3.45 Paano inaayos ang Banal na Misa?
Tuwing Linggo o kung maaari araw-araw, tayo ay nagsasama-sama bilang mga Kristiyano upang makasalo si Hesus sa Eukaristiya. Sa #TwGOD app [>The app] makikita mo ang pamantayang mga teksto ng Misa sa maraming mga wika.
Ang liturhiya ng Eukaristiya ay binubuo ng apat na pangunahing mga bahagi:
1) Ang pangbukas na mga ritwal
2) Ang liturhiya ng Salita, kung saan ang Diyos ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Bibliya
3) Ang liturhiya ng Eukaristiya, kung saan iniaalay ni Hesus ang sarili niya nang buo, sa kanyang katawan at dugo
4) Ang pangwakas na ritwal
Aling mga elemento ang kinakailangang nabibilang sa isang Banal na Misa?
Ang bawat Banal na Misa (pagdiriwang ng Eukaristiya) ay nalalahad sa dalawang pangunahing bahagi, ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos at ang pagdiriwang ng Eukaristiya sa mas makitid nitong kahulugan.
Sa pagpapahayag ng Salita ng Diyos, napapakinggan natin ang mga pagbasa mula sa → Matandang Tipan at sa → Bagong Tipan pati na ang Ebanghelyo. Bilang karagdagan, dito ang lugar para sa homiliya at sa Panalangin ng Bayan. Sa sumusunod ditong pagdiriwang ng Eukaristiya ay iniaalay ang tinapay at alak, pinababanal ito, at ibinibigay sa mga mananampalataya sa → Komunyon. [Youcat 213]
Paano nagsimula ang Banal na Misa?
Ang Banal na Misa ay nagsisimula mula sa pagtitipon ng mga mananampalataya at sa prusisyon ng → pari at ng mga naglilingkod sa altar (ministro, lektor, atbp.). Pagkatapos ng Pagbati ay susunod ang isang Pagsisisi sa mga kasalanan na ipinapahayag sa → Kyrie. Kapag mga pista at araw ng Linggo (liban na lang sa Panahon ng Apatnapung Araw ng Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay [Lent] at sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon [Adbiyento]), kasunod na kinakanta o ipinahahayag ang → Gloria. Pinangungunahan ng Panalanging Pambungad ang isa o dalawang Pagbasa mula sa → Matandang Tipan at → Bagong Tipan, na sinusundan ng Salmong Tugunan. Bago ang pagpapahayag ng Mabuting Balita (Ebanghelyo) ay naririyan ang Aleluya. Pagkatapos ng pagpapahayag ng Mabuting Balita ay nagbibigay ang pari o ang → diyakono ng isang → Homiliya lalo na kapag Linggo at mga araw ng kapistahan. Tuwing Linggo at mga kapistahan din lamang sama-samang nagpapahayag ng pananampalataya ang mga mananampalataya sa → Kredo, na sinusundan ng Panalangin ng Bayan. Ang ikalawang bahagi ng Banal na Misa ay nagsisimula sa Paghahanda sa mga Alay na sinusundan ng Panalangin ukol sa mga Alay. Ang pinakarurok ng pagdiriwang ng Banal na Misa ay ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat na pinangungunahan ng Prepasyo at ng → Santo. Kasunod ay ang pagbabagong-anyo ng alay na tinapay at alak sa katawan at dugo ni Kristo. Nagtatapos ang Panalangin ng Pagpupuri at Pagpapasalamat sa pagpapahayag ng → pagbubunyi na sinusundan ng Ama Namin. Kasunod ang Paanyaya sa Kapayapaan, ang → Agnus Dei (Kordero ng Diyos), ang Paghahati-hati sa Tinapay at Pagbabahagi ng mga banal na alay sa mga mananampalataya (Pakikinabang), na kadalasang nangyayari lamang sa anyo ng Katawan ni Kristo. Ang banal na Misa ay nagtatapos sa Antipona ng Pakikinabang, Panalangin Pagkapakinabang, Pagwawakas at → pagpapala sa pamamagitan ng pari.
→ Kyrie:
P - Panginoon, kaawaan Mo kami!
B - Panginoon, kaawaan Mo kami!
P - Kristo, kaawaan Mo kami!
B - Kristo, kaawaan Mo kami!
P - Panginoon, kaawaan Mo kami!
B - Panginoon, kaawaan Mo kami!
P - Kyrie eleison! B - Kyrie eleison!
P - Christe eleison! B - Christe eleison!
P - Kyrie eleison! B - Kyrie eleison!
→ Gloria
Papuri sa Diyos sa kaitaasan
at sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan Niya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin,
sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin,
pinasasalamatan Ka namin dahil sa dakila Mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, hari ng langit,
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
Panginoong Hesukritso, bugtong na anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa Ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na nauluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka sa amin.
Sapagkat Ikaw lamang ang banal, ang kataastaasan;
Ikaw lamang, o Hesukristo, ang Panginoon
kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.
Gloria in excelsis Deo
et in terra paxhominibusbonaevoluntatis.
Laudamuste, benedicimuste,
adoramuste, glorificamuste,
gratiasagimustibi propter magnamgloriamtuam,
Domine Deus, Rex caelestis,
Deus Pater omnipotens,
Domine Fili unigenite, IesuChriste,
Domine Deus, Agnus Dei,
FiliusPatris,
qui tollispeccata mundi, miserere nobis;
qui tollispeccata mundi,
suscipedeprecationemnostram.
Qui sedes ad dexteramPatris, miserere nobis.
Quoniamtu solus Sanctus,
tu solus Dominus,
tu solus Altissimus, IesuChriste,
cum Sancto Spiritu:
in gloria Dei Patris. Amen.
→ Santo
Santo, santo, santo
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa
Ng kaluwalhatian Mo
Osana sa kaitaasan
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon
Osana sa kaitaasan
Sanctus, Sanctus, Sanctus Dominus Deus Sabaoth.
Plenisuntcaeli et terra gloriatua.
Hosanna in excelsis.
Benedictus qui venit in nomine Domini.
Hosanna in excelsis.
→ Agnus Dei
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan
Agnus Dei, qui tollispeccata mundi, miserere nobis.
Agnus Dei, qui tollispeccata mundi, miserere nobis.
Agnus Dei, qui tollispeccata mundi, dona nobis pacem.
[Youcat 214]
Sino ang namumuno sa pagdiriwang ng Eukaristiya?
Ang talagang kumikilos sa bawat pagdiriwang ng Eukaristiya ay si Kristo mismo. Ang → obispo o → pari ang kumakatawan sa Kanya.
Paniniwala ng → Simbahan na tumatayo sa altar ang tagapagdiwang in persona Christi capitis (Latin = sa katauhan ni Kristo, ang ulo). Ibig sabihin nito na ang mga → pari ay hindi lamang aktibo sa lugar ni Kristo o sa utos niya, kundi dahil sa kanilang ordinasyon, si Kristo bilang ulo ng Simbahan ang kumikilos sa pamamagitan nila. [Youcat 215]
Sa Araw ng Panginoon, pagkatapos ng inyong pagsama-sama, basagin ang tinapay at ihandog ang Eukaristiya, na unang ipinagtapat ang iyong mga pagkakasala, upang ang iyong sakripisyo ay maging malinis. [The Didache, Chap. 14: 1 (F1, 32)]