DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:1.12 Ang Diyos ba mismo ang nagsulat ng Bibliya?
next
Next:1.14 Ano ang pagkakaiba ng Bibliya at ng Qur’an?

1.13 Sa anong wika isinulat ang Bibliya?

Ang Bibliya: tunay o huwad?

Marami sa mga akalat sa Lumang Tipan [>1.15] ay isinulat sa pagitan ng 1200 at 100 BK sa wikang Hebreo, ang wika ng mga mamamayan ng Israel [>1.24]. Mula sa ika-6 na siglo BK pasulong, ang wikang Aramaiko ay naging mas pangkaraniwan.  Ang ibang bahagi ng Lumang Tipan ay isinulat sa wikang ito, ang pangunahing wika na ginagamit sa Banal na Lupain noong panahon ni Hesus.

Sa pagitan ng 300 at 100 BK, ang Banal na Kasulatan ay isinalin sa wikang Griyego (ang pagsasalinwika na ito ay tinawag na Septuagint [>1.16]), dahil sa panahong ito ang wikang Griyego ay ginagamit nang mas madalas kaysa sa wikang Hebreo. Ang Bagong Tipan[>1.18] ay isinulat sa wikang Griyego [>1.17].

Karamihan sa Lumang Tipan ay isinulat sa wikang Hebreo, at karamihan sa Bagong Tipan ay isinulat sa wikang Griyego.
The Wisdom of the Church

What is the Canon of Scripture?

The Canon of Scripture is the complete list of the sacred writings which the Church has come to recognize through Apostolic Tradition. The Canon consists of 46 books of the Old Testament and 27 of the New. [CCCC 20]

Paano ang tamang pagbabasa ng Biblia?

Binabasa nang tama ang Banal na Kasulatan kapag ito ay binasa nang nagdarasal, ibig sabihin, binabasa sa tulong ng Espiritu Santo, na siyang nag-impluwensiya sa pagkakasulat ng Biblia. Ito ay salita ng Diyos at naglalaman ng mahalagang mensahe ng Diyos sa atin.

Ang → Biblia ay parang isang mahabang liham ng Diyos sa bawat isa sa atin. Kaya dapat kong tanggapin ang Banal na Kasulatan nang may dakilang pag-ibig at paggalang: una, tunay na basahin ang liham ng Diyos, ibig sabihin, hindi mamimili ng ilang babasahin at babalewalain ang kabuuan. Pagkatapos ay dapat ko ngayon bigyang-kahulugan ang kabuuan tungo sa pinakapuso at misteryo nito: kay Jesukristo, na siyang tinutukoy ng buong Biblia, pati na rin ng → Matandang Tipan. Kaya kinakailangan kong basahin ang Banal na Kasulatan sa parehong buhay na pananampalataya ng → Simbahan, na siyang pinagmulan ng Banal na Kasulatan. [Youcat 16]

Ano ang kahalagahan ng Matandang Tipan para sa mga Kristiyano?

Sa → Matandang Tipan, ipinakita ng Diyos ang Kanyang sarili bilang tagapaglikha at tagapanustos ng daigdig, at bilang tagagabay at tagapagturo ng tao. Pati ang mga aklat ng Matandang Tipan ay salita ng Diyos at Banal na Kasulatan. Hindi maiintindihan si Jesus kung wala ang Matandang Tipan.

Nagsimula sa → Matandang Tipan ang isang dakilang kasaysayan sa pag-aaral ng pananampalataya, na sa → Bagong Tipan ay magiging isang mapagpasyang punto, na maabot ang kanyang layunin sa katapusan ng mundo at sa muling pagbabalik ni Kristo. Ipinapakita nito na ang Matandang Tipan ay higit pa sa isang pasimula lamang para sa Bagong Tipan. Ang mga utos at mga propesiya para sa mga tao ng Matandang Tipan at ang mga pangako na nakapaloob rito para sa lahat ng tao ay hindi kailanman binawi. Sa mga aklat ng Matandang Tipan ay makikita ang isang hindi mapapalitang kayamanan ng mga dasalin at karunungan, lalo na ang Mga Salmo na nabibilang sa pang-araw-araw na panalangin ng Simbahan. [Youcat 17]

Ano ang kahalagahan ng Bagong Tipan para sa mga Kristiyano?

Sa → Bagong Tipan ay makikita ang kaganapan ng → Pagbubunyag ng Diyos. Ang apat na Ebanghelyo ayon kina Mateo, Marcos, Lucas at Juan ay ang puso ng Banal na Kasulatan at ang pinakamahalagang kayamanan ng Simbahan. Ipinapakita sa mga ito ang Anak ng Diyos, kung ano Siya at kung paano Niya tayo nakatagpo. Matututunan natin sa Mga Gawa ng mga Apostol ang pagsisimula ng Simbahan at mga gawa ng Espiritu Santo. Sa Aklat ng Pagbubunyag makikita natin ang katapusan ng panahon.

Si Jesus ang lahat ng nais sabihin sa atin ng Diyos. Isang paghahanda para sa pagkakatawang tao ng Anak ng Diyos ang buong → Matandang Tipan. Kay Jesus makikita ang pagsasakatuparan ng lahat ng pangako ng Diyos. Ang maging Kristiyano ay nangangahulugan ng mas malalimang pagkakaisa sa buhay ni Kristo. Dapat basahin at isabuhay ang mga Ebanghelyo para sa layuning ito. Sinabi ni Madeleine Delbrêl, “Sa pamamagitan ng Kanyang Salita, sinasabi sa atin ng Diyos kung ano Siya at ano ang ninanais Niya; sinasabi Niya ito nang tiyak at sinasabi Niya ito sa bawat araw. Kapag hawak natin ang Ebanghelyo sa ating mga kamay, kinakailangan nating isipin na nabubuhay rito ang Salita na nais magkatawang tao sa atin, na nais tayong kapitan upang panibago nating masimulan ang Kanyang buhay sa isang panibagong lugar, isang panibagong panahon, isang panibagong kapaligiran ng tao.” [Youcat 18]

This is what the Popes say

Ang mga salita ng Diyos, na ipinahayag sa wika ng tao, ay sa lahat ng paraan tulad ng pagsasalita ng tao, tulad din ng salita ng walang hanggang Ama, nang kunin niya ang mahina na laman ng mga tao, ay naging katulad nila. [Pope Benedict XVI, Verbum Domini, n. 18]