3.41 Bakit hindi maaaring maging pari ang mga babae at may-asawang lalaki?
Sinadya ni Hesus na piliin ang mga lalaki lamang bilang Apostoles. Ang kanyang mga babaeng disipulo ay binigyan ng kakaiba, bagamat hindi masasabing hindi gaanong kahalaga na papel. Kagaya ng mga nauna sa kanya, si Papa Francisco ay nakatuon sa pagsangkot sa parehong kababaihan at kalalakihan sa pamamahala ng Simbahan, sa loob ng sitwasyon na tinukoy ni Hesus.
Ang mga Apostoles ay nagpasa ng kanilang paglilingkod sa kanilang mga kahalili (mga obispo) at kanilang mga katulong (mga pari at diyakuno). Sa mga Kanluraning Katolikong Simbahan, ang mga pari at obispo ayon sa tuntunin ay nananatiling walang asawa. Malaya nilang pinili na lubos na italaga ang kanilang sarili kay Hesus sa isang walang asawang estado ng buhay, at sundan ang halimbawa ni Hesus sa lahat ng bagay. Ito ay nagbibigay daan upang sila ay malayang makapunta kung saan sila ipapadala ni Hesus at ng Simbahan.
Why is this sacrament called Holy Orders?
Orders designates an ecclesial body into which one enters by means of a special consecration (ordination). Through a special gift of the Holy Spirit, this sacrament enables the ordained to exercise a sacred power in the name and with the authority of Christ for the service of the People of God. [CCCC 323]
Ano ang nagaganap sa Banal na Orden?
Ang sinumang inoordenahan ay tumatanggap ng isang kaloob ng Espiritu Santo na nagbibigay sa kanya ng isang banal na kapangyarihan at iginagawad sa kanya mula kay Kristo sa pamamagitan ng → Obispo.
Ang maging → pari ay hindi nangangahulugang pagkakaroon lamang ng isang gawain o tungkulin. Sa pamamagitan ng Banal na Orden, natatanggap ng pari ang isang natatanging lakas, at napagkakalooban ng isang pagpapadala para sa kanyang mga kapatid sa pananampalataya. [Youcat 249]
Who can receive this sacrament?
This sacrament can only be validly received by a baptized man. The Church recognizes herself as bound by this choice made by the Lord Himself. No one can demand to receive the sacrament of Holy Orders, but must be judged suitable for the ministry by the authorities of the Church. [CCCC 333]
How is the sacrament of Holy Orders celebrated?
The sacrament of Holy Orders is conferred, in each of its three degrees, by means of the imposition of hands on the head of the ordinand by the Bishop who pronounces the solemn prayer of consecration. With this prayer he asks God on behalf of the ordinand for the special outpouring of the Holy Spirit and for the gifts of the Spirit proper to the ministry to which he is being ordained. [CCCC 331]
Ano ang pagkakaintindi ng Simbahan sa Sakramento ng Banal na Orden?
Nakita ng mga → pari ng Matandang Tipan ang kanilang tungkulin bilang instrumento sa pagitan ng kalangitan at kalupaan, sa pagitan ng Diyos at ng Kanyang bayan. Dahil si Kristo ang natatanging "tagapamagitan sa Diyos at sa mga tao" (1 Tim 2:5), Kanyang ginawang ganap at tinapos itong kaparian. Pagkatapos ni Kristo, maaari lamang magkaroon ng isang kapariang inordenahan kay Kristo, sa sakripisyo ni Kristo sa krus at sa pamamagitan ng pagtawag ni Kristo at apostolikong pagpapadala.
Ang isang katolikong → pari, na nagbibigay ng → sakramento, ay hindi kumikilos mula sa sariling lakas o sa isang moral na pagiging ganap (na, sa kasawiang palad, ay wala siya), kundi "in persona Christi." Sa pamamagitan ng kanyang ordenasyon, lumalago sa kanya ang nakapagpapabago, nakapagpapagaling at nakatutubos na lakas ni Kristo. Dahil walang nanggagaling mula sa pari, siya ay higit sa lahat isang alipin. Kaya makikilala ang bawat tunay na pari sa kanyang mapagkumbabang pagkamangha sa saeili niyang bokasyon. [Youcat 250]
Pinapawalang halaga ba ang mga babae, kaya ang mga lalaki lamang ang maaaring tumanggap ng sakramento ng Banal na Orden?
Ang pagpapasiya na tanging mga lalaki lamang ang maaaring maordenahan ay hindi pagpapawalang halaga sa babae. Sa harap ng Diyos ay may parehong dangal ang lalaki't babae, ngunit mayroon silang magkakaibang mga tungkulin at mga → karisma. Pinaninindigan ng Simbahan na si Jesus, sa pagtatalaga ng kaparian noong Huling Hapunan, ay mga lalaki lamang ang pinili. Ipinaliwanag ni Papa San Juan Pablo II noong 1994 na "ang Simbahan ay walang anuman kapangyarihang ordenahan ang mga babae, at lahat ng mananampalataya sa Simbahan ay kailangang panghawakan ang desisyong ito."
Wala nang ibang tao ng sinaunang panahon ang tulad ni Jesus na hinihikayat ang mga babae na iangat ang kanilang katayuan, nagkaloob sa kanila ng Kanyang pakikipagkaibigan at ipinagtanggol sila. Sumunod sa Kanya ang mga babae, at pinahalagahan ni Jesus ang kanilang pananampalataya. Pagkatapos ng lahat, ang unang saksi sa muling pagkabuhay ay isang babae. Kaya si Maria Magdalena ay tinawag na "Apostol sa mga → apostol." Gayunpaman, ang pag-ordena sa mga pari at ang tungkulin ng mga pastol ay laging itinalaga sa mga kalalakihan. Dapat na makita ng mga komunidad sa mga lalaking → pari ang isang representasyon ni Jesukristo. Ang pagkapari ay isang natatanging ministeryo na ginagamit din ang papel ng kasarian bilang lalaki at ama. Ngunit hindi ito isang paraan ng pangingibabaw ng lalaki sa babae. Ang kababaihan ay may papel na ginagampanan sa Simbahan gaya ng nakikita natin kay Maria, isang papel na hindi mas maliit kaysa roon sa kalalakihan, ngunit ito ay isang papel na pambabae. Si Eva ay naging ina ng lahat ng nabubuhay (Gen 3:20). Bilang "ina ng lahat ng nabubuhay" ang mga babae ay may espesyal na mga kaloob at kakayahan. Kung wala ang kanilang paraan ng pagtuturo, pagpapahayag, kawanggawa, espirituwalidad at pangangalagang espirituwal, ang Simbahan ay magiging "kalahating paralisado." Kung saan ginagamit ng kalalakihan sa Simbahan ang kanilang pagkapari bilang instrumento ng kapangyarihan o hindi binibigyan ng pagkakataon ang kababaihan sa kanilang sariling mga → karisma, lumalabag sila laban sa pag-ibig at sa Espiritu Santo ni Jesus. [Youcat 257]
Bakit hinihingi ng Simbahan mula sa mga pari at obispo ang isang buhay na walang asawa?
Nabuhay nang walang asawa si Jesus at sa gayon ay nais Niyang ipahayag ang Kanyang buong-buong pag-ibig sa Diyos Ama. Ang pag-angkin sa paraan ng pamumuhay ni Jesus at mabuhay sa → kalinisan nang walang asawa "alang-alang sa kaharian ng Langit" (Mt 19:12) ay, simula pa noong panahon ni Jesus, isang tanda ng pag-ibig, ng walang kahating pagbibigay ng sarili sa Panginoon at ng ganap na kahandaang magsilbi. Iginigiit ito ng Simbahang Romano-Katolika mula sa kanyang mga → obispo at → pari, sa Simbahang Silangang-Katolika naman, mula lamang sa kanilang mga → obispo.
Sabi ni Papa Benito XVI na ang buhay na walang asawa ay hindi maaaring mangahulugang, "manatiling walang laman sa pag-ibig, kundi kailangan nitong mangahulagang maging bihag ng pag-ibig sa Diyos." Biglang isang nabubuhay ng walang asawa, ang → pari ay dapat maging mabunga dahil kumakatawan siya sa pagiging Ama ng Diyos at ni Jesus. Kasunod na sinabi ng Santo Papa: "Kinakilangan ni Kristo ng mga pari na ganap at tunay na lalaki, may kakayahang gampanan ang isang tunay na espirituwal na pagiging ama." [Youcat 258]
Ang birhen na si Cristo at ang birheng Maria ay inilaan sa kanilang sarili ang mga unang bunga ng pagkabirhen para sa parehong kasarian. Ang mga Apostol ay naging birhen o ikinasal ... Ang mga taong pinili na maging mga obispo, pari, at deacon ay alinman sa mga birhen o biyudo; o hindi bababa sa, kapag natanggap na nila ang pagkasaserdote, ay nanumpa sa walang hanggang kalinisan. [St. Jerome, Letters, 48:21 (ML 22, 510)]
[Tungkol sa pagtatalaga ng] mga babaeng pari, hindi ito magagawa. Si Papa Saint John Paul II, nang itinaas ang tanong, matapos ang napakahabang repleksyon, malinaw na sinabi ito. Hindi dahil hindi kaya ng mga kababaihan, ngunit… tingnan mo, sa Simbahan, ang kababaihan ay mas mahalaga kaysa sa mga lalaki, dahil ang Simbahan ay isang babae. Pinag-uusapan natin ang Simbahan bilang "siya"; siya ang Bride of Christ, at ang Our Lady ay mas mahalaga kaysa sa mga papa, obispo at pari. [Pope Francis, In-Flight Press Conference, 27 Sept. 2015]