3.36 Ano ang epekto ng Binyag?
Sa pamamagitan ng Binyag sa tubig, inaampon tayo ng Diyos bilang kanyang mga anak. Simula sa sandaling iyon tayo ay nagiging kabilang ng kanyang Simbahan, ang malaking pamilya ng mga Kristiyano. Ang taong tumatanggap ng Binyag (o ang kanyang mga magulang) ay nangangakong gagawin ang kanyang makakaya upang mamuhay ng isang mabuting Kristiyanong buhay, at tanggihan ang masama.
Ang sakramentong ito ay naghuhugas ng ating ‘orihinal na kasalanan’, ang kasamaang namana natin sa ating mga ninuno. Lahat ng kasalanan na nagawa ng nabinyagang tao hanggang sa sandaling iyon ay ‘nahugasan’ din at napatawad. Sa paraang ito, ang bagong buhay natin bilang Kristiyano ay nagsisimula sa isang malinis na pisara! Mula sa sandali ng ating binyag, ang Espiritu Santo ay tumutulong sa atin upang mabuhay bilang mabubuting mga Kristiyano (I Cor. 12:13 )I Cor. 12:13: “Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa pamamagitan ng iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu”..
Starting when and to whom has the Church administered Baptism?
From the day of Pentecost, the Church has administered Baptism to anyone who believes in Jesus Christ. [CCCC 255]
Who can baptize?
The ordinary ministers of Baptism are the bishop and the priest. In the Latin Church the deacon also can baptize. In case of necessity any person can baptize provided he has the intention of doing what the Church does. This is done by pouring water on the head of the candidate while saying the Trinitarian formula for Baptism: “I baptize you in the name of the Father and of the Son and of the Holy Spirit”. [CCCC 260]
Is it possible to be saved without Baptism?
Since Christ died for the salvation of all, those can be saved without Baptism who die for the faith (Baptism of blood). Catechumens and all those who, even without knowing Christ and the Church, still (under the impulse of grace) sincerely seek God and strive to do his will can also be saved without Baptism (Baptism of desire). The Church in her liturgy entrusts children who die without Baptism to the mercy of God. [CCCC 262]
What are the effects of Baptism?
Baptism takes away original sin, all personal sins and all punishment due to sin. It makes the baptized person a participant in the divine life of the Trinity through sanctifying grace, the grace of justification which incorporates one into Christ and into his Church. It gives one a share in the priesthood of Christ and provides the basis for communion with all Christians. It bestows the theological virtues and the gifts of the Holy Spirit. A baptized person belongs forever to Christ. He is marked with the indelible seal of Christ (character). [CCCC 263]
Ano ang Binyag?
Ang Binyag ang daan mula sa kaharian ng kamatayan patungo sa buhay. Ang pinto at ang simula ng isang nananatiling pakikipag-isa sa Diyos at ang → Simbahan.
Ang Binyag ang pinakapangunahing → Sakramento at ang kinakailangan para matanggap ang lahat ng iba pang sakramento. Pinag-iisa tayo nito kay Jesukristo, ipinapasok tayo sa Kanyang mapagtubos na kamatayan sa krus, pinalalaya tayo sa pamamagitan nito mula sa kapangyarihan ng minanang kasalanan at lahat ng personal na kasalanan, at maaari tayong muling mabuhay kasama Niya sa buhay na walang hanggan. Dahil ang binyag ay isang pakikipagtipan sa Diyos, kinakailangan ng tayong magsabi ng "Oo" rito. Sa mga sanggol na binibinyagan, ang mga magulang ang gumagawa ng pagpapahayag ng pananampalataya. [Youcat 194]
Paano isinasagawa ang Binyag?
Ang klasikong anyo ng pagbibinyag ay ang tatlong beses na paglubog sa tubig ng binibinyagan. Gayunpaman, kadalasan ay tatlong beses ibinubuhos ang tubig sa ulo ng bibinyagan, kung saan sinasabi ng tagabinyag ang mga salitang: "(Pangalan), binibinyagan kita sa Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo."
Sinisimbolo ng tubig ang paglilinis at bagong buhay, kung ano ang ipinahayag na ng binyag ng pagsisisi ni San Juan Bautista. Ang binyag na ipinamahagi gamit ang tubig sa "Ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo" ay higit sa isang tanda ng pagbabalik-loob at pagsisisi, ito ay isang bagong buhay kay Kristo. Kaya idinadagdag pa rito ang mga tanda ng pagpapahid ng langis, ang puting damit at ang kandila ng binyag. [Youcat 195]
Bakit pinanghahawakan ng Simbahan ang gawi ng pagbibinyag sa mga sanggol?
Mula pa noong sinaunang panahon, pinanghahawakan na ng Simbahan ang gawi ng pagbibinyag sa mga sanggol. Mayroong iisang dahilan para rito: bago tayo magdesisyon para sa Diyos ay nagdesisyon na ang Diyos para sa atin. Kaya ang binyag ay isang biyaya, isang hindi karapat-dapat na kaloob ng Diyos, na tumatanggap sa atin nang walang kondisyon. Ang mga magulang na naniniwala, na ninanais ang pinakamaayos para sa kanilang anak, ay nais din ang binyag, kung saan ang bata ay inaalis mula sa impluwensiya ng minanang kasalanan at sa kapangyarihan ng kamatayan.
Ipinapalagay ng binyag sa mga sanggol na ang magulang na mga Kristiyano ay palalakihin sa pananampalataya ang sanggol na bininyagan. Hindi tama na ipagkait sa bata ang binyag dahil sa maling pagkakaintinding liberalidad. Kung paanong hindi maipagkakait sa isang bata ang pag-ibig, upang sa hinaharap ay makapagdesisyon siya mismo para sa pag-ibig, hindi rin naman magiging tama kapag ang mananampalatayang mga magulang ay ipagkakait sa kanilang anak ang biyaya ng Diyos sa binyag. Kung paanong ang bawat tao ay ipinanganak nang may kakayahang makapagsalita, ngunit kailangan niyang matutunan ang wika, gayon din ang bawat tao ipinanganak na may kakayahang manampalataya, ngunit dapat niyang matutunan ang pananampalataya. Gayunpaman, ang pagbibinyag ay hindi maaaring ipataw kaninuman. Kapag natanggap ng isang tao ang binyag noong siya’y sanggol, kinakailangan niya itong “pagtibayin” sa ibang pagkakataon sa kanyang buhay, ibig sabihin, kinakailangan niyang magsabi ng Oo sa tinanggap na binyag upang magbunga ito. [Youcat 197]
Ang binyag lang ba talaga ang tanging daan sa kaligtasan?
Para sa lahat ng nakatanggap ng Ebanghelyo at nakarinig dito na si Kristo “ang siyang daan, ang katotohanan at ang buhay” (Jn 14:6), ang pagbibinyag ang siyang tanging daan sa Diyos at sa kaligtasan. Kasabay nito, totoo ring si Kristo ay namatay para sa lahat ng tao. Kaya naliligtas din ang lahat ng tao na wala talagang pagkakataong makilala si Kristo at ang pananampalataya, ngunit sila’y naghahanap sa Diyos nang may tapat na puso at namumuhay nang ayon sa kanilang konsiyensiya (ang tinatawag na binyag ng pagnanais).
Iniugnay ng Diyos ang kaligtasan sa mga → Sakramento. Kaya dapat itong walang-kapagurang ialok ng Simahan sa mga tao. Ang isuko ang misyong ito ay parang isang pagtataksil sa misyon ng Diyos. Ngunit ang Diyos mismo ay hindi nakatali sa kanyang mga sakramento. Kung saan ang Simbahan – dahil sa kanyang kasalanan o sa iba pang kadahilanan – ay hindi makarating doon o nananatiling bigo, doon ay Diyos mismo ang maglalatag ng iba pang daan para sa kaligtasan ng tao. [Youcat 199]
Bakit sa binyag ay kinakailangang pumili ang mga Kristiyano ng pangalan ng dakilang mga banal?
Wala nang hihigit pang huwaran kundi ang mga banal, at wala ring mas mabuting makatutulong. Kapag aking taglay ang pangalan ng isang banal, mayroon akong isang kaibigang malapit sa Diyos. [Youcat 202]
Maligaya ang sakramento ng ating tubig, na, sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga kasalanan ng ating maagang pagkabulag, tayo ay napalaya, [at ipinasok] sa buhay na walang hanggan! ... Ngunit tayo, maliliit na isda, ayon sa halimbawa ng ating IXTHUS ( = isda) Si Jesucristo, ay ipinanganak sa tubig, ni may kaligtasan tayo sa anumang iba pang paraan kaysa sa permanenteng pananatili sa tubig na iyon. [Tertullian, Sa Binyag, Chap. 1 (ML 1, 1197)]
Anong nakita mo? Ang tubig, tiyak, ngunit hindi nag-iisa ng tubig; nakita mo ang mga diyakono na naglilingkod doon, at ang obispo na nagtatanong at nagpapakabanal .... Maniwala, kung gayon, na ang pagkakaroon ng Panguluhang Diyos ay naroroon. Naniniwala ka ba sa nagtatrabaho, at hindi naniniwala sa pagkakaroon? Saan dapat magpatuloy ang pagtatrabaho maliban kung nauna ang presensya? [St. Ambrose, On the Mysteries, Chap. 3:8 (ML 16, 391)]
What did you see? Water, certainly, but not water alone; you saw the deacons ministering there, and the bishop asking questions and hallowing.... Believe, then, that the presence of the Godhead is there. Do you believe the working, and not believe the presence? Whence should the working proceed unless the presence went before? [St. Ambrose, On the Mysteries, Chap. 3:8 (ML 16, 391)]