DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.2 Ang pagdarasal ay pareho ba sa pakikipag-usap sa Diyos?
next
Next:3.7 Paano ako makakagawa ng oras para sa pagdarasal? Nasaan ang Diyos sa pang-araw-araw na buhay?

3.6 Bakit walang sagot kapag nagdadasal ako?

Personal na panalangin

Minsan maaaring parang hindi sumasagot ang Diyos kapag nagdarasal ka. Gayunpaman, sinasagot ng Diyos ang lahat ng ating mga panalangin, kahit na ginagawa niya ito sa kanyang sariling pamamaraan [> 3.5].Minsan hindi tayo nagdarasal sa tamang paraan, o humihingi tayo ng mga maling bagay.

 

Kung ipinagkakatiwala natin ang ating sarili sa Diyos sa lahat ng bagay, makatitiyak tayo na ang kinahinatnan ng ating mga panalangin ay umaayon sa kanyang plano [> 1.27]. Una sa lahat, ang  panalangin ay pagpapahayag ng iyong kaugnayan sa Diyos [> 3.1]. Talagang mapagkatitiwalaan mo ang Diyos at makasisiguro ka na nakikinig Siya sa iyong mga panalangin [> 3.7].

Minsan ang Diyos ay tila tahimik o malayo. Kung magtitiyaga kang manalangin at magtiwala sa Diyos, hindi ka niya bibiguin.
The Wisdom of the Church

Paano kung maranasan nating hindi nakakatulong ang pagdarasal?

Hindi hinahangad ng panalangin ang mababaw na tagumpay, kundi ang kalooban at pagiging malapit ng Diyos. Lalo na sa pawang katahimikan ng Diyos, mayroong isang paanyaya na gumawa ng isa pang hakbang - sa ganap na pag-aalay ng sarili, walang hanggang pananampalataya, walang katapusang pag-asam. Ang sinumang nananalangin ay dapat hayaan ang Diyos na buong kalayaang magsalita kung kailan Niya ninanais, tuparin ang anumang naisin Niya at ibigay ang kanyang sarili kung paano Niya ito naisin.

 

Kadalasan sinasabi natin: nagdasal ako pero hindi ito nakatulong. Siguro hindi tayo nanalangin nang mataimtim. Tinanong minsan ng banal na pastor ng Ars, si San Juan Maria Vianney, ang kanyang kapwa pari na nagreklamo tungkol sa kanyang kabiguan: "Nagdasal ka, nagbuntung-hininga ka... pero nag-ayuno ka ba, magdamag ka bang nagbantay?" Maaari ring mga maling bagay ang hinihingi natin sa Diyos. Ganito ang minsang sinabi ni Santa Teresa ng Ávila: "Huwag mong ipanalangin ang mas magaang pasanin, ipanalangin mo ang mas matibay na likod!" [Youcat 507]

This is what the Popes say

Hilingin sa Banal na Espiritu na ipadama sa ating buhay ang kanyang presensya. Para sa akin, ang aking ama na sa isang natatanging paraan ang nagpapaalam sa akin sa aktibidad ng Banal na Espiritu, ng eksaktong ako ay kaidad ninyo. Kung nahahanap ko ang aking sarili sa ilang kahirapan, iminumungkahi niya na manalangin ako sa Banal na Espiritu; at ang katuruang ito ng kanyang ipinakita sa akin ang landas na sinunod ko hanggang ngayon. Pinag-uusapan natin ang mga ito dahil mga bata kayo, tulad ko noon. At nagsasalita ako sa iyo tungkol dito batay sa maraming taon ng buhay, nabuhay din sa mga mahirap na panahon. [Pope John Paul II, Homily to young people, 26 Apr. 1997]