1.7 Bakit ako dapat maniwala sa Diyos? Paglikha o nagkataon?
Ang mga tao ay naghahanap ng sukdulang kaligayahan sa kanilang buhay. Maraming tao ang nakakita na, sa katagalan, ang kaligayahan ay hindi nakikita sa tagumpay, kapangyarihan, o pag-aari. Madalas binabanggit ng mga tao na ang mga kaugnayan ay isang importanteng pinagmumulan ng kaligayahan. Ang tunay na kaligayahan ay nanggagaling sa kalooban, sa kaalaman na may nagmamahal sa atin at ginagawa natin ang tamang bagay.
Ang pinakamahalagang katotohanan tungkol sa tao ay tayo ay pag-aari ng Diyos– nilikha niya tayo at mahal niya tayo. Sa bandang huli, ang sukdulang kaligayahan ay matatagpuan lamang sa piling niya. Ito’y waring simple, ngunit ito ay isang malalim na katotohanan na upang maging maligaya, kailangan mo lamang na pumayag nang buong puso sa plano ng Diyos para sa iyo at makipagtulungan sa planong ito.
Why does man have a desire for God?
God himself, in creating man in his own image, has written upon his heart the desire to see him. Even if this desire is often ignored, God never ceases to draw man to himself because only in God will he find and live the fullness of truth and happiness for which he never stops searching. By nature and by vocation, therefore, man is a religious being, capable of entering into communion with God. This intimate and vital bond with God confers on man his fundamental dignity. [CCCC 2]
Bakit natin hinahangad ang Diyos?
Inilagay ng Diyos sa ating puso ang hangarin na hanapin at makita Siya. Sinabi ni San Agustin, “Nilikha Mo kami upang mapasaiyo, at hahanap-hanapin Ka ng aming puso hanggang Ika’y aming masumpungan” o “Ginawa Mo kami para sa Iyong sarili, at ang aming mga puso ay hindi mapakali hanggang sa makapagpahinga ito sa Iyo.” Ang paghahangad na ito sa Diyos ang tinatawag nating → Relihiyon.
Natural para sa isang tao na hanapin niya ang Diyos. Ang lahat ng kanyang pagsusumikap sa katotohanan at kaligayahan ay, sa huli, isang paghahanap sa ganap na tumutulong sa kanya, ganap na nakapagbibigay kasiyahan sa kanya, ganap na nakakaakit sa kanya. Ang isang tao ay ganap lamang na tao kapag natagpuan niya ang Diyos. “Ang sinumang naghahanap sa katotohanan ay naghahanap sa Diyos, maging malinaw man ito sa kanya o hindi” (Santa Teresa Benedicta a Cruce – Edith Stein). [Youcat 3]
Ang [Diyos] ay pinagmumulan ng ating kaligayahan at ang wakas ng lahat ng ating mga hangarin ... Sinusundan natin siya ng ating pag-ibig upang kapag naabot natin siya ay makapagpahinga tayo sa perpektong kaligayahan sa kanya na ating hangarin. [St Augustine, The City of God, Bk. 10, Chap 3. (ML 41, 298)]