis ng kasalanan, wawalisin natin ang mga ito sa ilalim ng kama. Kaya nais ng Diyos na bigkasin natin ang ating mga kasalanan at ikumpisal ito ng harap-harapan. Kaya masasabi tungkol sa mga pari: "Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patatawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin" (Jn 20:23). [Youcat 228]
Anong mga kasalanan ang karaniwang dapat ikumpisal?
Lahat ng mabibigat na kasalanan na naalala sa masusing pagsusuri ng konsiyensiya at hindi pa naikukumpisal ay maaaring mapatawad sa indibidwal na Sakramento ng Kumpisal sa ilalim ng normal na mga kalagayan.
Totoong mayroong mga pag-aalinlangan sa pangungumpisal. Ang mapagtagumpayan ang mga ito ang unang hakbang upang magkaroon ng panloob na kalusugan. Madalas nakakatulong isipin na pati rin ang → Santo Papa ay kinakailangan ng lakas ng loob na aminin ang kanyang mga pagkakamali at kahinaan sa isa pang → pari - at sa gayon, sa Diyos. Tanging sa mga kaganapang emerhensiya lamang (tulad ng sa digmaan, sa isang panghimpapawid na pagsalakay o kapag ang isang grupo ng mga tao ay nasa mortal na panganib), maaaring magbigay ang isang pari sa isang grupo ng mga tao ng absolusyon, bago magawa ang isang personal na pag-amin ng mga kasalanan (tinatawag na Pangkalahatang Absolusyon o General Absolution). Gayunpaman, ang isang tao ay dapat gumawa ng personal na pangungumpisal ng mabibigat na kasalanan sa unang pagkakataon. [Youcat 233]
Maaari rin bang mangumpisal kahit hindi nakagawa ng mabigat na kasalanan?
Ang Kumpisal ay dakilang kaloob din ng pagpapagaling at ng mas malalim na pakikipag-isa sa Panginoon, kahit na hindi kinakailangan mangumpisal sa mahigpit na kahulugan ng Kumpisal.
Sa Taizé, sa mga araw pang-Katoliko at sa mga Padaigdigang Araw ng mga Kabataan, makikita kahit saan ang mga kabataan na nagbabalik-loob sa Diyos. Ang mga Kristiyano na seryoso sa pagsunod kay Jesus ay naghahanap ng kagalakan na nagmumula sa isang radikal na panibagong simula kasama ang Diyos. Kahit ang mga banal mismo ay regular na nangumpisal kapag may pagkakataon. Kailangan nila ito upang lumago sa kapakumbabaan at sa pag-ibig, at upang mahawakan ng nakapagpapagaling na liwanag ng Diyos hanggang sa huling sulok ng kanilang kaluluwa. [Youcat 235]
Maaari bang sabihin ng pari sa iba ang anumang nalaman niya sa Kumpisal?
Hindi, sa kahit anumang pagkakataon. Ang selyo ng Kumpisal ay ganap. Ang bawat → pari ay ititiwalag kung kanyang ibabahagi sa ibang tao ang kahit anong natutuhan niya sa Kumpisal. Kahit sa pulis ay hindi pwedeng magsabi o magpahiwatig ng kahit ano ang pari.
Halos wala nang iba pang sineseryoso ang → pari liban sa selyo ng Kumpisal. Mayroong mga pari na nagtiis ng labis na pagpapahirap at nagtungo sa kanilang kamatayan dahil dito. Kaya maaaring magsalita nang tapat sinuman nang walang reserbasyon, at maaaring walang pangambang magtiwala sa pari, na siyang tanging gawain sa sandaling ito ay ganap na maging "tainga ng Diyos." [Youcat 238]
Tingnan na ang mga kasalanan ay pinatawad sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ngunit ginagamit ng mga kalalakihan ang kanilang ministeryo para sa kapatawaran ng mga kasalanan, hindi nila ginagamit ang karapatan ng anumang sariling kapangyarihan. Sapagkat pinatawad nila ang mga kasalanan hindi sa kanilang sariling pangalan kundi sa mga iyon ng Ama at ng Anak at ng Banal na Espiritu. Nagtanong sila, nagbibigay ang Panguluhang Diyos, ang paglilingkod ay para sa tao, ang regalo ay nasa Kapangyarihan sa itaas. [St. Ambrose, On the Holy Spirit, Bk. 3, Chap. 18 (ML 16, 808)]
Huwag hayaan ang sinuman sa alinman sa pamamagitan ng mga kasalanan o sa pamamagitan ng mga taon ay mabagal mula sa pagdating sa pagkakaroon ng kaligtasan. Sa kanya na nananatili pa rin sa mundong ito walang pagsisisi ang huli na. Ang diskarte sa kapatawaran ng Diyos ay bukas, at para sa mga naghahangad at nakakaunawa ng katotohanan madali ang pag-access ... Ang kapatawaran ay ipinagkaloob sa kanya na nagtapat, at sa kanya na naniniwala na ang pagliligtas ng kapatawaran ay napagkalooban mula sa kabutihan ng Diyos. [St. Cyprian, To Demetrian, Chap. 25 (ML 4, 563)]
Let no one either by sins or by years be retarded from coming to the acquiring of salvation. To him who still remains in this world no repentance is too late. The approach to God's forgiveness is open, and for those who seek and understand the truth the access is easy... Pardon is granted to him who confesses, and to him who believes saving forgiveness is conceded out of God's goodness. [St. Cyprian, To Demetrian, Chap. 25 (ML 4, 563)]