3.34 Kailan natin ipinagdiriwang ang Pag-akyat sa Langit at Pentekostes?
Pagkatapos ng kanyang Pagkabuhay sa Linggo ng Pagkabuhay [>3.33], si Hesus ay nagpakita sa kanyang mga disipulo sa loob ng apatnapung araw. Kinausap niya sila tungkol sa Diyos at ang hinaharap na kanyang inihanda [>1.27] para sa mga tao: ang Kaharian ng Diyos(Mga Gawa 1:3)Mga Gawa 1:3: “Sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng kanyang pagkamatay, nagpakita siya sa kanila at sa pamamagitan ng maraming katibayan ay pinatunayan niyang siya'y buháy. Nagturo siya sa kanila tungkol sa paghahari ng Diyos.”..Apatnapung araw pagkatapos ng Linggo ng Pagkabuhay, inaalala natin ang pag-akyat ni Hesus sa langit, o “Pag-akyat”.
Ang kanyang mga disipulo ay ginugol ang mga araw pagkatapos ng Pag-akyat sa pananalangin (Mga Gawa 1:14)Mga Gawa 1:14: “Lagi silang nagsasama-sama upang manalangin kasama ang mga babae at si Maria na ina ni Jesus, gayundin ang mga kapatid ni Jesus.”.Tulad natin, sila ay nag-aabang sa pagdating ng Tagatulong o Taga-aliw, ang Espiritu Santo na ipinangako ni Hesus [>1.21]((Jn. 17:7)Jn. 17:7:“Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo;”.,(Mga Gawa 1:9-11)Mga Gawa 1:9-11:“Pagkasabi nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa kanya, at natakpan siya ng ulap. Habang sila'y nakatitig sa langit at siya'y iniaakyat, may dalawang lalaking nakaputi na lumitaw sa tabi nila. Sabi nila, “Kayong mga taga-Galilea, bakit kayo nakatayo rito at nakatingin sa langit? Itong si Jesus na umakyat sa langit ay magbabalik gaya ng nakita ninyong pag-akyat niya.”.).Ang Pentekostes ay ang ikalimampung araw pagkatapos ng Pasko ng Pagkabuhay. Ito ang araw kung kalian natin ipinagdiriwang ang pagpasok ng Espiritu Santo [>1.32] sa buhay ng mga Kristiyano [>3.37]. Ang mga Apostoles ay labis na napuno ng Espiritu Santo, na nadama nila na ipahayag ang Ebanghelyo ni Hesus [>4.50].
Ano ang ibig sabihin na si Jesus ay umakyat sa langit?
Si Jesus na isa sa atin ay nakarating sa Diyos at nandoon magpakailanman. Sa Kanyang Anak, ang Diyos ay naging malapit sa ating mga tao. Bukod pa rito, sinabi ni Jesus sa Ebanghelyo ayon kay Juan: "At kapag itinaas Ako mula sa lupa, hihilahin Ko sa akin ang lahat." (Jn 12:32)
Sa → Bagong Tipan, minamarkahan ng pag-akyat ni Kristo sa langit ang pagtatapos ng apatnapung araw ng natatanging pagiging malapit ng Muling Nabuhay sa Kanyang mga alagad. Sa katapusan nitong panahon, pumasok si Kristo sa kaluwalhatian ng Diyos dala ang Kanyang buong pagkatao. Ipinahayag ito ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng mga larawan ng "ulap" at "langit". Sabi ni Papa Benito XVI, "Ang tao ay nakahahanap ng lugar sa Diyos." Si Jesukristo ay kasama ngayon ng Ama, kung saan mula rito'y darating Siya isang araw "upang maghukom sa mga nangabubuhay at nangamatay na tao." Ang pag-akyat ni Kristo sa langit ay nangangahulugang hindi na nakikita si Jesus sa mundo, ngunit naririyan pa rin. [Youcat 109]
Ano ang nangyari noong Pentecostes?
Limampung araw matapos ang Kanyang muling pagkabuhay, ipinadala ng Panginoon mula sa langit sa Kanyang mga alagad ang Espiritu Santo. Nagsimula ang kapanahunan ng → Simbahan.
Noong araw ng Pentecostes, ang mga natatakot na mga apostol ay ginawa ng Espiritu Santo na mga matatapang na saksi ni Kristo. Sa loob ng maikling panahon, nagpabinyag ang libu-libong tao: Ito ang oras ng kapanganakan ng Simbahan. Ipinapakita ng himala ng pagsasalita sa iba't-ibang wika ng → Pentecostes, na sa simula pa lamang ay naririyan ang Simbahan para sa lahat; siya ay unibersal (Latin para sa Griyego, katholisch) at misyonero. Nagpapahayag siya sa lahat ng tao, pinatatagumpayan ang mga hangganang etniko at pangwika, at maaaring maintindihan ng lahat. Hanggang sa kasalukuyan, ang Espiritu Santo ang tagapagbigay-buhay ng Simbahan. [Youcat 118]
"Kung paano ako sinugo ng Ama, gayon din ay sinusugo Ko kayo ... Tanggapin ang Banal na Espiritu" ( Jn 20: 21-22); ito ang sinabi ni Hesus sa atin. Ang regalo ng Espiritu sa gabi ng Muling Pagkabuhay ay naganap muli sa araw ng Pentecost, na tumindi sa oras na ito ng mga pambihirang palatandaan ... tulad ng isang hangin na yumanig sa lugar na kinaroroonan ng mga Apostol, na pumupuno sa kanilang isipan at puso. Nakatanggap sila ng isang bagong lakas na napakadako na kaya nilang ipahayag ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Kristo sa iba't ibang mga wika. [Pope Francis, Homily on Pentecost, 24 May 2015]