5.12 Malapit na ba ang katapusan ng mundo?
Sa oras ng matinding sakuna at pagdurusa, may mga taong nagsasabi na papalapit na ang katapusan ng mundo. Minsan sila ay kapani-paniwala, at gumagamit sila ng iba’t ibang teksto sa Bibliya upang maipakita na tila isa-isang nagkakatotoo ang mga sinaunang propesiya. Maaaring inilalarawan din nila ang sindak ng impiyerno [>1.46] at ang imposibilidad para sa ating mga mortal na makapasok sa langit [>1.45].
Subalit, malinaw na sinabi ni Hesus: “Ang mga panahon at pagkakataon ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon” (Mga Gawa 1:7). Sa gayon, walang makakapagsabi kung kailan darating ang katapusan [>1.49]. Noong unang panahon pa lamang marami nang tagapangaral ng kapahamakan at lagi nilang iniisip na malapit na ang katapusan, ngunit sinabi ni Hesus na hindi nila ito malalaman! Sa halip na mag-alala kung kailan ito mangyayari, mas mabuti pa na isaalang-alang kung paano mo nais matagpuan sa sandaling iyon. Sa madaling salita: paano ka mabubuhay kung ito ang iyong huling araw bago humarap sa Diyos sa huling paghuhukom? [>1.44] Isang huwarang kalagayan na walang baguhin sa iyong uri ng pamumuhay, ngunit marahil ay may ilang mga bagay na nais mo pa ring itama. Ito ang pagkakataon na gawin ito, malapit man ang katapusan o hindi!