DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.38 Bakit nagkukumpisal sa pari, sa halip na sa Diyos lamang?
next
Next:3.40 Magkapareho ba ang Pagpapahid ng Maysakit at extreme unction?

3.39 Paano ako makapagkukumpisal ng maayos?

Ang mga Sakramento

Ihanda mo ang iyong sarili sa paghingi sa Diyos ng tulong upang makilala kung ano ang mali at makasalanan sa iyong buhay. Pagkatapos pupunta ka sa isang pari at hihingin ang kanyang pagbabasbas  upang makapagkumpisal ng maayos. Ikaw ay gagawa ng maikli, kumpleto at malinaw na pagtatapat ng mga kasalanan na nagawa mo. Ang pari ay magbibigay ng payo  at maggagawad ng penitensiya. Salamat sa #TwGOD app [>The app], lagi mong pwedeng konsultahin ang istruktura ng kumpisal; makikita mo ito sa bahagi na may mga dasal para sa mga pari.

Pagkatapos ang pari ay magbibigay sa iyo ng absolusyon (kapatawaran ng Diyos). Sa sandaling ito, pinapatawad ng Diyos lahat ng kasalanan na iyong ikinumpisal nang may pagsisisi. Ang ibig sabihin nito ang iyong mga kasalanan ay simpleng nahugasan at maaari kang magpatuloy sa iyong buhay bilang isang Kristiyano.

Upang makapagkumpisal ng mabuti, magdasal na malaman ang iyong mga kasalanan at maging tapat sa pari. Ang Diyos ay tunay na nagpapatawad sa iyo sa pamamagitan ng absolusyon ng pari.
The Wisdom of the Church

What are the essential elements of the sacrament of Reconciliation?

The essential elements are two: the acts of the penitent who comes to repentance through the action of the Holy Spirit, and the absolution of the priest who in the name of Christ grants forgiveness and determines the ways of making satisfaction. [CCCC 302]

Is a confessor bound to secrecy?

Given the delicacy and greatness of this ministry and the respect due to people every confessor, without any exception and under very severe penalties, is bound to maintain “the sacramental seal” which means absolute secrecy about the sins revealed to him in confession. [CCCC 309]

Anu-ano ang mga pangalan para sa Sakramento ng Kumpisal?

Ang Sakramento ng Kumpisal ay tinatawag ring → Sakramento ng pakikipagkasundo, ng kapatawaran, ng pagbabalik-loob o pagsisisi. [Youcat 225]

Mayroon na tayong Binyag na pinapagkasundo tayo sa Diyos; bakit kinakailangan pa natin ng isa pang sakramento ng pakikipagkasundo?

Totoong inagaw tayo ng Binyag mula sa kapangyarihan ng kasalanan at ng kamatayan at inilipat tayo sa bagong buhay ng mga anak ng Diyos, ngunit hindi tayo nito pinalaya mula sa kahinaan ng tao at sa inklinasyon sa kasalanan. Kaya kailangan natin ng isang lugar kung saan paulit-ulit tayong muling makikipagkasundo sa Diyos. Iyan ay ang Kumpisal.

Hindi moderno ang mangumpisal; marahil ay mahirap ito at sa simula ay malaki ang kinakailangang mapagtagumpayan. Ngunit ito ay isa sa pinakamalaking biyaya na maaari nating paulit-ulit na muling tanggapin - talagang bago: tunay na walang hadlang at wala ang mga pasanin ng kahapon, tinatanggap sa pag-ibig at binibigyan ng bagong lakas. Ang Diyos ay maawain, at wala na Siyang higit na ninanais liban sa pakinabangan din natin ang Kanyang awa. Ang sinumang nangumpisal ay nagbubukas ng isang bagong puting pahina sa aklat ng kanyang buhay. [Youcat 226]
 

Sino ang nagtatag ng Sakramento ng Pagsisisi?

Si Jesus mismo ang nagtatag ng Sakramento ng Pagsisisi, noong nagpakita siya sa Kanyang mga → apostol noong araw ng muling pagkabuhay at inatasan sila: "Tanggapin ang Espiritu Santo! Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patatawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin" (Jn 20:22b-23).

Wala nang mas gaganda pang paghahambing si Jesus kung ano ang nagaganap sa sakramento ng pagsisisi, kaysa sa talinghaga ng maawaing ama: nawawala tayo, naliligaw, hindi na natin kaya. Ngunit inaantay tayo ng ating ama ng may mas higit at walang hanggang pagnanasa; pinatatawad niya tayo kapag tayo'y bumalik; muli niya tayong tinatanggap, pinapatawad ang mga kasalanan. Si Jesus mismo ay pinatawad ang maraming tao sa kanilang mga kasalanan; mas mahalaga ito sa Kanya kaysa sa gumawa ng mga himala. Kanyang nakita rito ang dakilang tanda ng simula ng kaharian ng Diyos kung saan pagagalingin lahat ng sugat at patutuyuin lahat ng luha. Ipinasa ni Jesus sa Kanyang mga → apostol ang lakas ng Espiritu Santo, kung saan nagpatawad Siya ng mga kasalanan. Niyayakap tayo ng ating Ama sa langit kapag pumunta tayo sa isang → pari at nangumpisal. [Youcat 227]

Sino ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan?

Tanging ang Diyos ang maaaring magpatawad ng mga kasalanan. Maaari lamang sabihin ni Jesus, "Pinatawad na ang iyong mga kasalanan" (Mc 2:5) dahil Siya ay Anak ng Diyos. At maaari lamang magpatawad ng mga kasalanan ang mga → pari sa lugar ni Jesus dahil binigyan sila ni Jesus ng kapangyarihang gawin ito.

May ilang nagsasabi: Diretso ko na lang sa Diyos ito gagawin, hindi ko na kailangan ng pari para rito! Ngunit iba ang gusto ng Diyos. Kilala Niya tayo. Dadayain natin ang pag-alis ng kasalanan, wawalisin natin ang mga ito sa ilalim ng kama. Kaya nais ng Diyos na bigkasin natin ang ating mga kasalanan at ikumpisal ito ng harap-harapan. Kaya masasabi tungkol sa mga pari: "Patatawarin ang mga kasalanan ninuman na inyong patatawarin; at pananatiliin naman sa sinuman ang inyong panatiliin" (Jn 20:23). [Youcat 228]

Anong mga kasalanan ang karaniwang dapat ikumpisal?

Lahat ng mabibigat na kasalanan na naalala sa masusing pagsusuri ng konsiyensiya at hindi pa naikukumpisal ay maaaring mapatawad sa indibidwal na Sakramento ng Kumpisal sa ilalim ng normal na mga kalagayan.

Totoong mayroong mga pag-aalinlangan sa pangungumpisal. Ang mapagtagumpayan ang mga ito ang unang hakbang upang magkaroon ng panloob na kalusugan. Madalas nakakatulong isipin na pati rin ang → Santo Papa ay kinakailangan ng lakas ng loob na aminin ang kanyang mga pagkakamali at kahinaan sa isa pang → pari - at sa gayon, sa Diyos. Tanging sa mga kaganapang emerhensiya lamang (tulad ng sa digmaan, sa isang panghimpapawid na pagsalakay o kapag ang isang grupo ng mga tao ay nasa mortal na panganib), maaaring magbigay ang isang pari sa isang grupo ng mga tao ng absolusyon, bago magawa ang isang personal na pag-amin ng mga kasalanan (tinatawag na Pangkalahatang Absolusyon o General Absolution). Gayunpaman, ang isang tao ay dapat gumawa ng personal na pangungumpisal ng mabibigat na kasalanan sa unang pagkakataon. [Youcat 233]

Kailan obligado ang tao na ikumpisal ang kanyang mabibigat na kasalanan? Gaano kadalas dapat mangumpisal?

Ang isang taong naabot na ang edad ng diskriminasyon ay obligadong ikumpisal ang kanyang mabibigat na kasalanan. Mahigpit na hinihikayat ng Simbahan sa mga mananampalataya na gawin ito nang hindi bababa sa minsan sa isang taon. Gayunpaman, kailangang magkumpisal bago tumanggap ng banal na → Komunyon kung nakagawa ng isang mabigat na kasalanan.

Sa pagsabing "edad ng diskriminasyon," tinutukoy ng Simbahan ang pagdating sa edad ng paggamit ng katuwiran at natutunan nang makilala ang kaibhan ng tama sa mali. [Youcat 234]

Maaari bang sabihin ng pari sa iba ang anumang nalaman niya sa Kumpisal?

Hindi, sa kahit anumang pagkakataon. Ang selyo ng Kumpisal ay ganap. Ang bawat → pari ay ititiwalag kung kanyang ibabahagi sa ibang tao ang kahit anong natutuhan niya sa Kumpisal. Kahit sa pulis ay hindi pwedeng magsabi o magpahiwatig ng kahit ano ang pari.

Halos wala nang iba pang sineseryoso ang → pari liban sa selyo ng Kumpisal. Mayroong mga pari na nagtiis ng labis na pagpapahirap at nagtungo sa kanilang kamatayan dahil dito. Kaya maaaring magsalita nang tapat sinuman nang walang reserbasyon, at maaaring walang pangambang magtiwala sa pari, na siyang tanging gawain sa sandaling ito ay ganap na maging "tainga ng Diyos." [Youcat 238]

This is what the Church Fathers say

Magsisi ka, at ililigtas kita' ( Ezek 18:21); at muli, 'Nabubuhay ako, sabi ng Panginoon, at magkakaroon ako ng pagsisisi kaysa sa kamatayan' (Ezek. 33:11). Kung gayon, ang pagsisisi ay 'buhay', dahil mas gusto ito kaysa sa kamatayan. Ang pagsisisi na iyon, O makasalanan, tulad ng aking sarili... pinapabilis mo ba itong yakapin, bilang isang taong nababagsak na barko ang proteksyon ng ilang tabla. Dadalhin ka nito kapag nalubog ka sa mga alon ng mga kasalanan, at dadalhin ka sa port ng banal na kaluwagan. [Tertullian, On Penance, Chap. 4 (ML 1, 1233)]