DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:5.19 Maraming tao ang nagdadasal: bakit walang katapusan ang sakuna?
next
Next:1.1 Hindi ba pinasisinungalingan ng Teoryang Big Bang ang pananalig sa Diyos?

5.20 Aling mga santo ang maaari kong dalanginan sa ilalim ng isang krisis? Kanino ako maaaring manalangin sakali mang may pagkahawa o pagkamatay?

Pananalangin sa panahon ng krisis

Ang bawat santo ay nasa langit [>1.45], napakalapit sa Diyos, at ang bawat santo ay maaaring dalhin ang iyong mga panalangin [>3.1] at mga kahilingan sa kanya! Hindi nila pinipili kung sino ang nananalangin o para sa anong dahilan. Walang pagtatalo sa pagitan ng mga santo tungkol sa kung sino ang pinakamagaling, o kung sino ang may pinakamaraming panalanging paghiling! Samakatuwid, kung hindi mo alam kung kaninong santo mananalangin, magdasal sa isa sa iyong paborito: lahat sila ay nasa langit kasama ang Diyos, na nakikinig sa kanilang dasal. Karaniwan ay humihingi tayo ng tulong sa mga pintakasing patron para sa mga espesipikong mga dahilan. Marami pang iba, ngunit narito ang limang dakilang santo kung kanino maaaring manalangin sa ilalim ng isang krisis:

  1. Si San Miguel ay ang manananggol ng langit laban sa mga silo ng diyablo: maaari mong hilingin ang kanyang panalangin lalo na sa paghingi ng proteksyon laban sa hibo ng bawat uri ng kasamaan.
  2. Sina San Hudas Tadeo at Santa Rita ng Cascia ay ang mga pintakasing patron para sa mga bigong mga layunin at kawalan ng pag-asa: kung hindi mo na alam ang iyong gagawin o kanino mananalangin, hilingin mong ipanalangin ka nila!
  3. Si San Balentino ay hindi lamang santo para sa mga nagmamahalan: sa buong kasaysayan ay hinihiling sa kanya na ipanalangin ang mga nagdurusa dahil sa salot at iba pang (nakakahawang) mga sakit.
  4. Si San Jose ay ang pinatakasing patron na hinihilingan ng panalangin para sa mapayapang kamatayan.
  5. Si Maria, ang ina ni Hesus, ay ang pinakamalapit sa kanya at ang mga dasal niya ay makapangyarihan: maaari mong hilingin na ipanalangin ka niya, “ngayon at kung kami’y mamamatay”.

Maaari kang makahanap ng marami pang mga santo upang manalangin sa libreng app Online with Saints [>OnlineSaintsapp&book]: www.onlinewithsaints.com.

Maaari kang magdasal sa bawat santo dahil lahat sila ay malapit sa Diyos. Sa pasimula, hilingin kina San Miguel, San Jose, at Maria na ipanalangin ka.