DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:5.12 Malapit na ba ang katapusan ng mundo?
next
Next:5.14 Hindi ba mapagkunwari ang bumaling sa Diyos tuwing may krisis lamang?

5.13 Ang pambuong-daigdig na pagdurusa o krisis ba ay parusa ng Diyos?

Ang Diyos at sakuna

Sa mga aklat sa Lumang Tipan [>1.15] ng Bibliya mababasa mo ang poot ng Diyos, na kung minsan ay tila ipinapadala niya ang kanyang mga hukbo upang lipulin ang buong bayan. Kadalasan, ang mga yugto na ito ay iniuugnay sa espirituwal na pakikipagbaka laban sa kasamaan kaysa sa makasaysayang digmaan. Gayon pa man, ano man ang interpretasyon ng malagim na teksto ng Lumang Tipan, ipinakita sa atin ni Hesus na mapagmahal na ama ang Diyos. At ang tunay na mapagmahal na ama ay hindi kailanman ipasasailalim ang kanyang anak sa labis na pagdurusa! Tignan ang ginawa ni Hesus: sa halip na iparanas sa atin ang paghihirap, inihandog niya ang kanyang sariling buhay [>1.26] sa napakatinding pagpapakasakit [>1.27] upang tayo ay mapatawad sa ating mga kasalanan!

Pinakapayak na sinabi ni Juan: “Ang Diyos ay pag-ibig!” (1 Juan 4:8). Ang pagmamahal at pambuong-daigdig na pagdurusa ay magkasalungat at hindi maitutugma. Sa isa sa mga pinakamadulang pangyayari sa kanyang buhay, sa Huling Hapunan [>3.30], bago siya magdusa at mamatay sa krus [>3.31], sinabi ni Hesus: “Isang bagong utos and ibinibigay ko sa inyo ngayon: magmahalan kayo! Kung paano ko kayo minahal, gayundin naman, magmahalan kayo” (Juan 13:34). Mayroong ilang mga paliwanag para sa pag-iral ng kasamaan sa mundo [1.36]. Kapag namuhay kasama ni Hesus, ang pagdurusa ay maaaring may kabatiran [>1.37], ngunit ang kasamaan ay hindi nilikha o hinangad ng Diyos [>1.34].

Hindi ito parusa ng Diyos: kasama natin siyang nagdurusa ngayon! Ipinakita ni Hesus na ang Diyos ay pag-ibig, at inako niya ang pagdurusa upang hindi natin ito maranasan.