4.19 Bakit ang buong diin na ito sa kasal at pamilya?
Nilikha ng Diyos ang mga tao bilang pagbuhos ng kanyang dakilang pag-ibig. Binigyan din Niya tayo ng mahalagang gawain upang maipasa ang pag-ibig na iyon [>4.21], at samakatuwid ay upang maging mabunga
(Gen. 1:28)Gen. 1:28: "at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa”..
Ang pag-aasawa ay isang pagtatanging ugnayan sa pagitan ng isang lalaki at isang babaeng nagmamahal sa bawat isa at nais na gugulin ang natitirang buhay nila sa piling ng isat-isa [>3.43]. Kapag naranasan din nila ang kanilang pag-ibig sa kanilang sekswal na relasyon, ang pag-ibig na ito ay maaaring literal na maging ‘mabunga’ dahil ang mga bata ay ipinapaglihi at ipinapanganak. Ang buhay ng pamilya ay mahalaga sa mga bata: halimbawa, ginagawang mas palakaibigan sila at mas matatag, at ito ay (sana) ang kapaligiran kung saan nila unang nalalaman ang tungkol sa pananampalataya. Samakatuwid, kung minsan ang pamilya ay tinatawag na ‘ang pundasyon ng lipunan’.
What place does the family occupy in society?
The family is the original cell of human society and is, therefore, prior to any recognition by public authority. Family values and principles constitute the foundation of social life. Family life is an initiation into the life of society. [CCCC 457]
Bakit hindi mapapalitan ang pamilya?
Ang bawat bata ay nagmumula sa isang ama at isang ina at naghahangad ng init at kasiguruhan ng isang pamilya upang lumaki nang masaya at may kanlungan.
Ang pamilya ang pinakaselula ng lipunang pantao. Ang mga kahalagahan at prinsipyo na isinasabuhay sa maliit na teritoryo ng pamilya ang siyang gumagawang posible sa pakikiisa sa buhay panlipunan sa kalakhan. [Youcat 369]
What are the offenses against the dignity of marriage?
These are: adultery, divorce, polygamy, incest, free unions (cohabitation, concubinage), and sexual acts before or outside of marriage. [CCCC 502]
Ano ang pangangalunya? Okay lang ba ang diborsyo?
Nagaganap ang pangangalunya kapag may pakikipagtalik sa pagitan ng dalawang tao, pero kasal sa iba ang kahit na isa sa kanila. Ang pangangalunya ang pundamental na pakikipagtalik sa pag-ibig, ang pagsira sa isang tipang ginawa sa harap ng Diyos at isang kawalang-katarungan sa kapwa. Si Jesus mismo ay malinaw na nagpahayag ng kawalang-kabuwagan o indissolubility ng kasal: "Kaya huwag paghiwalayin ng tao ang pinagbuklod ng Diyos" (Mc 10:9). Sa gayon ay kinansela ni Jesus ang pagpapahintulot sa diborsyo sa Matandang Tipan, kaugnay sa orihinal na kalooban ng Lumikha.
Ang nakapagbibigay lakas na pangako nitong mensahe ni Jesus ay, "May kakayahan kayong magmahal nang panghabangbuhay bilang mga anak ng inyong Ama sa Langit!" Gayunpaman, hindi madali ang manatiling tapat panghabangbuhay sa kabiyak. Hindi maaaring hatulan ang mga taong bigo ang pag-aasawa. Ngunit ang mga Kristiyanong iresponsableng nagiging dahilan ng diborsyo, ay nagkasala. Nagkasala sila laban sa pag-ibig ng Diyos na nakikita sa pag-aasawa. Nagkasala sila laban sa Diyos na nakikita sa pag-aasawa. Nagkasala sila laban sa iniwanang kabiyak at mga anak. Gayunpaman, ang tapat na kabiyak ng isang hindi na makayanang buhay-may-asawa, ay maaaring umalis sa kanilang tirahan. Upang maiwasan ang pagkabalisa, maaaring kinakailangan din ang isang sibil na paghihiwalay. Sa mga makatuwirang kaso, maaaring baguhin ng Simbahan ang bisa ng kasal sa pamamagitan ng isang pagpapawalang-bisa ng kasal (annulment). [Youcat 424]
Ang kasal ay isang bigkis para sa buhay sa pagitan ng isang lalaki at isang babae. Ang mga anak na nagmula sa pag-ibig ng ikinasal na mga magulang ay pinapalaki sa pamilyang ito.