DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.34 Kailan natin ipinagdiriwang ang Pag-akyat sa Langit at Pentekostes?
next
Next:3.36 Ano ang epekto ng Binyag?

3.35 Ano ang mga sakramento?

Ang mga Sakramento

Alam ng Diyos na hindi natin kayang makapagtaguyod ng ugnayan sa kanya nang walang tulong niya. Ito ang dahilan kung bakit itinatag ni Hesus ang mga sakramento. Ang Diyos ay naroroon sa mga sakramento sa isang napaka-kongkretong paraan.

Maaari nating isipin ang isang sakramento bilang isang uri ng ‘daan’ na ginagamit ng Diyos upang bigyan tayo ng dagliang access sa kanyang grasya. May pitong mga sakramento: Binyag, Kumpil, Eukaristiya, Kumpisal , Pagpapahid ng Maysakit, Kasal, at Ordinasyon.

 

Ang pitong mga sakramento ay mga pintuan kung saan tayo pumapasok sa buhay ng Diyos. Ipininagkatiwala ng Diyos ang pangangasiwa ng mga ito sa Simbahan.
The Wisdom of the Church

How is Christian initiation brought about?

Christian initiation is accomplished by means of the sacraments which establish the foundations of Christian life. The faithful born anew by Baptism are strengthened by Confirmation and are then nourished by the Eucharist. [CCCC 251]

What is required of one who is to be baptized?

Everyone who is to be baptized is required to make a profession of faith. This is done personally in the case of an adult or by the parents and by the Church in the case of infants. Also the godfather or the godmother and the whole ecclesial community share the responsibility for baptismal preparation (catechumenate) as well as for the development and safeguarding of the faith and grace given at baptism. [CCCC 259]

What are the sacraments at the service of communion and mission?

Two sacraments, Holy Orders and Matrimony, confer a special grace for a particular mission in the Church to serve and build up the People of God. These sacraments contribute in a special way to ecclesial communion and to the salvation of others. [CCCC 321]

Mayroon bang panloob na lohika sa pagkakabuklod-buklod ng mga sakramento sa isa't isa?

Lahat ng → Sakramento ay isang pakikipagtagpo kay Kristo na siya mismong pinakaunang sakramento. Mayoong mga sakramento ng → pagtanggap sa sambayanang Kristiyano na nagpapakilala sa pananampalataya: Binyag, → kumpil at → eukaristiya. Mayroong mga Sakramento ng Paggaling: Kumpisal at Pagpapahid ng Langis sa Maysakit. At mayroong mga Sakramento ng Pagkakaisa at Pagpapadala: Kasal at Banal na Orden.

Ang Binyag ay nag-uugnay kay Kristo. Ang → kumpil ay nagkakaloob ng Kanyang Espiritu. Ang → eukaristiya ay pinag-iisa tayo sa Kanya. Ang Kumpisal ay binabalik ang ating loob kay Kristo. Si Kristo ay nagpapagaling, nagpapalakas at nagbibigay-aliw sa pamamagitan ng Pagpapahid ng Langis sa Maysakit. Sa sakramento ng Kasal ipinapangako ni Kristo ang Kanyang pag-ibig sa ating pag-iibigan at ang Kanyang katapatan sa ating katapatan. Sa pamamagitan ng sakramento ng Banal na Orden, ang mga → pari ay maaaring magpatawad ng mga kasalanan at magdiwang ng Banal na Misa. [Youcat 193]

 

Bakit ipinagkaloob sa atin ni Kristo ang Sakramento ng Kumpisal at ang Pagpapahid ng Langis sa mga Maysakit?

Ipinapakita rito ng pag-ibig ni Kristo na Kanyang hinahanap ang nawawala at pinagagaling ang mga maysakit. Kaya ipinagkaloob sa atin ang mga → Sakramento ng pagpapagaling at pagpapanumbalik, kung saan tayo mapapalaya sa kasalanan at mapapalakas sa kahinaan ng katawan at kaluluwa. [Youcat 224]

Ano ang tawag sa mga sakramento ng paglilingkod sa komunidad?

Biglang karagdagan, ang sinumang nabinyagan at nakumpilan ay maaaring makatanggap sa Simbahan ng isang natatanging pagpapadala sa dalawang magkahiwalay na → Sakramento, at sa gayon ay nakikibahagi sa paglilingkod sa Diyos: Banal na Orden at Pag-aasawa.

Ang parehong → Sakramento ay may karaniwang katangian: ang mga ito ay nakalaan para sa iba. Walang sinuman ang inoordenahan para sa kanyang sarili lamang, gaya ng walang sinuman ang pumapasok sa estado ng pag-aasawa para sa sarili lamang niya. Dapat itayo ng Sakramento ng Banal na Orden at ng Sakramento ng Kasal ang bayan ng Diyos, ibig sabihin, ang mga ito ay isang daan kung saan padadaluyin ng Diyos ang pag-ibig sa mundo. [Youcat 248]

This is what the Popes say

Ang buhay ng pagdarasal ay pinangalagaan higit sa lahat sa pamamagitan ng pakikilahok sa Liturhiya ng Simbahan. Upang makapag-unlad, ang panloob na buhay ay nangangailangan ng pakikilahok sa Banal na Misa at pagtulong sa Sakramento ng Pakikipagkasundo. Sa ganitong paraan, ang buong buhay ay nasakop ni Cristo: ni Cristo mismo at ng kanyang biyaya. Sapagkat siya ang nagsabi: "Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako sa kanya" (Jn 6:56). Ang Eukaristiya ay ang espirituwal na pagkain na kung saan sa isang partikular na paraan ay nakakakuha tayo ng espiritwal na lakas sa ating paglalakbay ng saksi, upang tayo ay makapamunga nang sagana. Para sa kadahilanang ito na ang pagkuha ng bahagi sa Sunday Mass ay napakahalaga. [Pope John Paul II, Homily in Gorzov, 2 June 1997]