DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.6 Bakit walang sagot kapag nagdadasal ako?
next
Next:3.8 Paano ako makapagdarasal gamit ang isang teksto mula sa Bibliya?

3.7 Paano ako makakagawa ng oras para sa pagdarasal? Nasaan ang Diyos sa pang-araw-araw na buhay?

Personal na panalangin

Sa lahat ng oras na ginagamit mo sa araw-araw, ang mga minuto na inilalaan mo para sa pagdarasal ay ginagamit para sa pinakamabuting posibleng layunin [> 3.3]. Ang layunin ng pagdarasal ay pagtuunan ng pansin ang Diyos.

 

Magagawa mo ito, halimbawa, sa pamamagitan ng pagdarasal kasama ang isang teksto mula sa Bibliya. Ang Diyos ay laging nandiyan, ngunit madalas ay napakaliit ang pagpapahalaga natin sa kanya [> 3.5]. Samakatuwid mainam na isipin kung ano ang itinuturing mong totoong mahalaga sa buhay [> 3.4], at gawin itong paksa ng iyong panalangin.

Unahin mo! Ano ang mas mahalaga: ang iyong abalang buhay o Diyos? Unahin ang Diyos at ang lahat ay mapupunta sa lugar.
The Wisdom of the Church

What is meditation?

Meditation is a prayerful reflection that begins above all in the Word of God in the Bible. Meditation engages thought, imagination, emotion and desire in order to deepen our faith, convert our heart and fortify our will to follow Christ. It is a first step toward the union of love with our Lord. [CCCC 570]

Ano ang likas na katangian ng mental na panalangin?

Ang likas na katangian ng mental na panalangin ay isang mapanalanging paghahanap na nagsisimula mula sa isang banal na teksto o isang sagradong larawan at nananaliksik dito ayon sa kalooban, mga tanda at presensya ng Diyos.

Hindi maaaring "basahin" ng tao ang mga banal na imahen at teksto, gaya ng pagbabasa ng mga bagay sa pahayagan na hindi tayo direktang naaapektuhan. Dapat isaalang-alang ang mga ito, ibig sabihin, dapat iangat ang puso sa Diyos at sabihin sa Kanya na ganap na bukas ito ngayon sa paraan kung paano nais ng Diyos na magsalita sa pamamagitan ng nababasa at nakikita. Bilang karagdagan sa Kasulatan, maraming teksto na nagdadala sa Diyos na angkop sa pagninilay na panalangin. [Youcat 502]

Paano maging isang paaralan ng panalangin ang aking pang-araw-araw na buhay?

Ang bawat kaganapan, ang bawat pagtatagpo ay maaaring maging isang udyok para manalangin. Kapag mas malalim tayong nabubuhay sa pagkakaisa sa Diyos, mas malalim nating mauunawaan ang mundo sa paligid natin.

Ang sinumang sa umaga pa lang ay naghahangad makaisa si Jesus ay pagpapalain ang mga taong makakatagpo niya, maging ang kanyang mga karibal at mga kaaway. Ipinapasa niya sa Panginoon ang lahat ng kanayang pagkabalisa sa paglipas ng araw. Siya ay may higit na kapayapaan sa Kanyang sarili at nagniningning ito. Ginagawa niya ang kanyang mga hatol at desisyon sa pamamagitan ng pagtatanong sa kanyang sarili kung paano ngayon kikilos si Jesus. Pinagtagumpayan niya ang takot sa pamamagitan ng pagiging malapit sa Diyos. May katiyakan siya sa mga desperadong sitwasyon. Dala niya sa kanyang sarili ang kapayapaan ng langit at sa gayon ay dinadala niya ito sa mundo. Siya ay puno ng pasasalamat at kagalakan para sa maganda, ngunit pinagtitiisan niya rin ang mabibigat na dumarating sa kanya. Posible itong pagbibigay-pansin sa Diyos, maging sa trabaho. [Youcat 494]
 

Ano ang panloob na panalangin?

Ang panloob na panalangin ay pag-ibig, katahimikan, pagdinig, pagiging naririyan sa harap ng Diyos.

Para sa panloob na panalangin, kinakailangan ng oras, pagpapasiya at higit sa lahat isang dalisay na puso. Ang mapagpakumbaba at salat na debosyon ng isang nilalang ang nagtatanggal ng lahat ng maskara, naniniwala sa pag-ibig, at buong-pusong naghahanap sa kanyang Diyos. Ang panloob na panalangin ay madalas ring tinatawag na panalanin ng puso at → kontemplasyon. [Youcat 503]
 

Ano ang maaaring makamit ng isang Kristiyano sa pamamagitan ng meditasyon?

Sa → meditasyon, naghahangad ang isang Kristiyano ng katahimikan upang maranasan ang pagiging malapit ng Diyos at makakita ng kapayapaan sa Kanyang presensya. Umaasa siya sa nararamdamang karanasan ng presensya ng Diyos bilang isang hindi karapat-dapat na kaloob ng biyaya; ngunit hindi niya ito inaasahan bilang produkto ng isang paraan ng meditasyon.

Ang → Meditasyon ay maaaring maging isang mahalagang tulong sa pananampalataya at sa pagpapalakas at pagiging ganap na tao. Gayunpaman, ang mga pamamaraan ng meditasyon na ipinapangako ang karanasan ng Diyos o kahit na ang espirituwal na pakikipag-isa sa Diyos ay mapalinlang. Maraming tao ang naniniwala dahil sa ganitong mga maling pangako, na dahil hindi nila siya nararamdaman, iniwan sila ng Diyos. Ngunit hindi mapipilit ang Diyos sa pamamagitan ng naturang mga pamamaraan. Nakikipag-usap Siya sa atin kung kailan at kung paano Niya gusto. [Youcat 504]

This is what the Popes say

Nais kong muling alalahanin ang pangangailangan, para sa atng espirituwal na buhay, upang makahanap ng oras araw-araw para sa tahimik na pagdarasal; dapat nating gawin ang oras na ito para sa ating sarili, lalo na sa panahon ng bakasyon, upang magkaroon ng kaunting oras upang makausap ang Diyos. Ito rin ay magiging isang paraan upang matulungan ang mga malapit sa atin na makapasok sa maliwanag na ilaw ng presensya ng Diyos na nagdadala ng kapayapaan at pagmamahal na kailangan nating lahat. [Pope Benedict XVI, 8 Aug. 2012]