DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.43 Bakit napakahalaga ng kasal para sa mga Kristiyano?
next
Next:3.45 Paano inaayos ang Banal na Misa?

3.44 Bakit sobrang nakakabagot ang misa?

Ang Eukaristiya

Ang Eukaristiya ay ang pinakamahalaga sa mga pitong sakramento, dahil dito inalay ni Hesus ang kanyang sarili bilang pagkain at inumin. Sa paraang ito, literal na pinalalakas niya tayo sa ating mga buhay at sa ating pananampalataya. Si Hesus ay tunay na naroon sa Eukaristiya o Banal na Misa , ngunit nakikilala lamang ng mga gustong maniwala sa kanya.

Ito ang dahilan kung bakit ang Eukaristiya ay tinawag na ‘misteryo ng pananampalataya’(1 Tim. 3:9 )1 Tim. 3:9 : “Kailangang sila'y tapat sa pananampalataya na ating ipinapahayag, at may malinis na budhi”.. Kahit na hindi maunuwaan ang lahat ng bagay, kung alam mo na makikita mo si Hesus sa Eukaristiya sa isang kongkretong paraan, paano magiging nakababagot ang Misa kung ikaw ay may malay na nakikilahok? Ang #TwGOD app [>The app] ay makakatulong sa iyo upang masundan ang teksto ng Misa sa maraming wika.

Sa Misa, si Hesus ay dumarating ng napakalapit sa iyo. Maaari bang nakababagot ang Misa kung ikaw ay buong pusong nakikilahok dito?
The Wisdom of the Church

What is the Eucharist?

The Eucharist is the very sacrifice of the Body and Blood of the Lord Jesus which he instituted to perpetuate the sacrifice of the cross throughout the ages until his return in glory. Thus he entrusted to his Church this memorial of his death and Resurrection. It is a sign of unity, a bond of charity, a paschal banquet, in which Christ is consumed, the mind is filled with grace, and a pledge of future glory is given to us. [CCCC 271]

Paano itinatag ni Kristo ang Eukaristiya?

"Mula sa Panginoon ang tinanggap ko at ibinigay din sa inyo. Nang gabing ipaubaya ang Panginoong Jesus, kumuha Siya ng tinapay at nagpasalamat. At saka pinira-piraso Niya ito at sinabi: 'Ito ang Aking katawan na ipinauubaya dahil sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa Akin.' Gayon din naman para sa kalis, matapos maghapunan. Sinabi Niya: 'Ang kalis na ito ang bagong tipan sa Aking dugo. Gawin ninyo ito, tuwing kayo'y iinom, sa pag-alaala sa Akin.'" (1 Cor 11:23-25)

Itong pinakamatandang ulat tungkol sa mga kaganapan sa silid ng Huling Hapunan ay nagmula kay → apostol San Pablo, na siya mismo ay hindi saksi, kundi isinulat ang iningatang banal na misteryo ng batang komunidad ng mga Kristiyano at ipinagdiwang sa banal na Misa. [Youcat 210]

Where does the Eucharist fit in the divine plan of salvation?

The Eucharist was foreshadowed in the Old Covenant above all in the annual Passover meal celebrated every year by the Jews with unleavened bread to commemorate their hasty, liberating departure from Egypt. Jesus foretold it in his teaching and he instituted it when he celebrated the Last Supper with his apostles in a Passover meal. The Church, faithful to the command of her Lord, “Do this in memory of me” (1 Corinthians 11:24), has always celebrated the Eucharist, especially on Sunday, the day of the Resurrection of Jesus. [CCCC 276]

Who is the minister for the celebration of the Eucharist?

The celebrant of the Eucharist is a validly ordained priest (bishop or priest) who acts in the Person of Christ the Head and in the name of the Church. [CCCC 278]

What are the essential and necessary elements for celebrating the Eucharist?

The essential elements are wheat bread and grape wine. [CCCC 279]

What is the meaning of transubstantiation?

Transubstantiation means the change of the whole substance of bread into the substance of the Body of Christ and of the whole substance of wine into the substance of his Blood. This change is brought about in the Eucharistic prayer through the efficacy of the word of Christ and by the action of the Holy Spirit. However, the outward characteristics of bread and wine, that is the “eucharistic species”, remain unaltered. [CCCC 283]

Gaano kahalaga ang Eukaristiya para sa Simbahan?

Ang pagdiriwang ng → Eukaristiya ang kaibuturan ng Kristiyanong komunidad. Sa Kanya at naging → Simbahan ang Simbahan.

Tayo ay Simbahan hindi dahil nagkakasundo tayo nang maigi o kaya'y nagkataon na magkakasamang tinapon tayo sa isang komunidad, kundi dahil tinatanggap natin sa → eukaristiya ang katawan ni Kristo at palaging nagbabagong anyo sa katawan ni Kristo. [Youcat 211]

Aling mga elemento ang kinakailangang nabibilang sa isang Banal na Misa?

Ang bawat Banal na Misa (pagdiriwang ng Eukaristiya) ay nalalahad sa dalawang pangunahing bahagi, ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos at ang pagdiriwang ng Eukaristiya sa mas makitid nitong kahulugan.

Sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos, napapakinggan natin ang mga pagbasa mula sa → Matandang Tipan at sa → Bagong Tipan pati na ang Ebanghelyo. Bilang karagdagan, dito ang lugar para sa homiliya at sa Panalangin ng Bayan. Sa sumusunod ditong pagdiriwang ng Eukaristiya ay iniaalay ang tinapay at alak, pinababanal ito, at ibinibigay sa mga mananampalataya sa → Komunyon. [Youcat 213]

Gaano kadalas dapat makibahagi sa pagdiriwang ng Eukaristiya ang isang Kristiyanong Katoliko?

May obligasyon ang isang Kristiyanong Katolika na makibahagi sa pagdiriwang ng banal na Misa sa lahat ng Linggo at mga banal na araw ng obligasyon. Ang sinumang tunay na hinahangad ang pakikipagkaibigan kay Jesus, ay sinusunod ang personal Niyang paanyaya sa Pakikinabang, gaano man niya kadalas ito maaaring gawin.

Sa katunayan, ang "obligasyong magsimba" tuwing Linggo para sa isang tunay na Kristiyano ay isang salitang hindi naaangkop, gaya ng "obligasyong humalik" para sa isang tunay na nagmamahal. Walang sinuman ang magkakaroon ng buhay na pakikitungo kay Kristo kapag hindi siya pumupunta doon kung saan Niya tayo inaantay. Kaya simula pa noong una, para sa mga Kristiyano ang pagdiriwang ng Misa ang "puso ng Linggo" at ang pinakamahalagang pinupuntahan sa buong linggo. [Youcat 219]

This is what the Church Fathers say

Kapag nakita mong nagsakripisyo ang Panginoon, at inilapag sa dambana, at ang pari na nakatayo at nagdarasal para sa biktima na si [Jesus], at lahat ng mga sumasamba ... maaari mo bang isipin na nasa gitna ka pa rin ng mga tao, at nakatayo sa lupa?  [St. John Chrysostom, On the priesthood, Bk. 3, Chap. 4 (MG 48, 642)]