3.13 Ano ang Liturhiya ng Oras?
Ang Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon ay isang hanay ng mga panalangin na nakatuon sa Diyos sa mga tukoy na oras ng araw, partikular sa mga monasteryo [> 2.9]. Nagdasal na ang mga Hudyo sa pagsikat at paglubog ng araw. Sa mga sandaling ito ng pagdarasal ay nagdagdag ang mga Kristiyano ng iba pang mga pang-araw-araw na oras ng pagdarasal.
Ang Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon ay isang mabuting paraan upang italaga ng ganap ang buong araw sa Diyos [> 3.3]. Maaari mong dasalin ang Panalangin ng mga Kristiyano sa Maghapon kasama ang iba o mag-isa; sapagkat ang Diyos ay laging nandiyan.
Ano ang Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon (Liturgy of the Hours)?
Ang Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon ang pangkalahatang, pampublikong panalangin ng → Simbahan. Ang nagdarasal ay mas malalim na ipinapakilala ng mga biblikal na teksto sa misteryo ng buhay ni Jesukristo. Sa buong mundo, binibigyan ng pagkakataon ang Tatlong Persona sa Isang Diyos na unting-unting baguhin sa bawat oras ng araw, ang taong nagdarasal at ang mundo. Hindi lamang mga → pari at monghe ang nagdarasal ng Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon. Maraming mga Kristiyanong pinahahalagahan ang pananampalataya ang nakikisabay sa libu-libong pagtawag na umaakyat sa Diyos mula sa iba't-ibang dako ng mundo.
Ang pitong "oras ng panalangin" (Latin, hora = oras) ay parang bokabyularyo ng panalangin ng → Simbahan. Binibigyan din tayo nito ng mga salita kapag hindi tayo makapagsalita dahil sa galak, pag-aalala o takot. Sa Panalangin ng Kristiyano sa Maghapon, paulit-ulit na nakamamangha na isang linya o isang buong teksto ang "nagkataong" akmang-akma sa aking sitwasyon. Naririnig ng Diyos kapag tayo'y nananawagan sa Kanya. Sinasagot Niya tayo sa mga tekstong ito - kung minsan talagang kongkretong nakakagambala. Ngunit sa mahabang panahon din ng katahimikan at tagtuyot, hinihingi Niya at inaasahan ang ating katapatan. [Youcat 188]
What times are more suitable for prayer?
Any time is suitable for prayer but the Church proposes to the faithful certain rhythms of praying intended to nourish continual prayer: morning and evening prayer, prayer before and after meals, the Liturgy of the Hours, Sunday Eucharist, the Rosary, and feasts of the liturgical year. [CCCC 567]
Kailan dapat manalangin?
Mula sa pinakamaagang panahon, ang mga Kristiyano ay nananalangin na sa umaga, sa oras ng pagkain at sa gabi. Ang mga hindi regular na nananalangin ay malapit nang hindi na manalangin.
Ang sinumang nagmamahal sa ibang tao at hindi kailanman nagbibigay sa kanya ng tanda ng pag-ibig sa buong araw ay hindi tunay na nagmamahal sa kanya. Gayon din naman sa Diyos. Ang sinumang talagang naghahanap sa Kanya at papulit-ulit na magpapadala sa Kanya ng mga tanda ng kanyang pagnanais na maging malapit at maging magkaibigan. Sa pagbangon sa umaga at pag-aalay ng araw sa Diyos, hilingin ang Kanyang → pagpapala at hingin ang Kanyang "pagiging naririyan" sa lahat ng pakikipagtagpo at pangangailangan! Pasalamatan Siya, lalo na sa mga oras ng pagkain! Ilagay ang lahat sa Kanyang mga kamay sa pagtatapos ng araw, humingi ng kapatawaran at kapayapaan para sa sarili at para sa iba! Isang magandang araw - puno ng mga palatandaan ng buhay na nakakarating sa Diyos. [Youcat 499]
Kabilang sa mga uri ng pagdarasal na binibigyang diin ang Sagradong Banal na Kasulatan, ang Liturhiya ng Oras ay may walang alinlangan na lugar. [Ito ay] isang prebilihiyong anyo ng pakikinig ng salita ng Diyos, sa kadahilanang dinadala nito ang mga tapat sa pakikipag-ugnay sa Banal na Kasulatan at sa buhay na Tradisyon ng Simbahan ... Ang Liturhiya ng Mga Oras, tulad ng pang-publiko na panalangin ng Simbahan, na itinakda ang katangiang Kristiyano ng pagpapakabanal ng buong araw, na minarkahan ng ritmo ng pandinig ng salita ng Diyos at pagdarasal ng Mga Awit; sa ganitong paraan ang bawat aktibidad ay makakahanap ng puntong sanggunian nito sa papuri na inaalok sa Diyos. [Pope Benedict XVI, Verbum Domini, n. 62]