DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.4 Ano naman ang kasalanang orihinal at ang pagbagsak ng tao?
next
Next:1.6 Makikilala ko ba ang Diyos sa kalikasan at sa mundo?

1.5 Ang siyensa ba at pananalig ay salungat sa isa’t-isa?

Paglikha o nagkataon?

Kung naniniwala tayo na ang Diyos ang gumawa ng lahat ng bagay, hindi natin kailangan mag-alala tungkol sa pang-agham na katotohanan. Bagkus, ang siyensa ay isang dakilang paraan upang mas maunawaan ang nilikha ng Diyos, at sa ganitong paraan ay matuto nang mas higit tungkol sa Diyos!

Sa isang banda, ang pananampalataya ay nagbibigay liwanag sa gawain ng siyensa. Halimbawa, hindi lahat ng posible ay tama ang moralidad. Ang pagsasaliksik sangkot ang pagsira ng binhi ng tao ay isa lamang sa mga halimbawa ng hindi etikal na paggamit ng kaalamang pangsiyensya.

Ang katotohanan, ito man ay nadiskubre sa pamamagitan ng siyensya o ng pananampalataya, ay hindi salungat sa kanyang sarili. Sabi ni Hesus: “Ang katotohanan ay magpapalaya sa iyo.”
The Wisdom of the Church

What is the importance of affirming “In the beginning God created the heavens and the earth” (Genesis 1:1)?

The significance is that creation is the foundation of all God’s saving plans. It shows forth the almighty and wise love of God, and it is the first step toward the covenant of the one God with his people. It is the beginning of the history of salvation which culminates in Christ; and it is the first answer to our fundamental questions regarding our very origin and destiny. [CCCC 51]

Sinasabi ba ng agham na hindi na kinakailangan ang Tagapaglikha?

Hindi. Ang pangungusap na “Nilikha ng Diyos ang daigdig” ay hindi isang napag-iwanang siyentipikong pahayag. Ito ay tungkol sa isang teolohikal na pahayag, ibig sabihin, isang pahayag tungkol sa salita ng Diyos (theos = Diyos, logos = salita) at pinagmulan ng mga bagay.

Ang ulat tungkol sa paglikha ay hindi isang pang-agham na modelo ng pagpapahayag para sa simula ng mundo. “Nilikha ng Diyos ang daigdig” ay isang teolohikal na pahayag na may kinalaman sa kaugnayan ng mundo sa Diyos. Ginusto ng Diyos ang daigdig; Kanya itong sinasamahan at gagawin itong ganap. Ang pagiging nilikha ay isang tumatagal na katangian ng mga bagay at isang pangunahing katotohanan tungkol sa kanila. [Youcat 41]

What does Sacred Scripture teach about the creation of the visible world?

Through the account of the “six days” of creation Sacred Scripture teaches us the value of the created world and its purpose, namely, to praise God and to serve humanity. Every single thing owes its very existence to God from whom it receives its goodness and perfection, its proper laws and its proper place in the universe. [CCCC 62]

What kind of bond exists between created things?

There exist an interdependence and a hierarchy among creatures as willed by God. At the same time, there is also a unity and solidarity among creatures since all have the same Creator, are loved by him and are ordered to his glory. Respecting the laws inscribed in creation and the relations which derive from the nature of things is, therefore, a principle of wisdom and a foundation for morality. [CCCC 64]

Nanggagaling rin ba mula sa Diyos ang mga batas ng kalikasan at likas na kaayusan?

Oo. Kahit ang mga batas ng kalikasan at likas na kaayusan ay nabibilang sa nilikha ng Diyos.

Ang tao ay hindi isang blankong papel. Naiukit sa kanya ang kaayusan at mga mahahalagang batas na isinulat ng Diyos sa Kanyang nilikha. Hindi basta-bastang ginagawa ng isang Kristiyano “kung ano ang gusto niya.” Alam niya na pinipinsala niya ang kanyang sarili at ang kanyang kapaligiran, kapag kanyang kinokontra ang mga likas na batas, ginagamit ang mga bagay nang taliwas sa kanilang mga regulasyon at ninanais maging mas matalino kaysa sa Diyos na sa kanya’y lumikha. Labis-labis na pasanin para sa tao kapag lilikhain niya mismo ang kanyang sarili mula sa simula. [Youcat 45]

This is what the Church Fathers say

Ang relihiyon ay hindi mahihiwalay sa karunungan, at hindi rin maihihiwalay ang karunungan mula sa relihiyon; sapagkat ito ay iisang Diyos, na dapat na maunawaan, na bahagi ng karunungan, at igalang, na bahagi ng relihiyon. [Lactantius, The Divine Institutes, Bk. 4, Chap. 4 (ML 6, 456)]