DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:2.4 Paano nagiging papa ang isang tao?
next
Next:2.6 Ang Vatican ba ay isang tunay na bansa?

2.5 Ano ang Romanong Curia?

Ang Simbahan ngayon

Sa teorya, ang Papa ay isang ganap na hari na namumuno sa Simbahan, ngunit sa katotohanan siya ay tinutulungan ng iba’t-ibang “mga ministeryo” na pag pinagsama-sama ay bumubuo ng Romanong Curia. Ipinangangasiwaan ng Sekretaryo ng Estado ang mga ugnayang panloob (ekleyastiko) at ugnayang panlabas [>2.8]. Tungkulin naman ng mga kongregasyon at mga pang-obispong konseho ang mga bagay tungkol sa mga kanonisasyon at beatipikasyon, Katolikong edukasyon, mga obispo, at layko.

Isa sa tatlong Tribunal ay ang Roman Rota, ang sentral na hukuman ng Simbahan. Pinamamahalaan ng Sekretaryo para sa Ekonomiya ang mga  gawaing pang-ekonomiya ng Santa Sede at Estado ng Lungsod ng Vatican. Ang tunay na layunin ng mga organisasyong ito ay tulungan ang Simbahan na ipaliwanag at ipahayag ang Ebanghelyo at tulungan ang mga mananampalataya.
 

Ang Romanong Curia ay ang sistema ng mga ministeryo (kongregasyon at konseho) na tumutulong sa papa na pamunuan ang Simbahan.
The Wisdom of the Church

Why did Christ institute an ecclesiastical hierarchy?

Christ instituted an ecclesiastical hierarchy with the mission of feeding the people of God in his name and for this purpose gave it authority. The hierarchy is formed of sacred ministers,; bishops, priests, and deacons. Thanks to the sacrament of Orders, bishops and priests act in the exercise of their ministry in the name and person of Christ the Head. Deacons minister to the people of God in the diakonia (service) of word, liturgy, and charity. [CCCC 179]

How is the collegial dimension of Church ministry carried out?

After the example of the twelve Apostles who were chosen and sent out together by Christ, the unity of the Church’s hierarchy is at the service of the communion of all the faithful. Every bishop exercises his ministry as a member of the episcopal college in communion with the pope and shares with him in the care of the universal Church. Priests exercise their ministry in the presbyterate of the local Church in communion with their own bishop and under his direction. [CCCC 180]

Why does ecclesial ministry also have a personal character?

Ecclesial ministry also has a personal character in as much as each minister, in virtue of the sacrament of Holy Orders, is responsible before Christ who called him personally and conferred on him his mission. [CCCC 181]

Bakit hindi isang demokratikong organisasyon ang Simbahan?

Ito ang prinsipyo ng demokrasya: Ang lahat ng kapangyarihan ay nagmumula sa mga tao. Ngunit sa → Simbahan ang lahat ng kapangyarihan ay mula kay Kristo. Kaya mayroong herarkiyang istruktura ang Simbahan. Kasabay nito, binibigyan din siya ni Kristo ng isang istrukturang pang-magkakapatid (collegial structure).

Ang herarkiyang elemento sa → Simbahan ay binubuo nito: na si Kristo mismo ang siyang kumikilos sa kanya kapag ang mga inordenahang ministro ay may ginawa at ibinigay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ng anumang hindi nila kayang gawin at ibigay, ibig sabihin, kapag sila ay nagbibigay ng mga → Sakramento bilang kahalili ni Kristo at nagtuturo sa kanyang kapangyarihan. Ang istrukturang pangmagkakapatid sa Simbahan ay binubuo nito: na ipinagkatiwala ni Kristo ang kabuuan ng pananampalataya sa isang komunidad ng labindalawang → Apostol, na ang kanilang mga kahalili ang gumagabay sa Simbahan sa pamumuo ng Santo Papa. Mahalagang nabibilang rito sa kolehiyo ang Konsilyo sa Simbahan. Ngunit sa iba ring mga komite ng Simbahan, sa mga sinodo at konseho, maaaring magbigay bunga ang pagkakaiba-iba ng mga espirituwal na kaloob at pagiging pandaigdigan ng pangkalahatang Simbahan. [Youcat 140

This is what the Popes say

[Ito ang] dalawang tanda ng curial official, at higit pa sa mga superyor ng curial, na nais kong bigyang-diin: propesyonalismo at serbisyo. Propesyonalismo, kung saan ang ibig kong sabihin ay kakayahan, pagaaral, pagsunod sa mga bagay ... Ang pangalawang tanda ng serbisyo: serbisyo sa Santo Papa at sa mga obispo, sa unibersal na Simbahan at sa mga partikular na Simbahan. Sa Roman Curia, natututo ang isa - sa isang espesyal na paraan, "ang isang paghinga" - ang dalawahang aspeto ng Simbahan, ang pakikipag-ugnay ng unibersal at partikular. [Pope Francis, To the Roman Curia, 21 Dis. 2013]