1.2 Ngunit, walang halong biro, lahat ba ng tungkol kay Adan at Eba ay totoong nangyari?
Ang kwento ng paglikha kay Adan at Eba ay hindi isang eksaktong ulat [>1.20]. Subalit, malaking bagay ang sinasabi nito sa atin tungkol sa relasyon ng mga tao sa Diyos at sa isa’t-isa [>1.21]. Maingat na pinag-isipan ng Diyos ang paglalang: nilalang tayo na naaayon sa isang plano [>1.27]. Iniwan ng Diyos ang kanyang impluwensya sa atin, at dahil doon tayo ay kapareho niya (Gen. 1:26)Gen 1:26 Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”.
Samakatuwid, mayroon tayong natatanging lugar sa mga nilikha, na nauugnay sa gawain na pangalagaan ang lahat ng nilalang. Nilikha tayo ng Diyos dahil mahal niya tayo. Dahil tayo ay nilikha sa kanyang larawan at wangis, ang bawat isa sa atin ay may nakatagong paghahangad sa Diyos sa kaibuturan ng ating pagkatao. Ito ang nagbibigay-daan para mahalin natin ang Diyos at ang ating kapwa.
Mayroon bang natatanging lugar ang tao sa sangnilikha?
Oo. Ang tao ang pinakatuktok ng sangnilikha dahil, “nilikha ng Diyos ang tao na Kanyang larawan” (Gen 1:27). Ang paglikha sa tao ay malinaw na pinag-iba sa paglikha sa iba pang buhay na nilalang. Ang tao ay isang persona, ibig sabihin, maaari siyang magdesisyon para o laban sa pag-ibig gamit ang kanyang kalooban at pang-unawa. [Youcat 56]
What does the seventh commandment require?
The seventh commandment requires respect for the goods of others through the practice of justice and charity, temperance and solidarity. In particular it requires respect for promises made and contracts agreed to, reparation for injustice committed and restitution of stolen goods, and respect for the integrity of creation by the prudent and moderate use of the mineral, vegetable, and animal resources of the universe with special attention to those species which are in danger of extinction. [CCCC 506]
Paano tayo dapat makitungo sa sangnilikha?
Tinutupad natin ang atas ng Diyos tungkol sa sangnilikha kapag pinangangalagaan at pinapanatili natin ang mundo kabilang ang mga batas nito, ang iba’t ibang uri ng buhay dito, ang natural na kagandahan at ang napagpapanibagong mapagkukunan, bilang isang tirahan, upang ang mga darating na henerasyon ay mabuhay nang maayos sa lupa.
Sinasabi sa aklat ng Genesis: “Maging mabunga kayo at magparami, punuin ninyo ang lupa at kayo ang makapangyari rito. Kayo ang makapangyari sa mga isda sa dagat at mga ibon sa langit, sa bawat buhay na hayop na gumagalaw sa lupa” (Gen 1:28). Ang “paghahari sa ibabaw ng lupa” ay hindi nangangahulugang ganap na karapatang nagpapahintulot na pagpasiyahan ang kalikhasang may buhay at walang buhay, mga hayop at halaman. Ang pagiging nilikha sa larawan ng Diyos ay nangangahulugang dapat pangalagaan ng tao ang nilikha ng Diyos bilang pastol at tagapag-ingat nito. Dahil nasasaad din: “Kinuha ni Yawe-Diyos ang Tao at inilagay sa hardin ng Eden upang bungkalin at alagaan iyon” (Gen 2:15). [Youcat 436]
Paano tayo dapat makitungo sa mga hayop?
Ang mga hayop ay pareho nating mga nilalang na dapat nating mahalin at ikatuwa, kung paanong ang Diyos mismo ay natutuwa sa kanilang pagiging naririyan.
Kahit ang mga hayop ay mga nilalang ng Diyos na nakakaramdam. Isang kasalanan ang pahirapan sila, hayaan silang magdusa at patayin sila nang walang kadahilanan. Gayunpaman, hindi dapat higit na mahalin ng isang tao ang hayop kaysa sa kapwa tao. [Youcat 437]
What is the importance of affirming “In the beginning God created the heavens and the earth” (Genesis 1:1)?
The significance is that creation is the foundation of all God’s saving plans. It shows forth the almighty and wise love of God, and it is the first step toward the covenant of the one God with his people. It is the beginning of the history of salvation which culminates in Christ; and it is the first answer to our fundamental questions regarding our very origin and destiny. [CCCC 51]
Sinasabi ba ng agham na hindi na kinakailangan ang Tagapaglikha?
Hindi. Ang pangungusap na “Nilikha ng Diyos ang daigdig” ay hindi isang napag-iwanang siyentipikong pahayag. Ito ay tungkol sa isang teolohikal na pahayag, ibig sabihin, isang pahayag tungkol sa salita ng Diyos (theos = Diyos, logos = salita) at pinagmulan ng mga bagay.
Ang ulat tungkol sa paglikha ay hindi isang pang-agham na modelo ng pagpapahayag para sa simula ng mundo. “Nilikha ng Diyos ang daigdig” ay isang teolohikal na pahayag na may kinalaman sa kaugnayan ng mundo sa Diyos. Ginusto ng Diyos ang daigdig; Kanya itong sinasamahan at gagawin itong ganap. Ang pagiging nilikha ay isang tumatagal na katangian ng mga bagay at isang pangunahing katotohanan tungkol sa kanila. [Youcat 41]
Sino ang lumikha sa mundo?
Ang Diyos lamang na hindi nalilimitahan ng panahon at kalawakan ang maylikha ng mundo mula sa wala at tinawag sa pagkakalalang ang lahat ng bagay. Ang lahat ng naririyan ay nakaasa sa Diyos at sa gayon ay nagpapatuloy na umiiral, dahil lamang kagustuhan ito ng Diyos.
Ang pagkakalikha ng mundo ay masasabing isang “gawaing pangkomunidad” ng Tatlong Persona sa Isang Diyos. Ang Ama ang Tagapaglikha, ang makapangyarihan sa lahat. Ang Anak ang diwa at puso ng mundo: “Sa pamamagitan Niya at dahil sa Kanya nilikha ang lahat” (Col 1:16). Malalaman lamang natin kung para saan mabuti ang mundo kapag nakilala natin si Kristo at naintindihan na umiikot ang mundo tungo sa isang layunin: ang katotohanan, kabutihan at kagandahan ng Panginoon. Pinagbubuklod ng Espiritu Santo ang lahat ng bagay; Siya “ang nagbibigay-buhay” (Jn 6:63). [Youcat 44]
Bakit inilalarawan ng aklat ng Genesis ang pagkakalikha bilang isang “anim na araw na paggawa”?
Sa simbolo ng linggo ng trabaho na nagtatapos sa araw ng pamamahinga (Gen 1:1-2:3), ipinapakita kung gaano kabuti, kaganda at katalino naisaayos ang pagkakalikha.
Mula sa simbolo ng “anim na araw na paggawa,” maaaring siyasatin ang mahahalagang mga prinsipyo: 1) Ang lahat ay nalikha lamang sa pamamagitan ng Tagapaglikha; 2) Lahat ng nilikha ay mabuti sa sarili nitong paraan; 3) Kahit na iyong naging masama ay may mabuting kaibuturan; 4) Ang nilikhang mga nilalang at bagay ay may kaugnayan sa bawat isa at naririyan para sa isa’t isa; 5) Ang sangnilikha sa kaayusan at pagkakaisa ng mga ito ay sumasalamin sa kahanga-hangang kabutihan at kagandahan ng Diyos; 6) Mayroong pagkakasunod-sunod sa sangnilikha: ang tao ay nasa ibabaw ng mga hayop, ang hayop sa ibabaw ng mga tanim, ang mga tanim sa ibabaw ng mga bagay na walang buhay; 7) Ang sangnilikha ay patungo sa dakilang kapistahan kung kailan ang sandaigdigan ay iuuwi ni Kristo sa tahanan, at ang Diyos ay lahat sa lahat. [Youcat 46]
Bakit nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw?
Ipinapahiwatig ng pagpapahinga ng Diyos mula sa trabaho ang kaganapan ng sangnilikha na lampas sa lahat ng pagsusumikap ng tao.
Bagama’t ang taong nagtatrabaho ay katuwang ng kanyang Tagapaglikha (Gen 2:15), hindi niya matutubos ang mundo sa pamamagitan ng kanyang mga pagsisikap. Ang nilalayon ng sangnilikha ay “bagong langit at bagong lupa” (Is 65:17) sa pamamagitan ng isang pagtubos na sa atin ay ipagkakaloob. Kaya ang pamamahinga tuwing Linggo na isang patikim sa makalangit na pamamahinga ay mas nakahihigit kaysa sa trabahong naghahanda sa atin para rito. [Youcat 47]
Bakit nilikha ng Diyos ang mundo?
“Nilikha ang mundo para sa kaluwalhatian ng Diyos.” (Unang Konsilyo Vaticano)
Wala nang iba pang dahilan para sa pagkakalikha kundi pag-ibig. Lumilitaw rito ang kaluwalhatian at karangalan ng Diyos. Kaya ang pagpupuri sa Diyos ay hindi nangangahulugang palakpakan ang Tagapaglikha. Ang tao ay hindi tagapanood lamang ng sangnilikha. Para sa kanya, ang “purihin” ang Diyos ay nangangahulugang nagpapasalamat na sumasang-ayon sa kanyang sariling buhay kasama ng lahat ng sangnilikha. [Youcat 48]
Kung mauunawaan natin nang matapat at matalino ang simula ng ating nilikha, mahahanap natin na ang tao ay nilikha sa larawan ng Diyos, upang makagaya siya sa kanyang Maylalang, at ang ating lahi ay makakamit ang pinakamataas na natural na karangalan, sa pamamagitan ng anyo ng Banal na kabutihan na nakalarawan sa atin, tulad ng sa isang salamin. At katiyakan sa anyong ito ang biyaya ng Tagapagligtas ay araw-araw na pinapanumbalik tayo, hangga't yaong sa unang Adan ay nahulog, ay nabuhay sa pangalawa. [St. Leo the Great, Sermons, No. 12:1 (ML 54, 168)]
Ang wikang sagisag ng Bibliya ay nagsasabi sa atin na bago sila ipatapon mula sa Halamanan ng Eden, ang Diyos ay gumawa para sa lalaki at babae ng mga kasuotan ng balat, at binihisan sila (cf. Gn 3:21). Ang kilos ng paglalambing na ito ay nangangahulugang sa masakit na kahihinatnan ng ating kasalanan, hindi nais ng Diyos na iwan tayong hubad at iwan sa ating kapalaran bilang mga makasalanan. [Pope Francis, General Audience 16 Sept. 2015]