4.25 Paano gumagana ang Likas na Pagpaplano ng Pamilya?
Sa pagkakaiba ng tableta at iba pang mga pagpipigil sa pagbubuntis na tinanggihan ng Simbahan [> 4.23], ang Likas na Pagpaplano ng Pamilya (Natural Family Planning NFP) ay batay sa pagbabantay ng mag-asawa sa panahon ng kanilang mataas na pertilidad sekswal.
Ang mga pamamaraang sumusubaybay sa iba't ibang mga pagbabago sa katawan ng babae ay pinaka-epektibo. Ang pangunahing pagkakaiba sa mga pagpipigil sa pagbubuntis ay nasa Likas na Pagpaplano ng Pamilya, isang mag-asawa na sadyang pumipili para sa isang responsable, natural at malusog na paraan ng pamumuhay ng kanilang pagmamahalan magkasalo sa kasal [> 4.19].
When is it moral to regulate births?
The regulation of births, which is an aspect of responsible fatherhood and motherhood, is objectively morally acceptable when it is pursued by the spouses without external pressure; when it is practiced not out of selfishness but for serious reasons; and with methods that conform to the objective criteria of morality, that is, periodic continence and use of the infertile periods. [CCCC 497]
What are immoral means of birth control?
Every action - for example, direct sterilization or contraception - is intrinsically immoral which (either in anticipation of the conjugal act, in its accomplishment or in the development of its natural consequences) proposes, as an end or as a means, to hinder procreation. [CCCC 498]
Maaari bang magpraktis ng pagpipigil sa pagbubuntis (family planning) ang isang Kristiyanong mag-asawa?
Oo, ang isang Kristiyanong mag-asawa ay maaari at dapat na maging responsableng kumikilos sa kaloob na sila ay maaaring magbigay-buhay.
Kung minsan ay mayroong mga panlipunan, sikolohikal at pangkalusugang kondisyon, kung saan ang isang karagdagang anak ay mangangahulugang isang malaki at halos hindi matugunang hamon para sa mag-asawa. Kaya may malinaw na mga pamantayang dapat bigyang pansin ng mga mag-asawa: una, ang birth control ay hindi maaaring mangahulugang pundamental na pag-iwas ng mag-asawa sa pagbubuntis. Ikalawa, hindi ito maaaring mangahulugang hindi pagkakaroon ng mga anak para sa makasariling kadahilanan. Ikatlo, hindi ito maaaring mangahulugang may kasangkot na panlabas na pamimilit (halimbawa, kapag nagpasya ang estado kung gaano karaming anak maaaring magkaroon ang mag-asawa). Ikaapat, hindi ito maaaring mangahulugan na dahil dito ay maaaring gamitin ang bawat remedyo. [Youcat 420]
Bakit hindi pare-parehong mabuti ang lahat ng pamamaraan ng birth control (pagpigil sa pagbuo ng isang bata)?
Tinutukoy ng Simbahan bilang makatuwirang paraan ng birth control ang pinagbuting pamamaraan ng pagmonitor sa sarili at → Natural na Pagpaplano ng Pamilya o Natural Family Planning (NPP/NFP). Alinsunod ito sa dignidad ng lalaki at babae; iginagalang nito ang mga panloob na batas ng katawan ng babae; hinihiling nito ang pagmamalasakit at maingat na pakikitungo sa bawat isa at, samakatuwid, ay isang paaralan ng pag-ibig.
Binibigyang pansin ng Simbahan ang kaayusan ng kalikasan at nakikita rito ang isang malalim na kahulugan. Kaya mahalaga para sa kanya kung minamanipula ng mag-asawa ang kakayahan ng misis na magka-anak o kung ginagamit nila ang mga natural na pagpapalit ng mga araw na maaaring magka-anak. May dahilan kung bakit tinatawag itong → Natural na Pagpaplano ng Pamilya o Natural Family Planning: Ito ay maka-ekolohiya, holistic, parehong nagagamit ng mag-asawa at mabuti sa katawan. Bukod rito, kapag ginamit nang tama, ito ay itinuturing na mas mabisa kaysa sa pill (mas mataas na Pearl-Index). Sa kabilang banda, tinatanggihan ng Simbahan ang lahat ng artipisyal na paraan ng birth control - tinutukoy rito ang kemikal na paraan ("pills/tableta"), ang mekanikal na paraan (halimbawa, condom, contraceptive coil, atbp.) at ang pagpapa-opera (sterilasyon) - dahil minamanipula nitong pinapakialaman ang integral na pagkakaisa ng unyon ng mister at misis. Kahit ang ilang remedyo ay maaaring ilagay sa panganib ang kalusugan ng misis, maging sanhi ng isang napakagaang pagpapalaglag at permanenteng nakakaapekto sa buhay pag-ibig ng mag-asawa. [Youcat 421]
Ang mga natural na pamamaraan ng pagsasaayos ng pagkamayabong ay dapat na maitaguyod bilang isang mahalagang tulong sa responsableng pagiging magulang, kung saan ang lahat ng mga indibidwal, at sa unang ang mga bata, ay kinikilala at iginagalang sa kanilang sariling karapatan, at kung saan ang bawat desisyon ay ginagabayan ng taos-puso regalo ng sarili. Ang mga ahensya ng kasal at pagpapayo ng pamilya sa pamamagitan ng kanilang partikular na gawain ng patnubay at pag-iwas, na isinasagawa alinsunod sa isang antropolohiya na naaayon sa paningin ng Kristiyano ng tao, ng mag-asawa at ng sekswalidad, ay nag-aalok din ng mahalagang tulong sa muling pagtuklas ng kahulugan ng pag-ibig at buhay, at sa pagsuporta at pagsabay sa bawat pamilya sa misyon nito bilang "santuwaryo ng buhay". [Pope John Paul II, Evangelium Vitae, 88]