DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.10 Bakit patuloy nating inuulit ang parehong mga panalangin?
next
Next:3.12 Paano ako magdarasal ng Rosaryo?

3.11 Anong uri ng panalangin ang Ama Namin?

Mga uri ng panalangin

Sa pamamagitan ng pagtawag sa Diyos na "Ama Namin"(Mt. 6:9-13)Mt. 6:9-13: “Ganito kayo mananalangin, Ama naming nasa langit  sambahin nawa ang iyong pangalan. Dumating nawa ang iyong kaharian Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit. Bigyan mo kami ng aming pagkain sa araw-araw; at patawarin mo kami sa aming mga kasalanan, tulad ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming hayaang matukso, kundi iligtas mo kami sa Masama! [Sapagkat iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan, at ang kaluwalhatian, magpakailanman! Amen., ipinakita mo na naniniwala kang nilikha tayo ng Diyos at samakatuwid ay ating Ama. Ipinagdarasal natin ang pagdating ng kanyang kaharian, at makikilala ang mga palatandaan ng kaharian ng Diyos sa mabubuting bagay na ating nararanasan sa paligid natin.


Sa pagsasabi ng "Masunod nawa ang iyong kalooban", hinihiling mo na ang iyong kalooban ay sumunod sa Kalooban ng Diyos [> 1.27]. Sa huli, sa pamamagitan lamang ng paggawa ng Kalooban ng Diyos ay maaari kang maging tunay na masaya [> 4.6]. Sa #TwGOD app [>The app], mahahanap mo ang Ama Namin sa maraming wika.

Ibinigay sa atin ni Hesus ang Ama Namin, na pinarangalan ang Diyos, humihiling para sa kung ano ang kailangan namin, humihiling at nangangako ng kapatawaran, at humihingi ng proteksyon.
The Wisdom of the Church

What is the place of the Our Father in the Scriptures?

The Our Father is the “summary of the whole Gospel” (Tertullian), “the perfect prayer” (Saint Thomas Aquinas). Found in the middle of the Sermon on the Mount (Matthew 5-7), it presents in the form of prayer the essential content of the Gospel. [CCCC 579]

Why do we say “our” Father?

“Our” expresses a totally new relationship with God. When we pray to the Father, we adore and glorify him with the Son and the Holy Spirit. In Christ we are “his” people and he is “our” God now and for eternity. In fact, we also say “our” Father because the Church of Christ is the communion of a multitude of brothers and sisters who have but “one heart and mind” (Acts 4:32). [CCCC 584]

What is the structure of the Lord’s Prayer?

It contains seven petitions made to God the Father. The first three, more God-centered, draw us toward him for his glory; it is characteristic of love to think first of the beloved. These petitions suggest in particular what we ought to ask of him: the sanctification of his Name, the coming of his Kingdom, and the fulfillment of his will. The last four petitions present to the Father of mercies our wretchedness and our expectations. They ask him to feed us, to forgive us, to sustain us in temptations, and to free us from the Evil One.  [CCCC 587]

What does “Lead us not into temptation” mean?

We ask God our Father not to leave us alone and in the power of temptation. We ask the Holy Spirit to help us know how to discern, on the one hand, between a trial that makes us grow in goodness and a temptation that leads to sin and death and, on the other hand, between being tempted and  consenting to temptation. This petition unites us to Jesus who overcame temptation by his prayer. It requests the grace of vigilance and of final perseverance. [CCCC 596]

Paano dinarasal ang Ama Namin?

Ama namin, sumasalangit Ka.
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian Mo.
Sundin ang loob Mo rito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso,
at iadya Mo kami sa lahat ng masama. Amen.

In Latin:

Pater noster, qui es in caelis;
sanctificetur nomen tuum; adveniat regnum tuum,
fiat voluntas tua, sicut in caelo et in terra.
Panem nostrum quotidianum da nobis hodie;
et dimitte nobis debita nostra,
sicut et nos dimittimus debitoribus nostris;
et ne nos inducas in tentationem;
sed libera nos a malo.
Quia tuum est regnum, et potestas, et gloria
in saecula. Amen.


Ang Ama Namin ang tanging panalanging itinuro ni Jesus sa Kanyang mga alagad (Mt 6:9-13; Lc 11:2-4). Kaya ang Ama Namin ay tinatawag ring "Panalangin ng Panginoon." Ang mga Kristiyano ng lahat ng Kristiyanong denominasyon ay dinarasal ito araw-araw, kapwa sa pagsamba at sa pribadong pagdarasal. Ang karugtong, "Sapagkat sa Iyo ang kaharian..." ay nabanggit na sa Doktrina ng labindalawang apostol (Didaché, mga 150 AD) at maaaring idagdag sa Ama Namin. [Youcat 511]

Saan natin kinukuha ang katiyakang tawaging "Ama" ang Diyos?

Mayroon tayong lakas ng loob na tawaging "Ama" ang Diyos dahil tinawag tayo ni Jesus malapit sa Kanya at ginawa tayong mga anak ng Diyos. Kasama Niya na "siyang nasa kandungan ng Ama" (Jn 1:18), maaari tayong manawagang "Abba, Ama!" [Youcat 515]

 

Paano tayo mababago sa pamamagitan ng Ama Namin?

Ang Ama Namin ay hinahayaan tayong buong kagalakang matuklasan na tayo ay mga anak ng iisang Ama. Ang ating pangkaraniwang bokasyon ay ang purihin ang ating Ama at mabuhay sa piling ng bawat isa nang "isang puso at isang kaluluwa" (Gawa 4:32).

 

Dahil minamahal ng Diyos Ama ang bawat isa sa Kanyang mga anak na may parehong natatanging pagmamahal, na para bang tayo lamang ang pinagtutuonan ng Kanyang pagmamahal, dapat din tayong makitungo sa isa't-isa sa isang ganap na bagong paraan: puno ng kapayapaan, pag-aasikaso at pag-ibig - upang ang bawat isa ay maaaring maging kamangha-manghang himala na siya ngang totoo sa paningin ng Diyos. [Youcat 517]

Bakit hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao?

"Hindi sa tinapay lamang nabubuhay ang tao kundi sa bawat namumutawi sa bibig ng Diyos" (Mt 4:4 ayon sa Dt 8:3).

 

Pinapaalala sa atin nitong banal na kasulatan na may espirituwal na kagutuman ang mga tao na hindi mapupunan ng mga materyal na bagay. Maaaring mamatay ang tao dahil sa kakulangan ng tinapay, ngunit maaari ring mamatay ang tao dahil tinapay lamang ang natanggap niya. Sa kailaliman ay pinalalakas tayo ng "mga salita ng buhay magpakailanman" (Juan 6:68) at ng "pagkaing namamalagi hanggang buhay na magpakailanman" (Jn 6:27) - ang banal na → Eukaristiya. [Youcat 523]

 

Sino ang tinutukoy sa: "Iadya Mo kami sa lahat ng masama"?

Ang "masama" sa Ama Namin ay hindi isang negatibong espirituwal na kapangyarihan o enerhiya, kundi ang masamang nilalang na kinikilala sa Banal na Kasulatan bilang manunukso, ang ama ng kasinungalingan, Satanas o Diyablo.

 

Walang sinuman ang tatanggi na ang kasamaan sa mundo ay mula sa mapaminsalang karahasan, na napapalibutan tayo ng mga bulong ng diyablo, na madalas nagaganap sa kasaysayan ang mga mala-demonyong proseso. Tanging ang Banal na Kasulatan ang tumatawag sa mga bagay sa kanilang pangalan: "Sapagkat hindi laman at dugo ang ating mga kalaban, kundi ang mga Pamunuan at Kapangyarihan na mga pinuno ng mundong ito ng dilim; sila ang masasamang espiritung nasa kaitaasan" (Ef 6:12). Ang kahilingan sa Ama Namin na "iadya Mo kami sa lahat ng masama" ay dinadala sa harap ng Diyos ang lahat ng paghihirap sa mundong ito at nagsusumamo na palayain tayo ng Makapangyarihang Diyos sa lahat ng ksasamaan, tulad din ng ipinahayag sa → embolismo. [Youcat 526]

Bakit winawakasan natin ang Ama Namin ng "Amen"?

Mula noong sinaunang panahon, ang mga Kristiyano at pati na rin ang mga Judio ay winawakasan ang lahat ng kanilang mga panalangin ng "Amen" na sa gayo'y nagsasabing: "Oo, mangyari nawa!"

Kung saan sinasabi ng taong "Amen" sa kanyang mga salita, "Amen" sa kanyang buhay at kapalaran, "Amen" sa kagalakang naghihintay sa kanya, doo'y nagsasama ang langit at lupa, at narating na natin ang ating layunin: sa pag-ibig na lumikha sa atin sa simula. [Youcat 527]
 

This is what the Popes say

Sa iyong mga labi, o kahit papaano sa kaibuturan ng iyong mga puso, natira ang panalangin ng Panginoon na nagsisimula sa mga salitang "Ama Namin". Ang panalangin na ibinubunyag sa Ama at sa parehong oras ay nagpapatunay na ang mga tao ay magkakapatid-at ang buong diwa ay salungat sa lahat ng mga programa batay sa prinsipyo ng hidwaan sa pagitan ng mga tao sa anumang anyo. Ang "Ama Namin" ay humantong sa mga puso ng tao palayo sa poot, poot, karahasan, terorismo, diskriminasyon-mula sa mga sitwasyong tinatapakan ang dignidad ng tao at mga karapatang pantao. [Pope John Paul II, Dilecti Amici, n. 15]