DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.2 Ngunit, walang halong biro, lahat ba ng tungkol kay Adan at Eba ay totoong nangyari?
next
Next:1.4 Ano naman ang kasalanang orihinal at ang pagbagsak ng tao?

1.3 Ebolusyon o paglikha?

Paglikha o nagkataon?

Ang katawan ng tao ay mukhang nagbago dahil sa ebolusyon.  Subalit, bilang tao, tayo ay lubhang magkaiba sa mga hayop [>1.48]. Samantalang ang mga hayop ay kuntento sa kung ano sila, ang mga tao ay naghahanap ng bagay na higit pa sa may hangganan at nilikhang mga bagay.

Ang ating bahagyang mahirap na unawaing pagnanasa para sa sukdulang kaligayahan– kaligayahang higit pa sa nakikita natin dito at ngayon– ay sumusuporta sa pag-iisip na mayroon tayong walang kamatayang kaluluwa. Ang kaluluwa ang siyang gumagawa ng kung ano tayo, at tumutulong sa atin piliin ang masama o mabuti. Ang kaluluwa natin ay ginawa ng Diyos. Ang ebolusyon ay may kinalaman sa katawan; ang kwento ng Paglikha ay nagbibigay sa atin ng kaalaman sa kung ano ang nasa loob ng katawan: ang kaluluwa. Ang pareho ay mahalaga kung gusto natin maunawaan nang mas mabuti ang mundo [>1.11] na nilikha ng Diyos. 

Ang ebolusyon at paglikha ay hindi kapwa eksklusibo. Ang ebolusyon ay maliwanag sa kalikasan, ngunit tayo, kasama ang ating mga kaluluwa, ay nilikha ng Diyos.

The Wisdom of the Church

What is the importance of affirming “In the beginning God created the heavens and the earth” (Genesis 1:1)?

The significance is that creation is the foundation of all God’s saving plans. It shows forth the almighty and wise love of God, and it is the first step toward the covenant of the one God with his people. It is the beginning of the history of salvation which culminates in Christ; and it is the first answer to our fundamental questions regarding our very origin and destiny. [CCCC 51]

Maaari bang maniwala sa ebolusyon, pero naniniwala pa rin sa Tagapaglikha?

Oo. Ang pananampalataya ay bukas sa mga kaalaman at teorya ng mga agham.

Ang teolohiya ay walang pang-agham na kakayahan; ang agham ay walang panteolohiyang kakayahan. Hindi maaaring ganap na ibukod ng natural na agham ang posibilidad na mayroong layunin ang mga proseso sa sangnilikha; sa kabaliktaran, hindi maitatakda ng pananampalataya kung paano kongkretong nagaganap ang mga prosesong ito sa pagbuo ng kalikasan. Maaaring gamitin ng isang Kristiyano ang teorya ng ebolusyon bilang modelong makakatulong magpaliwanag, maliban na lang kung siya ay mahulog sa maling paniniwala sa ebolusyonismo, na nakikita ang tao bilang isang nagkataon lamang na kinalabasan ng prosesong biolohikal. Ipinapalagay ng → Ebolusyon na mayroong bagay na maaaring umunlad. Walang sinasabi tungkol sa pinagmulan ng “isang bagay” na ito. Ang mga katanungan tungkol sa diwa, kakanyahan, karangalan, misyon, kahulugan at kadahilahan ng mundo at tao ay hindi rin maaaring biolohikal na masagot. Kung paanong ang “ebolusyonismo” ay nilalampasan ang hangganan sa isang dulo, gayon din naman ang → Kreasyonismo sa kabilang dulo. Literal na tinatanggap ng mga naniniwala sa Kreasyonismo ang mga biblical na datos (halimbawa, kung gaano na katanda ang mundo, anim na araw ng pagtatrabaho). [Youcat 42]

How do the soul and body form a unity in the human being?

The human person is a being at once corporeal and spiritual. In man spirit and matter form one nature. This unity is so profound that, thanks to the spiritual principle which is the soul, the body which is material, becomes a living human body and participates in the dignity of the image of God. [CCCC 69]

Ano ang kaluluwa?

Ang kaluluwa ang siyang gumagawang tao sa bawat tao: ang kanyang espirituwal na buhay-prinsipyo, ang kanyang kaloob-looban. Ginagawang mas buhay at mas makatao ng kaluluwa ang materyal na katawan. Sa pamamagitan ng kanyang kaluluwa, ang tao ang nilalang na nakakapagsabi ng “ako” at nakakatayo sa harap ng Diyos bilang isang indibidwal na hindi mapapalitan.

Ang tao ay nilalang na may katawan at espiritu. Ang espiritu ng tao ay higit pa sa isang tungkulin ng katawan at hindi maipapaliwanag mula sa materyal na konstitusyon ng tao. Sinasabi sa atin ng pag-iisip na dapat mayroong espirituwal na prinsipyo na kaisa ng katawan, ngunit hindi pareho rito. Tinatawag natin itong “kaluluwa.” Bagamat ang kaluluwa ay hindi “maipapakita” ng likas na agham, hindi ito mauunawaan bilang espirituwal na nilalang kapag hindi tinanggap na ang materyal ay nalalampasan nitong espirituwal na prinsipyo ng tao. [Youcat 62]

Saan nagmumula ang kaluluwa ng tao?

Ang kaluluwa ng tao ay direktang nilikha ng Diyos at hindi “ipinanganak” ng mga magulang.

Ang kaluluwa ng tao ay hindi maaaring maging produkto ng isang ebolusyong pag-unlad ng mga materyal o resulta ng isang genetikong pagsasama ng ama at ina. Ang misteryo na sa bawat tao ay dumarating ang isang natatangi at espirituwal na indibidwal sa mundo, ay ipinapahayag ng Simbahan, kaya sinasabi niyang: Binigyan siya ng Diyos ng isang kaluluwang hindi namamatay, kahit na nawawala ng tao ang kanyang katawan sa kamatayan para muli itong mahanap sa muling pagkabuhay. Ang sabihing, “Mayroon akong kaluluwa,” ay nangangahulugang, “Nilikha ako ng Diyos hindi lamang bilang isang nilalang, kundi bilang isang tao, at tinawag sa isang hindi-magtatapos na pakikipag-ugnayan sa Kanya.” [Youcat 63]

This is what the Church Fathers say

Sa pamamagitan ng kanyang Salita ay tinawag ng Diyos na mabuhay ang lahat ng mga bagay na mayroon, ipagkkaloob ang mga ito ayon sa kanyang karunungan, at ginawang perpekto sa pamamagitan ng kanyang kabutihan ... ang kanyang tunay na lakas na alam lamang sa kanyang sarili lamang. Masyadong limitado ang ating katalinuhan upang maunawaan siya. [Minucius Felix, Letter to Octavius, 18 (ML 3, 290 )