DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.7 Hindi ba labag sa pagka-kristiyano ang pagiging napakayaman ng Simbahan?
next
Next:2.9 Ano ang mga uri ng mga monghe, madre, at pari ang mayroon?

2.8 Ano ang nunsyo?

Ang Simbahan ngayon

Ang Simbahan, o ang Santa Sede, ay kinakatawan ng nunsyo. Ang nunsyo ay tagapag-ugnay sa pagitan ng lokal na Simbahan at ng papa sa pamahalaang sentral ng Simbahan sa Roma. Mahalaga ang papel na tagapayo ng nunsyo sa pagpili ng mga bagong obispo.

Ang nunsyo ay nagsisilbi rin bilang embahador ng Santa Sede: pinapanatili niya ang diplomatikong relasyon sa puno ng estado ng bansa kung saan siya hinirang bilang nunsyo. Ang Simbahan ay may diplomatikong relasyon sa halos 180 mga bansa.

Ang nunsyo ay ang tagapag-ugnay sa pagitan ng papa at ng Simbahan sa isang bansa. Embahador din siya ng Santa Sede sa bansang iyon.
The Wisdom of the Church

What is the effect of ordination to the priesthood?

The anointing of the Spirit seals the priest with an indelible, spiritual character that configures him to Christ the priest and enables him to act in the name of Christ the Head. As a co-worker of the order of bishops he is consecrated to preach the Gospel, to celebrate divine worship, especially the Eucharist from which his ministry draws its strength, and to be a shepherd of the faithful. [CCCC 328]

How is the sacrament of Holy Orders celebrated?

The sacrament of Holy Orders is conferred, in each of its three degrees, by means of the imposition of hands on the head of the ordinand by the Bishop who pronounces the solemn prayer of consecration. With this prayer he asks God on behalf of the ordinand for the special outpouring of the Holy Spirit and for the gifts of the Spirit proper to the ministry to which he is being ordained. [CCCC 331]

Who can confer this sacrament?

Only validly ordained bishops, as successors of the apostles, can confer the sacrament of Holy Orders. [CCCC 332]

Who can receive this sacrament?

This sacrament can only be validly received by a baptized man. The Church recognizes herself as bound by this choice made by the Lord Himself. No one can demand to receive the sacrament of Holy Orders, but must be judged suitable for the ministry by the authorities of the Church. [CCCC 333]

Is it necessary to be celibate to receive the sacrament of Holy Orders?

It is always necessary to be celibate for the episcopacy. For the priesthood in the Latin Church men who are practicing Catholics and celibate are chosen, men who intend to continue to live a celibate life “for the kingdom of heaven” (Matthew 19:12). In the Eastern Churches marriage is not permitted after one has been ordained. Married men can be ordained to the permanent diaconate. [CCCC 334]

Ilang antas mayroon ang sakramento ng Banal na Orden?

Ang Sakramento ng Banal na Orden ay may tatlong antas: → Obispo (Episkopo), → Pari (Presbitero), → Diyakono (Diyakono). [Youcat 251]

Ano ang nagaganap sa ordenasyon ng obispo?

Sa ordenasyon ng Obispo, ibinibigay ang ganap na kabuuan ng ordenasyon ng isang → Pari. Siya ay inoordenahan bilang kahalili ng mga → Apostol at nabibilang sa kolehiyo ng mga → Obispo. Kasama ng ibang Obispo at ng → Santo Papa, simula ngayon ay may pananagutan siya para sa buong Sumbahan. Sa isang natatanging paraan, itinatalaga sa kanya ng Simbahan ang tungkulin ng pagtuturo, pagpapagaling at paggabay.

Ang tungkulin ng Obispo ang natatanging tungkuling pastoral sa Simbahan, dahil nagmula ito sa mga nagbigay-saksi kay Jesus, ang mga → Apostol, at ipinagpapatuloy itong itinatag mula kay Kristo na pagiging pastol. Kahit ang → Santo Papa ay isang → Obispo, ngunit siya ang una sa kanila at ang ulo ng kolehiyo ng mga obispo. [Youcat 252]

Gaano kahalaga para sa isang Kristiyanong Katoliko ang kanyang obispo?

Ang Kristiyanong Katoliko ay may obligasyon sa kanyang → Obispo at ang obispo naman ay inilagay na kinatawan ni Kristo para sa Kanya. Kaya ang obispo na ginagampanan ang kanyang pastoral na tungkulin kasama ang mga → Pari at mga → Diyakono bilang kanyang mga katuwang, ay ang nakikitang prinsipyo at pundasyon ng kanyang diyosesis. [Youcat 253]

Ano ang nagaganap sa ordenasyon sa pagkapari?

Sa ordenasyon sa pagkapari, nananawagan ang → obispo na bumaba ang kapangyarihan ng Diyos sa mga kandidatong oordenahan. Minamarkahan ang mga taong ito ng hindi mabuburang tanda, na hinding-hindi na matatanggal. Bilang katuwang ng kanyang obispo, ang → pari ay magpapahayag ng salita ng Diyos, magbibigay ng mga → sakramento, at higit sa lahat, magdiriwang ng banal na → Eukaristiya.

Sa loob ng pagdiriwang ng banal na Misa, nagsisimula ang ordenasyon sa pagkapari sa pagtawag ng pangalan ng mga kandidato. Pagkatapos ng homiliya ng → obispo ay manunumpa ang mga magiging → pari ng kanilang pagsunod sa obispo at sa mga kahalili nito. Ang talagang ordenasyon ay nagaganap sa pagpapatong ng kamay ng obispo at sa kanyang panalangin. [Youcat 254]

Ano ang nagaganap sa ordenasyon ng pagka-diyakono?

Sa ordenasyon ng pagka-diyakono, ang kandidato ay itatalaga sa kanyang sariling tungkulin sa loob ng Sakramento ng Ordenasyon. Kumakatawan siya kay Kristo na dumating "hindi para paglingkuran kundi para maglingkod at ibigay ang Kanyang buhay bilang pantubos sa marami" (Mt 20:28). Sa Liturhiya ng ordenasyon, nakasaad: "Ang → Diyakono ay naririyan para sa lahat sa pangangaral ng Salita ng Diyos sa paglilingkod sa dambana, at sa pagkakawanggawa sa dukha."

Ang martir na si San Esteban ang pinakahalimbawa ng mga → diyakono. Noong ang mga → apostol sa unang komunidad sa Jerusalem ay may napakaraming tungkuling pangkawanggawa, nagtalaga sila ng pitong lalaki "para mamahala sa pagkain," na kanilang pinahiran ng langis. Si Esteban na unang pinangalanan, ay "puspos ng biyaya at lakas" na nagtrabaho para sa bagong pananampalataya, pati na rin para sa mahihirap ng komunidad. Sa paglipas ng mga siglo, ang pagka-diyakono ay naging isang baitang lamang sa daan tungko sa pagkapari, ngunit ngayon, muli itong isang hiwalay na bokasyon para sa mga lalaking nabubuhay na walang asawa, pati na rin sa mga lalaking may asawa. Sa isang banda, dapat nitong muling bigayang diin ang mapagsilbing katangian ng Simbahan; sa kabilang banda, gaya nang sa sinaunang Simbahan, tinutulungan nito ang mga → pari na gampanan ang natatanging mga pastoral at panlipunang gawain ng Simbahan. Ang ordenasyon sa pagkadiyakono ay pang-habangbuhay din na minamarkahan ang inordenahan at hindi ito mababawi. [Youcat 255]

This is what the Popes say

Minamahal na Mga Kinatawan ng Papa, maging ang pagkakaroon ni Kristo, maging isang presensya ng pagkasaserdote, bilang mga Pastor ... na naglilingkod sa Iglesya, na may tungkuling hikayatin, maging mga ministro ng pakikipag-isa, at kasama rin ang hindi laging madaling gawain ng pagsaway. Palaging gawin ang lahat nang may malalim na pagmamahal! Kahit na sa mga pakikipag-ugnay sa Mga Awtoridad Sibil at iyong mga Kasosyo, kayo ay mga Pastor: laging hanapin ang mabuti, ang mabuti ng lahat, ang mabuti ng Simbahan at ng bawat tao. [Pope Francis, To Nuncios, 21 June 2013]