5.10 Paano maipamamahagi ang mga sakramento sa isang panganib?
Pagsasabuhay ng mga Sakramento
Ang mga sakramento ay itinuturing na napakahalaga, na maaari silang matanggap nang agaran kung sakaling sa gitna ng biglang pangangailangan, lalo na kung may tunay na panganib na may mamatay. Mula sa mga unang araw ng simbahan, ang isang pari ay tinawag upang manalangin para sa isang taong may karamdaman (Santiago 5:14).
- Ang taong may sakit ay maaaring mangumpisal ng kanilang mga kasalanan sa isang pari at makatanggap ng kapatawaran ng Diyos at Ang Paggawad ng Pagpapatawad sa (Sakramento ng) Pakikipagkasundo [> 3.38].
- Ang Kumpil [> 3.37] ay maaaring ibigay sa isang kagipitan ng isang pari sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay at pagpapahid sa banal na langis [chrism].
- Ang Pagpahid ng Langis sa Maysakit [> 3.40] ay nagbibigay lakas sa mga taong may sakit at mamamatay, at pinapatawad ang kanilang mga kasalanan. Kung mayroong panganib na mahawa, maaari silang pahiran ng pari gamit ang isang patpat o ibang instrumento.
- Ang huling Sakramento ay ang Eukaristiya [> 3.40]. Tinatawag namin itong huling Komunyon Vaticum, pagkain para sa paglalakbay. Kung kinakailangan, maaari itong maging isang espiritwal na Komunyon.
- Sa isang kagipitan, ang sinuman ay maaaring magpabinyag sa tubig, hangga't balak nilang pangasiwaan ang isang Katolikong Pagbibinyag [> 3.36].
- Ang Kasal [> 3.43] o Ordinasyon [3.41] ay maaaring matanggap sa matitinding mga kaso kahit na sa isang lugar ng kamatayan.
Tingnan din ang Tweeting with GOD app [>Resources>The Tweeting with GOD App]: Misa at Panalangin> Catholic Prayers > Tab 7: Panalangin para sa pari.
Mula sa simula ang mga Kristiyano ay tumawag ng isang pari upang pangasiwaan ang mga sakramento sa isang kagipitan.