5.4 May paraan ba upang harapin ang pagkabagot bilang isang Kristiyano?
Ang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya sa panahon ng krisis
Kung hahanapin mo ang Diyos nang buong puso mo, ang buhay ay hindi nakakainip [> 3.44]. Ngunit ang katotohanan ay naiiba syempre. Lalo na sa oras ng krisis kung hindi mo magagawa ang mga aktibidad na nakasanayan mo, at marahil ay maghihintay lamang, ang pagkainip ay maaaring maging napakalapit. Narito ang ilang mga ideya:
- Mapagtanto na natanggap mo ang iyong buhay mula sa Diyos [> 4.1] at bawat minuto ay isang regalo: paano mo magagamit ang regalong iyon? [> 4.2] Ang isang pang-araw-araw na iskedyul kung saan magtatalaga ka ng karamptang oras sa mga gawain at aktibidad ay maaaring makatulong.
- Gumawa ng isang listahan ng iyong mga katanungan tungkol sa pananampalataya. Maghanap ng mga sagot, halimbawa sa tulong ng Tweeting with GOD libro [> link], app [> link], o website [> link].
- Alamin paano manalangin, kahit na parang nakakainip ito [> 3.5]. Subukang tingnan ito bilang isang paraan upang magpalipas ng oras kasama ang isang matalik na kaibigan - sa mga nasabing sandali ang oras ay hindi binibilang - at gumawa ng oras para sa panalangin araw-araw.
- Lumabas sa iyong sariling mundo sa pamamagitan ng pakikipagkapwa-tao [> link] nang hindi humihiling ng anumang bagay para sa iyong sarili. Kunin ang iyong telepono at makipag-ugnay sa isang tao na gusto mo, at sa isang taong nangangailangan ng isang magandang salita.
- Magtalaga ng oras at lakas sa paghanap kasagutan sa dakilang katanungan kung ano ang Kalooban ng Diyos para sa iyo [> 4.6]. Maaari ka ring makipag-ugnayan sa isang pari o ibang spiritual director (online) upang matulungan kang makahanap ng isang sagot sa mahalagang tanong na ito.
Ang buhay ay isang biyaya: gamitin mo ito ng maayos! Sundin ang pang-araw-araw na iskedyul, maghanap ng mga tugon sa iyong mga katanungan, matutong manalangin, makipag-ugnayan sa iba, o pagmuni-munihan ang Kalooban ng Diyos para sa iyo.