DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.11 Ang Diyos ba ay nangungusap sa atin sa pamamagitan ng Bibliya lamang? O siya ba ay nangungusap din sa iba pang pamamaraan?
next
Next:1.13 Sa anong wika isinulat ang Bibliya?

1.12 Ang Diyos ba mismo ang nagsulat ng Bibliya?

Ang Bibliya: tunay o huwad?

Ang Bibliya ay isinulat ng malawak na hanay ng mga tao [>1.13] galing sa iba’t-ibang lugar at iba’t-ibang panahon. Sa kaibuturan ng bawat kwento, makikita natin ang katotohanan tungkol sa Diyos[>1.21].

Ito ay sa dahilang may pagkakasi ng Espiritu Santo ng Diyos [>1.32] ang lahat ng may-akda. Ang Espirito na ito ay siya ring tumutulong sa Simbahan upang maunawaan ang Bibliya kung paano sinadya ng Diyos na ito ay maintindihan.

Ang Espiritu ng Diyos ay nagbigay inspirasyon sa mga may-akda ng Bibliya, mula sa iba’t-ibang panahon at lugar, upang ipalaganap ang kanyang mensahe nang walang kamalian ngunit sa sarili nilang pananalita.
The Wisdom of the Church

Is Sacred Scripture true?

“The books of Scripture firmly, faithfully, and without error teach truth. … Written under the inspiration of the Holy Spirit, they have God as their author.”

(Second Vatican Council, dV 11)

The Bible did not fall from heaven in its final form, nor did God dictate it to human scribes who copied it down mechanically. Rather “God chose certain men who … made full use of their own faculties and powers so that, though he acted in them and by them, it was as true authors that they consigned to writing whatever he wanted written, and no more” (second Vatican Council, DV 11). One factor in recognizing particular texts as Sacred Scripture was their general acceptance in the Church. In the Christian communities there had to be a consensus: “Yes, through this text God himself speaks to us—this is inspired by the Holy Spirit!” Which of the many original Christian writings are really inspired by the Holy Spirit has been defined since the fourth century in the so-called canon of Sacred Scriptures. [Youcat 14]

Totoo ba ang Banal na Kasulatan?

“Samakatuwid, yamang ang lahat ng iginiit ng inspiradong mga may-akda o mga sagradong manunulat ay dapat na itaguyod na ipinahayag ng Espiritu Santo, sumusunod na ang mga aklat ng Banal na Kasulutan ay dapat kilalanin na nagtuturo nang matibay, tapat at walang pagkakamali iyong katotohanan na nais ng Diyos na ilagay sa mga banal na kasulatan alang-alang sa kaligtasan.” (Ikalawang Konsilyo Vaticano, Dei Verbum 11).

Ang → Biblia ay hindi nahulog mula sa langit na tapos na, ni dinikta ng Diyos sa awtomatikong makinilya. Higit pa riyan, “Sa pagsulat ng mga banal na aklat, pinili ng Diyos ang mga tao at habang nagtatrabaho sa ilalim Niya, ginamit nila ang kanilang mga kapangyarihan at kakayahan, upang sa pagkilos Niya sa kanila at sa pamamagitan nila, sila, bilang totoong mga may-akda, ay pinagkatiwalaang isulat lahat at tanging iyong mga bagay lamang na nais Niya” (Ikalawang Konsilyo Vaticano, Dei Verbum 11). Kabilang din sa pangkalahatang pagtanggap sa → Simbahan ay ang pagkilala sa ilang mga teksto bilang Banal na Kasulatan. Kailangang magkaroon ng konsensus sa mga komunidad: “Oo, sa pamamagitan nitong teksto ay Diyos mismo ang nagsasalita sa atin—ito ay inspirado ng Espiritu Santo!” Simula noong ika-apat na siglo ay naitakda na sa tinaguriang → Kanon kung alin sa maraming mga sinaunang Kristiyanong kasulatan ang talagang inspirado ng Espiritu Santo. [Youcat 14]

This is what the Church Fathers say

Kahit na ang iba`t ibang mga ideya ay itinuro sa maraming mga libro ng mga Ebanghelyo, ngunit wala itong pagkakaiba sa pananampalataya ng mga mananampalataya, dahil sa isang may kapangyarihan na Espiritu ang lahat ng mga bagay ay ipinahayag sa kanilang lahat hinggil sa Kapanganakan, Pasyon, at Pagkabuhay na Mag-uli ... [The Muratorian Fragment, S. p. 144-146]. Ang Espiritu ng Diyos, na nagsalita sa pamamagitan [ng mga may-akda ng Bibliya] ay ayaw magturo sa mga tao ng mga bagay na walang pakinabang para sa kaligtasan. [St. Augustine, On Genesis, Bk. 2, Chap. 9 (ML 34, 270)]

The Spirit of God, who spoke through [the authors of the Bible] was unwilling to teach men things of no profit for salvation. [St. Augustine, On Genesis, Bk. 2, Chap. 9 (ML 34, 270)]