DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.3 Ebolusyon o paglikha?
next
Next:1.5 Ang siyensa ba at pananalig ay salungat sa isa’t-isa?

1.4 Ano naman ang kasalanang orihinal at ang pagbagsak ng tao?

Paglikha o nagkataon?

Bagama’t si Adan at Eba ay binigyan ng buong Paraiso ng Diyos, ninais nila ng higit pa. Ang kanilang kasalanan ay inudyok ng pagiging makasarili, gaya ng karamihan ng mga kasalanan. Sinuway nila ang Diyos at nagtago sila (Gen. 3:8)Gen. 3:8: Nang dapit-hapon na, narinig nilang naglalakad sa halamanan ang Panginoong Yahweh, kaya't nagtago sila sa mga puno.. Lumikha ito ng pagkakalayo sa pagitan ng Diyos at tao. Ito ang pagkabulid sa kasalanan o ang pagbagsak ng tao: kung paano dumating sa mundo ang kasalanan.

Binigyan ng Diyos ng malayang kalooban [>1.34] ang tao. Makakapagmahal ka lamang sa isang tao kung ikaw ay may malayang kalooban. Maaari nating piliin ang Diyos, ngunit maaari rin natin siyang tanggihan na nagbubunga ng kasalanan. Dahil sa kasalanang orihinal, ang kasalanan na minana natin mula kay Adan at Eba, tayong mga tao ay hindi na perpekto na siyang nilayon ng Diyos sa paglikha. Sa pamamagitan ng pagpunta sa mundo, ninais ni Hesus [>1.26] na baguhin ang gayong sitwasyon sa pamamagitan ng pagtatatag ng Sakramento ng Binyag [>3.36].

Ang unang lalaki at babae ay nahiwalay sa Diyos nang piliin nila ang laban sa kanya at gawin ang unang, orihinal, na kasalanan. Minana natin ang kanilang makasalanang kalagayan.
The Wisdom of the Church

What was the original condition of the human person according to the plan of God?

In creating man and woman God had given them a special participation in his own divine life in holiness and justice. In the plan of God they would not have had to suffer or die. Furthermore, a perfect harmony held sway within the human person, a harmony between creature and Creator, between man and woman, as well as between the first human couple and all of creation. [CCCC 72]

Nasa plano ba ng Diyos na magdusa at mamatay ang tao?

Hindi nais ng Diyos na magdusa at mamatay ang tao. Ang pinaka-orihinal na ideya ng Diyos para sa tao ay ang paraiso: Buhay magpasawalang hanggan at kapayapaan sa pagitan ng Diyos, ng tao at ng kanyang kapaligiran, sa pagitan ng lalaki at babae.

Minsan ay nararamdaman natin kung paano dapat ang buhay, kung paano tayo dapat, ngunit tunay tayong nabubuhay na walang kapayapaan sa ating sarili, nakatakdang matakot at hindi makontrol ang mga kinahihiligan, at nawala natin ang orihinal na maayos na pagsasamahan sa mundo at sa huli sa Diyos. Sa Banal na Kasulatan, naipahayag itong karanasan ng pagkakawalay sa kwento ng “pagkakahulog sa kasalanan.” Noong pumasok ang kasalanan, kinailangang iwanan nina Adan at Eba ang paraiso, kung saan maayos ang kanilang pagsasamahan sa isa’t-isa at sa Diyos. Ang kapaguran sa trabaho, pagdurusa, pagkamatay at ang tukso ng kasalanan ay mga tanda ng pagkawala ng paraiso. [Youcat 66]

 

How should we understand the reality of sin?

Sin is present in human history. This reality of sin can be understood clearly only in the light of divine revelation and above all in the light of Christ the Savior of all. Where sin abounded, he made grace to abound all the more. [CCCC 73]

Ano ang kasalanan?

Sa kaibuturan nito, ang kasalanan ay ang pagtalikod sa Diyos at ang pagtangging tanggapin ang Kanyang pag-ibig. Ipinapakita ito sa pagbalewala sa Kanyang mga utos.

Ang kasalanan ay higit sa isang maling pag-uugali; ito ay hindi rin isang sikolohikal na kahinaan. Sa pinakamalalim nitong kahulugan, ang bawat pagtanggi o pagsira ng anumang mabuti ay ang pagtanggi sa kabutihan mismo, pagtanggi sa Diyos. Ang kasalanan sa pinakamalalim at pinakakakila-kilabot na dimensyon nito ay ang pagkakawalay sa Diyos, at sa gayon, pagkawalay sa bukal ng buhay. Kaya ang kamatayan ay bunga rin ng kasalanan. Sa pamamagitan lamang ni Jesus natin maiintindihan ang hindi masukat na dimensyon ng kasalanan: tiniis ni Jesus sa Kanyang sariling katawan ang pagtanggi sa Diyos. Kanyang inangkin sa Kanyang sarili ang nakamamatay na kapangyarihan ng kasalanan, upang hindi tayo nito makatagpo. Ang tawag natin rito ay pagtubos. [Youcat 67]

What was the first human sin?

When tempted by the devil, the first man and woman allowed trust in their Creator to die in their hearts. In their disobedience they wished to become “like God” but without God and not in accordance with God (Genesis 3:5). Thus, Adam and Eve immediately lost for themselves and for all their descendants the original grace of holiness and justice. [CCCC 75]

What is original sin?

Original sin, in which all human beings are born, is the state of deprivation of original holiness and justice. It is a sin “contracted” by us not “committed”; it is a state of birth and not a personal act. Because of the original unity of all human beings, it is transmitted to the descendants of Adam “not by imitation, but by propagation”. This transmission remains a mystery, which we cannot fully understand. [CCCC 76]

What other consequences derive from original sin?

In consequence of original sin human nature, without being totally corrupted, is wounded in its natural powers. It is subject to ignorance, to suffering, and to the dominion of death and is inclined toward sin. This inclination is called concupiscence. [CCCC 77]

Tayo ba ay napipilitang magkasala dahil sa orihinal na kasalanan?

Hindi. Ngunit sa pamamagitan ng minanang kasalanan, ang tao ay malalim na napinsala at may pagkiling na magkasala. Ngunit sa tulong ng Diyos, kaya niyang gumawa ng mabuti.

Hindi tayo dapat magkasala sa kahit anong sitwasyon. Ngunit ang totoo’y paulit-ulit tayong nagkakasala dahil tayo’y mahina, ignorante at madaling matukso. At saka, ang pagkakasalang napilitan lamang gawin ay hindi kasalanan, dahil laging nabibilang sa kasalanan ang malayang pagdedesisyon. [Youcat 69]

This is what the Church Fathers say

Ang tao ay nilikha ayon sa imahe at wangis ng Diyos, ngunit ang kasalanan ay sumira sa kagandahan ng imahe sa pamamagitan ng paghila sa kaluluwa sa masidhing pagnanasa. Ngayon, ang Diyos, na gumawa ng tao, ang totoong buhay. Samakatuwid, kapag ang tao ay nawala ang kanyang pagkakatulad sa Diyos, nawala ang kanyang pakikilahok sa totoong buhay; hiwalay at hiwalay sa Diyos bilang siya, imposible para sa kanya na tamasahin ang pagpapala ng banal na buhay. [St. Basil, Ascetical Works, Chap. 1 (MG 31, 869)]

This is what the Popes say

Ito ang sinasabi ng mga Papa Minanang kasalanan? Ano ang kinalaman natin sa pagkakahulog sa kasalanan nina Adan at Eva?

Ang kasalanan sa tunay na diwa ay isang kasalanang personal na pinananagutan. Kaya ang salitang “minanang kasalanan” ay hindi nangangahulugang isang personal na kasalanan, kundi ang nakapipinsalang kalagayan ng sangkatauhan kung saan ipinanganak ang indibidwal, kahit bago siya magkasala mula sa kanyang malayang pagdesisyon.

Sa pagkakahulog sa kasalanan, sabi ni Papa Benito XVI, dapat maunawaan “na dala nating lahat sa ating sarili ang isang patak ng lason mula sa ganoong paraan ng pag-iisip, gaya ng ipinakita sa mga larawan mula sa aklat ng → Genesis … Hindi nagtiwala ang tao sa Diyos. Inakit sa pamamagitan ng mga salita ng ahas, naghinala siya na… ang Diyos ay isang katunggali na hinihigpitan ang ating kalayaan, at tayo ay magiging tao lamang sa tunay na kahulugan, kapag inalis natin ang Diyos … Hindi nais ng tao na tanggapin mula sa Diyos ang kanyang pagiging buhay at ang kabuuan ng kanyang buhay … At sa paggawa niya nito, nagtitiwala siya sa kasinungalingan imbes na katotohanan at sa gayon bumabagsak ang kanyang buhay sa kawalan, sa kamatayan” (Papa Benito XVI, ika-8 ng Disyembre 2005). [Youcat 68]