1.6 Makikilala ko ba ang Diyos sa kalikasan at sa mundo?
Kung titignan mo nang mabuti ang kalikasan, makikita mo ang lahat ay maganda at kamangha-mangha ang pagsasama. Hindi ba waring imposible na ang lahat ng ito ay nagkataon lamang? Walang teorya tungkol sa pinagmulan ng buhay at ng sansinukob ay kumpleto na walang Utak o Tagapaglikha sa likod ng lahat ng ito. Tinatawag natin ang utak na ito na Diyos.
Kagaya ng isang alagad ng sining, binubunyag ng Diyos ay ang kanyang sarili sa kalikasan, sa madaling salita, siya ay umiiral at siya ang lumikha ng mundo (tinatawag natin itong natural na paghahayag. Ang pangunahing mensahe ng pananalig ay nagsasabing nilikha ng Diyos ang mundo dahil sa pagmamahal sa mga tao.
How is it possible to know God with only the light of human reason?
Starting from creation, that is from the world and from the human person, through reason alone one can know God with certainty as the origin and end of the universe, as the highest good and as infinite truth and beauty. [CCCC 3]
Maaari ba nating kilalanin ang pagiging naririyan ng Diyos gamit ang ating pag-iisip?
Oo. Ang katuwiran ng tao ay maaaring kilalanin ang Diyos nang may kasiguruhan.
Hindi maaaring manggaling sa mundo ang pinanggalingan at patutunguhan ng tao. Lahat ng anumang naririyan ay mas higit pa kaysa sa nakikita ng tao. Ang kaayusan, kagandahan at kaunlaran ng mundo ay nakaturo higit pa sa kanilang sarili patungo sa Diyos. Ang bawat tao ay bukas para sa katotohanan, kabutihan at kagandahan. Naririnig niya ang tinig ng kanyang konsiyensiya na inuudyok siya sa kabutihan at binabalaan siya sa harap ng kasamaan. Ang sinumang makatwirang sinusunod ang udyok na ito ay makikita ang Diyos. [Youcat 4]
Bilang respeto, samakatuwid, ng kanyang pagiging Tagagawa ng mundong ito, na nakikita sa langit at lupa sa paligid natin, ang Diyos ay nakilala na ng lahat ng mga bansa bago pa man sila makilala sa pananampalataya ni Cristo. [St Augustine, On the Gospel of John, Tract 106:4 (ML 35, 1910)]