DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.39 Paano ako makapagkukumpisal ng maayos?
next
Next:3.41 Bakit hindi maaaring maging pari ang mga babae at may-asawang lalaki?

3.40 Magkapareho ba ang Pagpapahid ng Maysakit at extreme unction?

Ang mga Sakramento

Ang Pagpapahid ng Maysakit ay para sa sinuman na may sakit na malubha, para sa mga taong nanganganib na mamatay, at para sa mga taong kailangan na sumailalim sa isang mapanganib na operasyon, bilang halimbawa. Sa sakramentong ito,  gusto ng Diyos na bigyan tayo ng lakas, kapayapaan at tapang upang makaya ang sakit at pinsala, at kung minsan upang gumaling din.

Ang pari ay gumagamit ng binasbasang langis  para sa pagpapahid ng maysakit. Kung minsan tinatawag ito ng mga tao na ‘huling ritwal’ o ‘extreme unction’. Subalit, ang Eukaristiya at hindi ang Pagpapahid ng Maysakit ang huling sakramento na tinatanggap ng tao bago ang kanyang kamatayan, kung kaya niya ito.

Huwag maghintay ng matagal bago tumawag ng pari: ang Pagpapahid ng Maysakit ay para sa maysakit at nasa bingit ng kamatayan. Ito ay nagbibigay ng lakas at kung minsan kagalingang pisikal.
The Wisdom of the Church

How was sickness viewed in the Old Testament?

In the Old Testament sickness was experienced as a sign of weakness and at the same time perceived as mysteriously bound up with sin. The prophets intuited that sickness could also have a redemptive value for one’s own sins and those of others. Thus sickness was lived out in the presence of God from whom people implored healing. [CCCC 313]

What is the significance of Jesus’ compassion for the sick?

The compassion of Jesus toward the sick and his many healings of the infirm were a clear sign that with him had come the Kingdom of God and therefore victory over sin, over suffering, and over death. By his own passion and death he gave new meaning to our suffering which, when united with his own, can become a means of purification and of salvation for us and for others. [CCCC 314]

What is the attitude of the Church toward the sick?

Having received from the Lord the charge to heal the sick, the Church strives to carry it out by taking care of the sick and accompanying them with her prayer of intercession. Above all, the Church possesses a sacrament specifically intended for the benefit of the sick. This sacrament was instituted by Christ and is attested by Saint James: “Is anyone among you sick? Let him call in the presbyters of the Church and let them pray over him and anoint him with oil in the name of the Lord” (James 5:14-15). [CCCC 315]

Para kanino ang Sakramento ng Pagpapahid ng Langis?

Ang → Sakramento ng Pagpapahid ng Langis ay maaaring tanggapin ng bawat mananampalataya na nalalagay ang sarili sa isang kritikal na pangkalusugang sitwasyon.

Maaari ring mas madalas na tanggapin ng tao ang Pagpapahid ng Langis. Kaya makahulugan na hilingin itong → Sakramento, pati na ng mga kabataan, kung sila halimbawa ay papasailalim sa isang delikadong operasyon. Sa ganitong pagkakataon, maraming Kristiyano ang isinasabay sa Pagpapahid ng Langis ang pangungumpisal. Nais nila na anuman ang mangyari, ay makakasalubong nila ang Diyos nang malinis ang kanilang konsiyensiya. [Youcat 243]

Paano isinasagawa ang Pagpapahid ng Langis?

Ang pinakamahalagang ritwal sa pagbibigay ng → Sakramento ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit ay kinabibilangan ng mga panalangin na kasama ang pagpapahid sa noo at sa kamay ng banal na langis. [Youcat 244]

Who administers this sacrament?

This sacrament can be administered only by priests (bishops or presbyters). [CCCC 317]

What are the effects of this sacrament?

This sacrament confers a special grace which unites the sick person more intimately to the Passion of Christ for his good and for the good of all the Church. It gives comfort, peace, courage, and even the forgiveness of sins if the sick person is not able to make a confession. Sometimes, if it is the will of God, this sacrament even brings about the restoration of physical health. In any case this Anointing prepares the sick person for the journey to the Father’s House. [CCCC 319]

What is Viaticum?

Viaticum is the Holy Eucharist received by those who are about to leave this earthly life and are preparing for the journey to eternal life. Communion in the body and blood of Christ who died and rose from the dead, received at the moment of passing from this world to the Father, is the seed of eternal life and the power of the resurrection. [CCCC 320]

Bakit kinakailangang alagaan ng Simbahan lalo na ang mga maysakit?

Ipinakita sa atin ni Jesus na ang kalangitan ay nagdurusang kasama natin kapag tayo ay nagdurusa. Kaya ninais ng Diyos na makilala Siya kahit sa "maliliit na ito na mga kapatid ko" (Mt 25:40). Dahil dito, tinukoy ni Jesus ang pangangalaga sa mga maysakit bilang sentral na gawain. Inatasan Niya sila: "Pagalingin ang maysakit!" (Mt 10:8), at ipinangako niya sa kanila ang banal na kapangyarihan: "magpapalayas sila ng mga demonyo sa Aking Pangalan... Ipapatong nila ang kanilang kamay sa mga maysakit at gagaling ang mga iyon" (Mc 16:17-18).

Laging nabibilang sa mga mapagpasyang desisyon ng Kristiyanismo na ang matatanda, maysakit at nangangailangan ng pangangalaga ay nasa sentro. Si Mother Teresa na tumanggap mismo sa mga namamatay sa kalye ng Calcutta, ay isa lamang sa mahabang hanay ng mga Kristiyano na nakilala si Kristo doon mismo sa mga isinantabi at iniwsan ng iba. Kung tunay ngang Kristiyano ang mga Kristiyano, may lumalabas sa kanilang isang mapagpagaling na lakas. May iilan nga sa kanila na nakapagpapagaling sa katawan ng iba sa kapangyarihan ng Espiritu Santo (kaloob na pagpapagaling, mga → karisma). [Youcat 242]

 

This is what the Church Fathers say

(Tungkol sa Santiago 5, 14-15) Walang alinlangan na dapat itong maunawaan ng mga tapat na may sakit at maaaring pahiran ng banal na langis ng chrism na inihanda ng isang obispo. Hindi lamang ito mga pari ngunit lahat bilang mga Kristiyano na maaaring pinahiran ng langis na ito kung kinakailangan para sa kanilang sarili o kanilang mga pamilya. [St. Innocent I, Letter to Decentius (TCT, 322-323)]