5.17 Paano ako mananalangin sa panahon ng krisis?
Ang pananalangin [>3.1] ay ang pinakamainam na paraan upang harapin ang anupaman, lalo na ang krisis. Huwag ikabahala ang paraan ng iyong pagdarasal [>3.3] o na ikaw ay bumabaling lamang sa Diyos ngayon na ang mga pangyayari ay mukhang malagim. Ang pananalangin ay magpapalapit sa iyo sa Diyos at sa kanyang lakas, at tutulungan kang magdesisyon nang tama [>3.4]. Maaari kang magdasal gamit ang iyong sariling mga salita [>3.5], kaayon ang Bibliya [>3.8], ang Rosaryo [>3.12], ang mga Santo [>3.9]… Narito ang mga dasal na maaaring makatulong sa iyo.
Wala nang kabuluhan ang lahat…
Panginoon,
Tila wala nang kabuluhan ang lahat ng aking kaalaman.
Napapaligiran ako ng krisis.
Tila ba’y nabubukod ako’t nag-iisa.
Panginoon, ano ang maaari kong gawin?
Tulungan po ninyo akong magdesisyon nang tama.
Tulungan po ninyo akong gawing pinakamataas na utos ang pagmamahal.
Tulungan po ninyo akong isuko ang sarili ko sa inyo.
Damayan po ninyo ako, Panginoon!
Amen.
Bumabaling ako sa iyo…
Mahal na Panginoon,
Sa panahon ng krisis sa corona bumabaling ako sa inyo.
Hindi ako palaging naging tapat sa inyo.
Nakakalimot ako sa inyo tuwing maayos ang mga bagay sa buhay ko.
Ngayon ko napagtanto na higit kitang kailangan.
Nais kong magbayad-pinsala at ako ay humihingi ng tawad sa kamaliang nagawa ko.
Tulungan po ninyo akong gawin kung ano ang tama.
Tulungan po ninyo akong magapi ang takot at ilaganap ang kapayapaan.
Tulungan po ninyo akong magkaroon ng lakas ng loob at ilaganap ang pag-asa.
Sa inyo ko po inaalay ang aking sarili ano man ang mangyari.
Panginoon, mapasaakin po kayo ngayon!
Amen.
Para sa mga hinaharap ang krisis
Panginoong Hesus,
Ipinagdarasal po namin sa inyo ang sinumang naaapektuhan ng kasulukuyang krisis.
Para sa mga nagdurusa at namamatay.
Para sa mga nag-iisa o nangangailangan ng tulong.
Para sa mga walang-kapagurang naglilingkod upang ipagtanggol ang buhay at kalayaan.
Para sa mga kawani ng medisina na inaalagaan ang may sakit.
Para sa mga namumuno at mga tanggulang hukbo na nagtatrabaho para sa kapakinabangan ng lahat.
Para sa mga nagboboluntaryo na bumibisita sa mga may sakit at nag-aalaga sa mga nangangailangan.
Para sa mga pastor na tumutulong sa mga naghahanap sa Diyos.
Para sa bawat tao na tumutulong sa kapwa.
Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin!
Amen.