DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:5.15 Ano ang itinuturo ng Bibliya kapag nakaharap ang isang krisis?
next
Next:5.17 Paano ako mananalangin sa panahon ng krisis?

5.16 Paano naghahanda ang mga Kristiyano sa kamatayan?

Ang Diyos at sakuna

Bagaman alam natin na mamamatay tayo [>1.36] balang araw, ang posibilidad ng kamatayan ay nakakatakot. Sa mga makabagong lipunan, ang kamatayan ay hindi pinag-uusapan sa pang-araw-araw na buhay. Kaya’t pinapalubha nito ang biglaang pagharap sa sarili nating kamatayan, o ng ating mahal sa buhay. Dito natin malalaman na tila hindi tayo handang mamatay. Maraming dahilan kung bakit mabuting maging handa sa oras na ito. Bagamat maari tayong mabuhay ng maraming taon sa makalupang buhay, ang sakuna [>1.35] ay maaaring mangyari anumang oras. Isang kaginhawaan ang malaman na dumating si Hesus upang sabihin sa atin: “Ako ang muling pagkabuhay [>1.50] at ang buhay. Ang sinumang sumasampalataya sa akin, kahit mamatay ay muling mabubuhay” (Juan 11:25).

Limang paraan upang maghanda para sa kamatayan

  1. Tanggapin na ikaw ay mamamatay, subalit gawin ito nang may dakilang pag-asa (Roma 5:5): Nangako si Hesus na may mas mabuting buhay [>1.45] na darating. Hindi kinakailangang kumapit sa buhay nang hindi makatuwiran.
  2. Mabuhay araw-araw na parang ito na ang iyong huli. Hindi ito malagim na pamumuhay, kundi malaking tulong ito sa pagpili ng kung ano ang mahalaga tulad ng pagmamahal at kabutihan, kaysa sa mga mababaw o makasarili na mga bagay. Nakakatulong ito upang mabuhay nang mas magalak at may pasasalamat, lubos na tinatamasa ang buhay na natanggap mula sa Diyos.
  3. Gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay ang Diyos: palaging magdasal, hilingin ang kanyang tulong, pasalamatan siya, humingi ng kapatawaran sa kanya. Balikan nang madalas ang mga Sakramento ng Eukaristiya [>3.44] at Pakikipagkasundo [>3.38] – at Pagpapahid sa may Sakit [>3.40] kung kinakailangan.
  4. Sa oras ng iyong kamatayan, isuko ang iyong sarili sa Diyos: hilingin ang mga sakramento at ang dasal ng mga malalapit, at hilingin sa mga santo na ipagdasal ka [>5.20].
  5. Huwag matakot: inaalalayan ka ni Hesus sa bawat hakbang mo, at ang awa ng Diyos [>1.47] ay higit pa sa iyong inaakala. Maiiwan ang iyong mga mahal sa buhay, subalit sasamahan ka ni Hesus higit pa sa pasimula ng kamatayan, kung saan ang Ama ay naghihintay sa iyo
Mamuhay sa katotohanan na mamamatay ka balang araw, at buksan ang sarili sa pangako ng buhay na walang hanggan na nais ng Diyos para sa iyo.