3.25 Ano ang ibig sabihin ng mga galaw, palatandaan, at mga kulay?
Sa liturhiya [>3.24] gumagawa tayo ng iba’t-ibang postura: nakatayo, nakayuko, nakaupo, nakaluhod ... Ito ay magkakaibang paraan ng aktibong pakikilahok sa liturhiya. Halimbawa, kapag nagdarasal tayo, tinitiklop natin ang ating mga kamay at hindi ito ginagamit para sa anupaman.
Ang limang Kulay ng Liturhiya na ginagamit sa pananamit ng pari at sa dekorasyon ng dambana [> 3.21] ay puti, pula, lila, itim at berde. Ang bawat kulay ay naiugnay sa mga tiyak na pagdiriwang ng liturhiya o isang tukoy na panahon ng Kalendaryo ng Liturhiya [> 3.26].
How is the liturgy celebrated?
The celebration of the liturgy is interwoven with signs and symbols whose meaning is rooted in creation and in human culture. It is determined by the events of the Old Testament and is fully revealed in the Person and work of Christ. [CCCC 236]
From where do the sacramental signs come?
Some come from created things (light, water, fire, bread, wine, oil); others come from social life (washing, anointing, breaking of bread). Still others come from the history of salvation in the Old Covenant (the Passover rites, the sacrifices, the laying on of hands, the consecrations). These signs, some of which are normative and unchangeable, were taken up by Christ and are made the bearers of his saving and sanctifying action. [CCCC 237]
Bakit mayroong napakaraming tanda at simbolo sa banal na Misa?
Alam ng Diyos na tayong mga tao ay hindi lamang espirituwal kundi pisikal na nilalang din; kailangan natin ng mga tanda at simbolo upang makilala at pangalanan ang espirituwal o panloob na mga katotohanan.
Maging pulang rosas, singsing sa kasal, itim na damit, graffiti o laso para sa AIDS - palagi nating ipinapahayag ang panloob na mga katotohanan sa pamamagitan ng tanda at kaagad din tayong naiintindihan. Ang Diyos na naging tao ay nagkaloob sa atin ng mga tanda ng tao, kung saan Siya ay buhay at gumagawa sa piling natin: tinapay at alak, ang tubig sa binyag, ang pagpapahid sa Espiritu Santo. Ang ating pagtugon sa mga itinalaga ni Kristo na banal na mga tanda ng Diyos ay kinabibilangan ng tanda ng pagkamangha: sa pagluhod, pagtayo sa pakikinig ng Ebanghelyo, sa pagyuko, sa pagtiklop ng ating mga kamay sa panalangin. At gaya ng sa isang kasal, nilalagyan din natin ng palamuti ang lugar ng presensya ng Diyos ng kung ano mang pinakamagandang mayroon tayo: mga bulaklak, kandila at musika. Gayunpaman, kung minsan, ang mga palatandaan ay nangangailangan ng mga makahulugang salita. [Youcat 181]
Bakit kailangan nating humingi sa Diyos?
Alam ng Diyos na lubusang nakakakilala sa atin, kung ano ang kailangan natin. Gayunpaman, nais ng Diyos na "humingi" tayo: na sa paghihirap ng ating buhay, sa Kanya tayo bumaling, sa Kanya dumaing, magsumamo, magsumbong, manawagan, at kahit na makipagtunggali sa Kanya sa panalangin.
Totoong hindi kailangan ng Diyos ang ating mga kahilingan upang tulungan tayo. Para sa ating kapakanan na dapat tayo maging mga nananawagan. Ang sinumang hindi humihingi at ayaw humingi ay sinasarahan ang kanyang sarili. Tanging ang taong humihingi ang nagbubukas ng sarili at bumabaling sa may-akda ng lahat ng mabuti. Ang sinumang humihingi ay bumabalik pauwi sa Diyos. Kaya ang panalangin ng pagsusumamo ay naglalagay sa tao sa tamang pakikipag-ugnayan sa Diyos, na gumagalang sa ating kalayaan. [Youcat 486]
Kung ang Advent ay ang kagalingan ng panahon na nag-anyaya sa atin na umasa sa Diyos-Na-Darating, binabago sa atin ng Kuwaresma ang pag-asa sa Isa na nagpasa sa atin mula sa kamatayan patungo sa buhay. Parehas ang mga panahon ng paglilinis - ipinahiwatig din ito ng liturhikal na kulay na magkatulad sila - ngunit sa isang espesyal na paraan ng Kuwaresma, na ganap na nakatuon sa misteryo ng Pagtubos, ay tinukoy na "landas ng tunay na pagbabago". [Pope Benedict XVI, Homily on Ash Wednesday, 6 Feb. 2008]