DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:4.21 Bakit pinipili ang buhay walang asawa kung ang mga tao ay ginawa para sa kasal?
next
Next:4.23 Kung nais ng Simbahan na protektahan ang buhay, bakit laban ito sa pamamahagi ng kondom sa Afrika?

4.22 Masama ba na nagpupumilit ako sa kalinisang-puri?

Sekswalidad

Ang bawat isa ay tinawag sa kalinisang-puri, kabilang ang mga may-asawa.  Ang kalinisang-puri ay may kinalaman sa iyong buong pagkatao.  Ito ay tungkol sa kung sino ka, kung paano mo isinasabuhay ang iyong buhay, at kung paano ka magiging masaya.  Kasama rito ang pagharap sa tamang paraan ng mga damdaming sekswal na nararanasan ng bawat isa.

Ang simpleng paghahanap lamang upang masiyahan ang iyong sariling pagnanasa ay hindi magpapasaya sa iyo.  Palaging may magkukulang.  Ito ay sapagkat ang pagtatalik ay mahalagang isang pagpapahayag ng debosyon at pagmamahal [>4.20].  Si Hesus mismo ang nagbigay sa atin ng isang magandang halimbawa ng isang malinis-puri na buhay.  Hindi siya nabuhay para sa kangyang sarili at sa kanyang sariling damdamin, ngunit hinimok ng kanyang pagmamahal sa Diyos at sa mga taong nakapaligid sa kanya.

 

Ang sekswal na pagnanasa ay bahagi ng pagiging tao. Tinutulungan tayo ng kalinisang-puri upang pumili ng mabuti kung paano ito hahawakan. Ang totoong pag-ibig, hindi pagnanasa, ay nagpapasaya sa atin.
The Wisdom of the Church

What is involved in the virtue of chastity?

The virtue of chastity involves an apprenticeship in self-mastery as an expression of human freedom directed towards self-giving. An integral and continuing formation, which is brought about in stages, is necessary to achieve this goal. [CCCC 489]

Paano mabubuhay nang malinis (chaste) ang isang tao? Ano ang nakakatulong dito?

Namumuhay nang malinis ang sinumang malayang umiibig at hindi isang alipin ng kanyang mga udyok at mga hilig. Kaya lahat ng nakakatulong na maging mas mahusay makitungo sa iba, mas mature, mas malaya at mas mapagmahal ang isang tao, ay nakakatulong din sa malinis na pag-ibig.

Maaaring maging malaya sa pag-ibig sa pamamagitan ng disiplina sa sarili, na dapat kamtin, sanayin ay pangalagaan sa anumang edad. Nakakatulong rito ang pagiging tapat sa mga utos ng Diyos sa anumang sitwasyon, paglayo sa mga tukso, pag-iwas sa anumang uri ng dobleng pamumuhay o → dobleng pamantayan (double standard) at hilingin sa Diyos na mailigtas sa mga tukso at gawing malakas sa pag-ibig. Sa huli, ang pagsasabuhay ng isang dalisay ay hindi nahahating pag-ibig ay isang biyaya at dakilang kaloob ng Diyos. [Youcat 405]

What are the means that aid the living of chastity?

There are many means at one's disposal: the grace of God, the help of the sacraments, prayer, self-knowledge, the practice of an asceticism adapted to various situations, the exercise of the moral virtues, especially the virtue of temperance which seeks to have the passions guided by reason. [CCCC 490]

Ano ang pag-ibig?

Ang pag-ibig ay ang malayang pagbibigay ng puso.

Ang maging puno ng pag-ibig ay nangangahulugang lubos na masiyahan sa isang bagay, na lalabas ka sa iyong sarili at ibibigay ang sarili rito. Ang isang musikero ay maaaring ibigay ang kanyang sarili sa isang obra maestra. Ang isang guro ng kindergarten ay maaaring maging buong pusong naririyan para sa kanyang mga tinuturuan. May pag-ibig sa bawat pagkakaibigan. Subalit ang pinakamagandang anyo ng pag-ibig sa ibabaw ng mudo ay ang pag-ibig sa pagitan ng mister at misis, kung saan ibinibigay ng dalawang tao ang kanilang sarili sa isa't isa. Ang bawat pag-ibig sa pagitan ng tao ay isang larawan ng pag-ibig ng Diyos, kung saan lahat ng pag-ibig ay nananahan. Ang pag-ibig ang kaloob-looban ng Tatlong Perosona sa Isang Diyos. Sa Diyos ay may patuloy na palitan at walang hanggang debosyon. Sa pamamagitan ng nag-uumapaw na banal na pag-ibig ay nakikibahagi tayong mga tao sa walang-hanggang pag-ibig ng Diyos. Kapag mas higit na nagmamahal ang tao, mas nagiging katulad siya ng Diyos. Dapat markahan ng pag-ibig ang buong buhay ng tao, ngunit mas lalong malalim at masagisag doon kung saan nagmamahalan ang mag-asawa at nagiging "isang laman" (Gen 2:24). [Youcat 402]
 

What are the principal sins against chastity?

Grave sins against chastity differ according to their object: adultery, masturbation, fornication, pornography, prostitution, rape, and homosexual acts. These sins are expressions of the vice of lust. These kinds of acts committed against the physical and moral integrity of minors become even more grave. [CCCC 492]

Ang masturbation ba ay isang paglabag sa pag-ibig?

Ang masturbation ay isang paglabag sa pag-ibig dahil ginagawang tanging layunin ang bigyang-saya ang sarili at pinuputol ang kabuuang pag-unlad sa pag-ibig sa pagitan ng mister at misis. Kaya ang "sex sa sarili" ay isa mismong pagkakasalungatan.

Hindi ginagawang demonyo ng Simbahan ang masturbation, ngunit nagbababala siya na ito'y maliitin lamang. Sa katunayan, maraming kabataan at matatanda ay nanganganib na maging mag-isa sa panonood sa mga kaakit-akit na mga imahe, pelikula, at mga inaalok sa internet, kaysa sa paghahanap ng pagmamahal sa isang personal na relasyon. Ang pagiging mag-isa ay maaaring humantong sa walang patutunguhan, kung saan nagiging pagkagumon ang masturbation. Walang sinuman ang naging masaya sa motto na, "Para sa sex, wala akong sinumang kailangan; kaya ko itong gawin mag-isa, kung paano at kailan ko ito kailangan." [Youcat 409]
 

Ano ang pagkakaintindi sa "pakikipagtalik ng hindi kasal" o fornication?

Ang pakikipagtalik ng hindi kasal (Griyego, porneia) ay orihinal na nangangahulugang sekswal na gawi ng mga pagano, halimbawa, ang prostitusyon sa templo. Kinalaunan ay nailipat ang termino sa lahat ng anyo ng sekswal na gawain sa labas ng kasal. Ngayon ay madalas itong ginagamit sa kriminal na kahulugan (pakikipagtalik sa mga menor de edad, sa mga inilagay sa ating pangangalaga, atbp.).

Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay madalas nababatay sa pang-aakit, kasinungalingan, karahasan, pagkagumon at pang-aabuso. Samakatuwid, ang pakikipagtalik sa labas ng kasal ay isang mabigat na pagkakasala laban sa pag-ibig; sinisira nito ang dangal ng tao at ginagawang mali ang paningin sa kahulugan ng sekswalidad ng tao. Ang mga estado ay may obligasyon na protektahan, lalo na ang mga menor de edad, sa mga kilos na may kinalaman sa pakikipagtalik sa labas ng kasal. [Youcat 410]
 

Bakit isang anyo ng pakikipagtalik sa labas ng kasal ang prostitusyon?

Sa prostitusyon, ang "pag-ibig" ay nagiging kalakal at ang tao ay nagiging isang bagay na pinagmumulan ng saya. Kaya ang prostitusyon ay isang malubhang paglabag laban sa dangal ng tao ay isang matinding kasalanan laban sa pag-ibig.

Ang mga nagpapalaganap ng prostitusyon - mga trafficker, bugaw, kliyente - ay higit na masisisi kaysa sa kababaihan, kalalakihan, bata at mga kabataan na kadalasang ibinebenta ang kanilang mga katawan dahil sila'y napipilitan o nagugumon. [Youcat 411]
 

Bakit isang kasalanan laban sa pag-ibig ang produksyon ay paggamit ng pornograpiya?

Ang sinumang nang-abuso sa pag-ibig, kung saan inaalis ang sekswalidad ng tao mula sa matalik na pagmamahalan ng dalawang tao at ginagawa itong isang kalakal, ay mabigat na nagkakasala. Ang mga gumagawa, gumagamit at bumibili ng mga pornograpikong produkto ay lumalabag sa karangalan ng tao at tinutukso ang iba sa kasamaan.

Ang pornograpiya ay isang uri ng prostitusyon, dahil kahit dito ay iminungkahi sa tao ng mayroong "pag-ibig" kapalit ng pera. Ang mga gumaganap, gumagawa at nagbebenta ay kasangkot rito sa malubhang pagkakasala laban sa pagmamahal at dignidad ng tao. Ang sinumang gumagamit ng pornograpikong materyal, gumagalaw sa virtual na mundo ng pornograpiya o nakikilahok sa pornograpikong mga kaganapan, ay nasa mas malawak na lugar ng prostitusyon at sumusuporta sa maruming bilyong dolyar na negosyo ng sex. [Youcat 412]

Bakit isang malubhang kasalanan ang panggagahasa?

Ang sinumang nanggagahasa sa ibang tao ay lubus-lubusan siyang inaalisan ng dignidad. Marahas niyang pinapasok ang pinakamalalim na kaloob-looban ng isang tao at pinipinsala siya sa gitna ng kanyang kakayahang umibig.

Ang nanggagahasa ay nagkakasala laban sa pinakadiwa ng pag-ibig. Nagbibilang sa diwa ng sekswal na pagkakaisa na maaari itong malayang ibigay sa konteksto ng pag-ibig. Kahit isang buhay-may-asawa ay maaaring maganap ang isang panggagahasa. Ang pinakakasuklam-suklam ay ang panggagahasang nagaganap sa loob ng lipunan, relihiyon, trabaho o mga relasyon sa pamilyang pinagkakatiwalaan, tulad halimbawa sa pagitan ng magulang at anak o sa pagitan ng mga guro, tagapagturo, pastor at ng mga inilagay sa kanilang pangangalaga. [Youcat 413]

This is what the Church Fathers say

Sa pag-iingat ng mga Kristiyano, ang pagpipigil sa sarili ay isinasagawa, ang monogamiya ay sinusunod, ang kalinisan ay binabantayan, ang pagkakasala ay mapuksa, ang kasalanan ay malipol, ang katuwiran ay isinagawa, ang batas ay pangasiwaan, ang pagsamba na isinagawa, kinilala ang Diyos: ang katotohanan ay mamahala, ang mga bantay ay biyaya, ang kapayapaan ay mangubli sa kanila; ang banal na Salita ay gumagabay, nagtuturo ang karunungan, gumagabay ng buhay, naghahari ang Diyos. [St. Theophilus of Antioch, To Autolycus, Bk 3:15 (MG 6, 1141)]