2.1 Ano ang simbahan? Sino ang nasa Simbahan?
Si Hesus mismo ang nagtatag ng Simbahan [>2.11]. Ito ay ang komunidad ng mga taong gustong sumunod kay Hesus upang maging banal at mabuhay kasama siya magpakailanman sa langit [>1.45]. Tinawag ni Apostol San Pablo ang Simbahan na “Katawan ni Kristo”: si Hesus ang puno at ang lahat ng ibang kasapi ay may kanya-kanyang lugar sa loob ng katawan na ito. Tulad ng pangangailangan natin sa lahat ng bahagi ng ating katawan, lahat ng kasapi ng Simbahan ay mahalaga para sa buong Simbahan.
Ang mananampalataya ay maaaring hatiin sa 3 malalaking “mga pangkat”. Ang bawat isa ay may kanyang tiyak na bokasyon sa loob ng Simbahan:
a) Laykong mananampalataya [>3.42]
b) Konsagradong relihiyoso [>2.9]
c) Mga diyakono, pari at obispo [>3.41]
What is the origin and the fulfillment of the Church?
The Church finds her origin and fulfillment in the eternal plan of God. She was prepared for in the Old Covenant with the election of Israel, the sign of the future gathering of all the nations. Founded by the words and actions of Jesus Christ, fulfilled by his redeeming death and Resurrection, the Church has been manifested as the mystery of salvation by the outpouring of the Holy Spirit at Pentecost. She will be perfected in the glory of heaven as the assembly of all the redeemed of the earth. [CCCC 149]
Ano ang misyon ng Simbahan?
Ang misyon ng → Simbahan ay patubuin at palaguin sa lahat ng tao ang kaharian ng Diyos na nagsimula na kay Jesus.
Kung saan nakarating si Jesus, nahaplos ng langit ang lupa: ang kaharian ng Diyos ay nagsimula, isang kaharian ng kapayapaan at ng katarungan. Pinagsisilbihan ng → Simbahan itong parehong kaharian ng Diyos. Hindi siya naririyan para sa kanyang sarili. Dapat niyang ipagpatuloy ang sinimulan ni Jesus. Dapat siyang kumilos kung paano maaaring kumilos si Jesus. Ipinagpapatuloy niya ang mga banal na tanda ni Jesus (→Mga Sakramento). Kanyang pinapalaganap ang mga pangaral ni Jesus. Kaya ang Simbahan, sa lahat ng kanyang mga kahinaan, ay isang malakas na bahagi ng langit sa lupa. [Youcat 123]
Pinangunahan ng Espiritu ang samahan ng mga naniniwala na "bumuo ng isang pamayanan," upang maging Simbahan ... Ang isa sa mga pangunahing hangarin ng misyon ay upang pagsama-samahin ang mga tao sa pakikinig ng Ebanghelyo, sa pakikipag-isa sa kapwa, sa panalangin at sa Eukaristiya. Ang mabuhay sa "kapatiran na pagkakaisa" (koinonia) ay nangangahulugang "iisang puso at kaluluwa" (Mga Gawa 4:32), na nagtataguyod ng pakikisama mula sa bawat pananaw: tao, espiritwal at materyal. [Pope John Paul II, Redemptoris Missio, n. 26]