5.19 Maraming tao ang nagdadasal: bakit walang katapusan ang sakuna?
Tayo ay sinabihan na maniwala sa kapangyarihan ng panalangin, ngunit sa kabila ng ating taimtim na pananalangin para sa mas mabuting lunas maraming malalaki at maliliit na trahedya ang nangyayari! Huwag kang masiraan ng loob!
Mahalaga ang panalangin [>3.1]: Bilang pasimula, isa itong paraan upang tayo ay maging kaugnay sa Diyos. Kaya naman ito ay isang katibayan at panimula kung ano ang naghihintay sa atin sa langit [>1.45]. Alalahanin ang sariling mga salita ni Hesus noong humihiling siya sa Diyos ng malaking pabor sa kanyang panalangin: “Huwag ang kalooban ko ang masunod, kundi ang kalooban mo” (Lucas 22:42). Kung tapat ang ating saloobin, tunay nating masusumamo ang Diyos tumulong, gamutin, ialis ang pagdurusa… At pakikinggan niya ang ating mga dasal at magbibigay sa atin ng gantimpala! (Mateo 6:6). Narito ang ilan sa mga kadahilanan kung bakit tila walang sagot [>3.6].
- Mas malawak ang pananaw ng Diyos kaysa sa atin. Maaaring sa dakong huli mo pa mauunawaan na naroon siya at tinulungan ka niya sa mahirap na situwasyon. Kadalasan ang Diyos ay tumutulong sa lubhang kakaibang paraan kaysa sa hiniling o inasahan natin.
- Minsan ay ipinagdarasal natin ang mga maling bagay o nagdarasal tayo nang may maling pag-uugali (Santiago 4:2-3). Ang pananalangin ay higit pa sa pagpapadala ng iyong “talaan ng bilihin” sa Diyos. Ito ay tungkol sa di-makasariling ugnayan sa Diyos.
- Kadalasan, ang lubos na makakatulong sa iyo ay ang pagkaroroon ng isang kaibigan: Si Hesus ay kasama mo lalo na kapag mahirap ang mga bagay. Sa pananalangin binubuksan mo ang iyong sarili sa kanyang presensiya. Walang anuman ang mas mahalaga pa, dahil magagawa mo ang kahit ano nang kasama siya (Filipos 4:13).
- Ang biglaang pagtulong ng ibang tao ay marahil bigay ng Diyos. Kadalasan ang pangingialam ng Diyos ay nirerespeto ang likas na daloy ng mga kaganapan: karaniwan lamang ang pang-araw-araw na himala kaysa sa iniisip mo!
- Hindi inalis ni Hesus ang lahat ng pagdurusa [>1.37]. Ang pagpapagaling dito sa lupa ay hindi sentro ng kanyang mensahe. Siya ay dumalaw upang magbigay ng bagong pananaw: isang mas kaayaayang buhay ay darating pa lamang sa langit [1.45] kasama ang ating maibiging Ama, ang buhay na walang hanggan.