DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.49 Maaari bang makatanggap ng Komunyon?
next
Next:3.51 Ano ang mga Simbahan ng Silangang Katoliko? Ano ang "rito"?

3.50 Bakit tayo sinusugo sa pagtatapos ng Misa?

Ang Eukaristiya

Sa pagtatapos ng Misa sinasabi ng pari na "Humayo ka sa kapayapaan". Ang pangwakas na pangungusap na ito ay suma sa ating buong buhay bilang mga Kristiyano.

Ang Misa ay may maliit lang na halaga kung pagkatapos ay hindi talaga tayo lumalabas sa mundo sa kapayapaan ni Kristo, na nag-aalok ng tulong sa mga nangangailangan nito at ipinapahayag ang Ebanghelyo sa lahat ng nilikha. Tungkulin ng bawat Kristiyano na tulungan ang mga taong mahirap, malungkot, gutom, hindi maligaya, nalulumbay, mahina o naaapi. Ang #TwGOD app [> Ang app] ay maaaring makatulong sa iyo na sundin ang mga teksto ng Misa sa maraming mga wika.

Ang "humayo kayo sa kapayapaan" ay nangangahulugang dapat nating sundin si Hesus at ipahayag siya sa mundo. Dapat tayong maging Kristo para sa iba.
The Wisdom of the Church

Bakit tayo nagsasabi ng "Amen" sa pagpapahayag ng ating pananampalataya?

Nagsasabi tayo ng → AMEN - sa madaling salita, Oo - sa pagpapahayag ng ating pananampalataya, dahil itinalaga tayo ng Diyos na mga saksi ng pananampalataya. Ang sinumang nagsasabi ng Amen, ay masaya at malayang tumutugon sa pagkilos ng Diyos sa sangnilikha at kaligtasan.

Ang salitang Hebreo na "Amen" ay mula sa isang pamilya ng mga salitang nangangahulugan ring "pananampalataya," pati na rin "lakas, pagiging maaasahan at katapatan." "Ang sinumang nagsasabi ng Amen ay nagbibigay ng kanyang lagda" (San Agustin). Itong walang hangganang "Oo" ay maaari lang nating bigkasin dahil si Jesus ay nagpatunay sa atin bilang tapat at maaasahan sa Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Siya mismo ang "Oo" ng mga tao sa lahat ng pangako ng Diyos, gaya nang Siya rin ang pangwakas na "Oo" ng Diyos sa atin. [Youcat 165]

How is the Good News spread?

From the very beginning the first disciples burned with the desire to proclaim Jesus Christ in order to lead all to faith in him. Even today, from the loving knowledge of Christ there springs up in the believer the desire to evangelize and catechize, that is, to reveal in the Person of Christ the entire design of God and to put humanity in communion with him. [CCCC 80]

This is what the Popes say

"IteMissaest" [Ang misa ay natapos na, humayo sa kapayapaan] ... ay puno ng kahulugan, sapagkat tumutukoy ito sa misyon. Hindi natapos ang misa. Palaging nagpapatuloy ang misa, nagpapatuloy ito sa bawat isa sa atin, sa ating pananampalataya at sa ating buhay. Ang pananampalatayang ito at ang mismong buhay na ito ay dapat na maging misyon. Sama-sama nating nabubuo ang Simbahan dito sa mundo, at lahat tayo ay nasa estado ng misyon. Ito ang pangitain na naihatid ng mga maiikling salita ng liturhikal na pagtatapos ng Misa sa Latin: "Ite, Missaest". [Pope John Paul II, Address to the workers at Castel Gandolfo, 25 Sept. 1990]