DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.32 Ano ang nangyayari sa panahon ng Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Muling Pagkabuhay o Easter Vigil?
next
Next:3.34 Kailan natin ipinagdiriwang ang Pag-akyat sa Langit at Pentekostes?

3.33 Gaano kahalaga ang Pagkabuhay? Ano ang “Urbi et Orbi”?

Mga Dakilang Kapistahan ng Simbahan

Sa Pagkabuhay ipinagdiriwang natin ang pinakamahalagang pangyayari [>1.27] ng pananampalatayang Kristiyano. Ang ipinagdiriwang natin sa panahon ng Pagkabuhay ay ang kakanyahan ng ating pagkakakilanlan bilang mga Kristiyano: si Hesus ay hindi lamang ipinanganak upang sabihin sa atin ang tungkol sa Diyos [>1.29], ngunit siya rin ay handang  magdusa at mamatay para sa atin [>1.28].

 

Sa Pagkabuhay, ipinagdiriwang natin na si Hesus ay nabuhay mula sa pagkamatay [>1.50] kaya naging posible para sa atin ang mabuhay ng walang hanggan kasama ang Diyos sa langit [>1.45]. Sa umaga ng Linggo ng Pagkabuhay (kagaya ng Araw ng Pasko), ang Papa ay nagbabasbas sa siyudad ng Roma at ng mundo (‘Urbi et Orbi’) mula sa balkonahe ng St. Peter. Ang Eastertide (ang panahon ng Pagkabuhay) [>3.34] ay nagtatagal ng limampung araw (hangggang Pentekostes).

Ang pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesus ay ang sentro ng ating pananampalataya at pagkaligtas. Sa Pagkabuhay, ang papa ay nagbabasbas ng siyudad ng Roma at ng mundo.
The Wisdom of the Church

What is the work of Christ in the liturgy?

In the liturgy of the Church, it is his own paschal mystery that Christ signifies and makes present. By giving the Holy Spirit to his apostles he entrusted to them and their successors the power to make present the work of salvation through the Eucharistic sacrifice and the sacraments, in which he himself acts to communicate his grace to the faithful of all times and places throughout the world. [CCCC 222]

Ano ang pinakamahalaga sa bawat Liturhiya?

Una sa lahat, ang → Liturhiya ay palaging pakikipag-isa kay Jesukristo. Ang bawat Liturhiya, hindi lamang ang pagdiriwang ng Eukaristiya, ay isang maliit na pagdiriwang ng pasko ng muling pagkabuhay. Ipinagdiriwang ni Jesus kasama natin ang pagdaan mula kamatayan patungo sa buhay at binubuksan ito.

 

Ang pinakamahalagang Misa sa mundo ay ang Misa ng Huling Hapunan kung saan nagdiwang si Jesus sa silid ng Huling Hapunan kasama ang Kanyang mga alagad noong gabi bago Siya mamatay. Inisip ng mga alagad na ipagdiriwang ni Jesus ang pagpapalaya sa Israel mula sa Ehipto. Ngunit ipinagdiwang ni Jesus ang pagpapalaya ng buong sangkatauhan mula sa kapangyarihan ng kamatayan. Noon sa Ehipto ay naligtas ng "dugo ng kordero" ang mga Israelita sa anghel ng kamatayan. Ngayon ay Siya ang naging kordero, at ang Kanyang dugo ang magliligtas sa sangkatauhan mula sa kamatayan. Kaya ang pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus ang katibayan na maaaring mamatay ang tao, ngunit kanyang makakamit ang buhay. Ito ang tunay na nilalaman ng bawat Kristiyanong pagsamba. Si Jesus mismo ang nagkumpara sa Kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay sa pagpapalaya sa Israel mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Kaya ang mapagligtas na epekto ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus ay itinalaga bilang misteryo ng paskuwa. Kahalintulad sa nagbibigay buhay na dugo ng kordero sa pag-alis ng mga Israelita sa Ehipto (Ex 12), si Jesus ang tunay na kordero ng paskuwa na nagligtas sa sangkatauhan mula sa kanyang pagkakapulupot sa kamatayan at kasalanan. [Youcat 171]

What are the signs that bear witness to the Resurrection of Jesus?

Along with the essential sign of the empty tomb, the Resurrection of Jesus is witnessed to by the women who first encountered Christ and proclaimed him to the apostles. Jesus then “appeared to Cephas (Peter) and then to the Twelve. Following that he appeared to more than five hundred of the brethren at one time” (1 Corinthians 15:5-6) and to others as well. The apostles could not have invented the story of the resurrection since it seemed impossible to them. As a matter of fact, Jesus himself upbraided them for their unbelief. [CCCC 127]

Why is the Resurrection at the same time a transcendent occurrence?

While being an historical event, verifiable and attested by signs and testimonies, the Resurrection, insofar as it is the entrance of Christ's humanity into the glory of God, transcends and surpasses history as a mystery of faith. For this reason the risen Christ did not manifest himself to the world but to his disciples, making them his witnesses to the people. [CCCC 128]

Paano naniwala ang mga alagad na si Jesus ay muling nabuhay?

Ang mga alagad, na bago nito ay nawalan na ng bawat pag-asa, ay nakarating sa paniniwala sa muling pagka-buhay ni Jesus dahil pagkatapos ng Kanyang kamatayan, nakita nila Siya sa iba't-ibang paraan, nakipag-usap sa Kanya at naranasan Siya bilang buhay na tao.

 

Ang pangyayari ng Muling Pagkabuhay na naganap noong taong 30 sa Jerusalem ay hindi isang inimbentong kasaysayan. Sa ilalim ng impluwensiya ng kamatayan ni Jesus at ng pagkatalo ng kanilang magkakasamang pinaniwalaan, nagsi-alisan ang mga alagad ("Umaasa pa naman kaming Siya ang tutubos sa Israel ngunit ikatlong araw na ngayon mula nang mangyari ang lahat ng ito," Lc 24:21), o ikinulong ang kanilang mga sarili sa nakakandadong mga pinto. Noong nakatagpo lamang nila si Kristong muling nabuhay, saka sila napalaya mula sa kanilang katamlayan at napuno sila ng buhay na pananampalataya kay Jesukristo, ang Panginoon ng buhay at kamatayan. [Youcat 105]

Mayroon bang patunay para sa muling pagkabuhay ni Jesus?

Para sa muling pagkabuhay ni Jesus ay walang patunay mula sa pananaw ng agham. Ngunit mayroong lubhang malakas na indibidwal at kolektibong mga patotoo ng marami sa mga kakontemporaryo ng mga pangyayari sa Jerusalem.

 

Ang pinakamatandang nakasulat na patotoo para sa muling pagkabuhay ay ang liham na sinulat ni San Pablo sa mga taga-Corinto noong mga dalawampung taon pagkatapos ng kamatayan ni Kristo: "Una sa lahat, ibinigay ko sa inyo ang tinanggap ko mismo: na si Kristo'y namatay dahil sa ating mga kasalanan, ayon sa mga Kasulatan. Nalibing Siya at binuhay muli sa ikatlong araw ayon sa mga Kasulatan. Nagpakita Siya kay Pedro at saka sa Labindalawa. Pagkatapos, napakita Siya nang sabay sa mahigit na limandaan kapatid, na ang karamihan sa kanila'y buhay pa at ang ilan lamang ang nahimlay" (1 Cor 15:3-6). Iniulat ni Pablo rito ang isang buhay na tradisyon na nadiskubre niya sa sinaunang komunidad, noong siya mismo'y naging Kristiyano dalawa o tatlong taon pagkatapos ng pagkamatay at muling pagkabuhay ni Jesus - dahil sa kanyang sariling napakagandang pakikipagtagpo sa Panginoong muling nabuhay. Bilang unang indikasyon ng katotohanan ng muling pagkabuhay, naunawaan ng mga alagad ang katotohanan ng libingang walang laman (Lc 24:5-6). Ang nakakatawa pa riyan, ang mga kababaihan na walang kakayahang magbigay-saksi ayon sa batas noon, ang siyang nakadiskubre nito. Kahit na mayroon nang tinatawag na libingang walang laman mula kay → apostol San Juan, "nakita niya at siya'y naniwala" (Jn 20:8b), ang katiyakan na nabubuhay si Jesus ay pinagtibay lamang sa pamamagitan ng maraming pagpapakita. Karamihan ng pakikipagtagpo sa Muling Nabuhay ay nagtapos sa pag-akyat ni Kristo sa langit. Gayunpaman, noon at magpahanggang ngayon ay mayroon nang mga pakikipagtagpo sa buhay na Panginoon: si Jesukristo ay buhay. [Youcat 106]

This is what the Popes say

Ngayon ang mga saksi ay nagsasalita: hindi lamang ang mga una, ang mga nakasaksi sa mata, kundi pati na rin ang mga, mula sa kanila, na natutunan ang mensahe ng Pasko ng Pagkabuhay at nagpatotoo kay Cristo na napako sa krus at nabuhay mula sa henerasyon hanggang sa henerasyon. Ang ilan ay naging saksi kahit na sa pag-agos ng kanilang dugo at, salamat sa kanila, ang Iglesya ay nagpatuloy sa kanyang daan, sa gitna din ng matitinding pag-uusig at matigas na pagtanggi ... na inaamin ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay sa mga kampong konsentrasyon at mga gulag, sa ilalim ng banta ng mga bomba at baril, sa gitna ng malaking takot na inilabas ng bulag na poot na lumunok sa trahedya sa mga indibidwal at buong bansa. Ngayon nagmula sila sa matinding kapighatian at inaawit ang kaluwalhatian ni Cristo: sa kanya, na umaangat mula sa mga anino ng kamatayan, ang buhay ay nahayag. [Pope John Paul II, Urbi et Orbi Easter 1998, 2]