3.26 Mayroon bang sariling kalendaryo ang Simbahan?
Nagsisimula ang Taon ng Liturhiya apat na Linggo bago ang Pasko, kapag ipinagdiriwang natin ang kapanganakan ni Hesus [> 3.28]. Sa panahon ng simbahan o Taon ng Liturhiya, nakikibahagi tayo bilang mga mananampalataya sa pinakamahalagang sandali ng buhay ni Hesus [> 3.27]. Ang paggalang ay nakatuon din sa ng mga piyesta na parangal kay Maria[> 1.38] at iba pang mga santo [> 4.15].
Ang Linggo ang pinakamahalagang araw ng linggo sapagkat si Hesus ay nabuhay mula sa mga patay [> 3.33] sa araw ng Linggo. Samakatuwid tinatawag din natin itong ‘araw ng Panginoon’. Sa Linggo, hinihiling sa lahat ng mananamapalataya na pumunta sa simbahan, kung posible, upang makapagdasal silang magkakasama at ipagdiwang ang Eukaristiya [> 3.44].
Ano ang liturhikal na taon (kalendaryo ng Simbahan)?
Ang liturhikal na taon o kalendaryo ng Simbahan ay ang pagsasanib ng normal na takbo ng taon sa mga misteryo ng buhay ni Kristo - mula sa pagkakatawang-tao hanggang sa muling pagbabalik sa kaluwalhatian. Ang liturhikal na taon na nagsisimula sa Adbiento, na panahon ng pag-aantay sa Panginoon, ay may unang rurok sa pagdiriwang ng Pasko, at may ikalawang, mas mataas na rurok sa pagdiriwang ng nakapagliligtas na pagdurusa, kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Ang Panahon ng Pasko ng Muling Pagkabuhay (Eastertide) ay nagtatapos sa Pentecostes, ang pagpanaog ng Espiritu Santo sa → Simbahan. Paulit-ulit na nakasingit ang mga pista ni Maria at ng mga santo sa liturhikal na taon, kung saan pinupuri ng Simbahan ang biyaya ng Diyos na nagdadala sa tao sa kaligtasan. [Youcat 186]
What is the center of the liturgical season?
The center of the liturgical season is Sunday which is the foundation and kernel of the entire liturgical year and has its culmination in the annual celebration of Easter, the feast of feasts. [CCCC 241]
Gaano kahalaga ang Linggo?
Linggo ang sentro ng Kristiyanong kalendaryo dahil tuwing Linggo ay ipinagdiriwang natin ang muling pagkabuhay ni Kristo, at tuwing Linggo ay isang maliit na pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.
Kapag ang Linggo ay binabalewala o binubuwag, mayroon lamang mga araw ng trabaho sa isang linggo. Ang tao na nilikha para sa kagalakan ay lumulubha ang pagkagumon sa trabaho at hangal na bili nang bili. Dito sa lupa'y kailangan nating matuto na magdiwang nang tama, kung hindi ay hindi natin alam kung ano ang gagawin sa langit. Sa langit ay parang walang katapusang Linggo. [Youcat 187]
Ang pinakamahusay na paraan upang makapasok sa misteryo ng kaligtasan na naroroon sa sagradong "mga palatandaan" ay nananatili sa pagsunod ng matapat sa paglalahad ng liturhikong taon. Ang mga pastor ay dapat na nakatuon sa catsthesis na " mystagogical " na pinakamamahal ng mga Fathers of the Church, kung saan tinulungan ang mga tapat na maunawaan ang kahulugan ng mga salita at kilos ng liturhiya, upang maipasa mula sa mga palatandaan nito hanggang sa misteryo na naglalaman ng mga ito, at pumasok sa misteryong iyon sa bawat aspeto ng kanilang buhay. [Pope John Paul II, Mane nobiscum Domine, n. 17]