2.12 Isang Simbahan – kung gayon bakit may paghahati-hati sa mga Kristiyano?
Sa simula pa lamang, ninais ni Hesus na ang lahat ng mga mananampalaya ay maging isa (Juan 17:20-23)Juan 17:20-23: Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi pati ang mga mananalig sa akin dahil sa kanilang pahayag. Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang sanlibutan ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. Ibinigay ko na sa kanila ang kaluwalhatiang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa: ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. Dahil dito, malalaman ng sanlibutan na isinugo mo ako at sila'y minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin.. Samakatuwid, napakasakit na makitang ang mga Kristiyano ay nagkakahati-hati. Ang pangunahing sanhi ng pagkakahati na ito sa ibat’t ibang mga simbahan [>2.30] at mga pamayanan [>2.37] ay ang katigasan ng ulo, maling palagay, at pagiging makasalanan ng mismong mga tao.
Tungkulin ng bawat Kristiyano na manalangin para sa muling pagsasama ng Simbahan. Bagaman maaari tayong makipagtulungan sa Banal na Espiritu [>1.32] at magsumikap para sa pagkakaisa na iyon (ecumenismo), ang Diyos lamang ang makakapagdulot ng totoong pagkakaisa.
How does one commit oneself to work for the unity of Christians?
The desire to restore the unity of all Christians is a gift from Christ and a call of the Spirit. This desire involves the entire Church and it is pursued by conversion of heart, prayer, fraternal knowledge of each other and theological dialogue. [CCCC 164]
Kapatid din ba natin ang mga hindi Katolikong Kristiyano?
Lahat ng mga binyagan ay nabibilang sa → Simbahan ni Jesukristo. Kaya ang mga binyagan na hindi ganap na nabibilang sa komunidad ng Simbahang Katolika ay may karapatang matawag na mga Kristiyano at sa gayon ay mga kapatid natin.
Ang pagkakahati ng isang Simbahan ni Kristo ay nangyari dahil sa pagpapalsipika ng mga turo ni Kristo, mga pagkakamali ng tao at pagkukulang sa kahandaang makipagsundo – kadalasan sa mga kinatawan ng magkabilang panig. Ang mga Kristiyano ngayon ay hindi dapat sisihin sa mga makasaysayang dibisyon ng Simbahan. Kumikilos din ang Espiritu Santo sa mga → Simbahan at komunidad pangsimbahan na hiwalay sa Simbahang Katolika para sa kaligtasan ng mga tao. Lahat ng kaloob na naririyan, halimbawa, ang Banal na Kasulatan, mga → Sakramento, pananampalataya, pag-asa, pag-ibig at iba pang → karisma, ay nanggagaling kay Kristo. Kung saan buhay ang Espiritu ni Kristo, ay mayroong panloob na pagkilos sa direksyon ng "muling pagkakaisa" dahil nais lumago na magkasama ng anumang nabibilang sa isa't-isa. [Youcat 130]
Where does the one Church of Christ subsist?
The one Church of Christ, as a society constituted and organized in the world, subsists in (subsistit in) the Catholic Church, governed by the Successor of Peter and the bishops in communion with him. Only through this Church can one obtain the fullness of the means of salvation since the Lord has entrusted all the blessings of the New Covenant to the apostolic college alone whose head is Peter. [CCCC 162]
Bakit iisa lamang dapat ang Simbahan?
Gaya nang mayroon lamang nag-iisang Kristo, gayundin mayroon lamang dapat nag-iisang katawan ni Kristo, nag-iisang nobya ni Kristo, samakatuwid, nag-iisa lamang na → Simbahan ni Jesukristo. Siya ang ulo, ang Simbahan ang katawan. Magkasama nilang binubuo ang "buong Kristo" (San Agustin). Kung paanong ang katawan ay mayroong maraming miyembro ngunit iisa lamang, gayundin ang iisang Simbahan sa loob at labas ng maraming bahagi ng Simbahan (mga diyosesis). Magkakasama nilang binubuo ang buong Kristo.
Itinayo ni Jesus ang Kanyang Simbahan sa pundasyon ng mga → apostol. Ang pundasyong ito ay naririyan magpahanggang ngayon. Sa ilalim ng pamumuno ng Santo Papa, na "namumuno sa pagmamahal," (San Ignacio ng Antiokiya) ipinapasa sa → Simbahan mula henerasyon hanggang henerasyon ang pananampalataya ng mga apostol. Kahit ang mga → Sakramento na ipinagkatiwala ni Jesus sa Kanyang mga apostol, ay gumagana pa rin sa kanilang orihinal na kapangyarihan. [Youcat 129
In what way is the Church holy?
The Church is holy insofar as the Most Holy God is her author. Christ has given himself for her to sanctify her and make her a source of sanctification. The Holy Spirit gives her life with charity. In the Church one finds the fullness of the means of salvation. Holiness is the vocation of each of her members and the purpose of all her activities. The Church counts among her members the Virgin Mary and numerous Saints who are her models and intercessors. The holiness of the Church is the fountain of sanctification for her children who here on earth recognize themselves as sinners ever in need of conversion and purification. [CCCC 165]
Is the particular Church catholic?
Every particular Church (that is, a diocese or eparchy) is catholic. It is formed by a community of Christians who are in communion of faith and of the sacraments both with their bishop, who is ordained in apostolic succession, and with the Church of Rome which “presides in charity” (Saint Ignatius of Antioch). [CCCC 167]
Bakit tinawag na Katoliko ang Simbahan?
Ang "Katoliko" (Griyego, katholon) ay nangangahulugang may kaugnayan sa kabuuan. Ang → Simbahan ay katoliko dahil tinawag siya ni Kristo na magpatotoo sa buong pananampalataya, pangalagaan ang lahat ng → Sakramento, ipamahagi ang mga ito at ipahayag sa lahat ang Mabuting Balita; at ipinadala Niya siya sa lahat ng tao. [Youcat 133]
Sino ang nabibilang sa Simbahang Katolika?
Nabibilang sa buong komunidad ng Simbahang Katolika ang sinumang kaisa ng → Santo Papa at mga → obispo na nauugnay kay Jesukristo sa pamamagitan ng pagpapahayag ng Katolikong pananampalataya at pagtanggap ng mga → Sakramento.
Ninais ng Diyos ang isang Simbahan para sa lahat. Ngunit sa kasamaang-palad, tayong mga Kristiyano ay hindi naging tapat sa kagustuhang ito ni Kristo. Gayunpaman, kahit sa ngayon ay malalim tayong magkaugnay sa isa't-isa sa pamamagitan ng pananampalataya at ng karaniwang pagbibinyag. [Youcat 134]
Bakit tinawag na apostoliko ang Simbahan?
Tinatawag na apostoliko ang → Simbahan, dahil siya na itinatag mula sa mga → apostol, ay kumakapit sa mga tradisyon nito at ginagabayan ng mga humalili sa kanila.
Ipinatawag ni Jesus ang mga → apostol bilang Kanyang mga pinakamalapit na katrabaho. Sila ang mga saksing nakakita sa Kanya. Pagkatapos ng Kanyang muling pagkabuhay, nagpakita Siya sa kanila nang maraming beses. Ibinigay Niya sa kanila ang Espiritu Santo at ipinadala sila sa buong mundo bilang Kanyang mga awtorisadong sugo. Sila ang mga tagagarantiya ng pagkakaisa sa batang Simbahan. Pinapasa ang kanilang misyon at pag-awtorisa sa pamamagitan ng pagpapataw ng kamay sa kanilang mga kahalili, ang mga → obispo. Ganito ang nangyayari hanggang ngayon. Tinatawag na → apostolikong pagpapatuloy (apostolic succession) ang prosesong ito. [Youcat 137]
Mula ng ang simbahan, na itinatag ng Panginoon at pinalakas ng mga Apostol, ay iisang Simbahan ng lahat ng mga tao ... hindi maikakaila na ang paghihiwalay mula sa pananampalataya ay naganap bilang resulta ng isang [depektibong] pag-unawa, habang ang binasa ay inaangkop sa pananaw ng isang tao dapat ang pananaw ng isang ay pasakop saa binasa. [St. Hilary, On the Trinity, Bk. 7, Chap. 4 (ML 10, 202)]