DeoQuest and TweetignwithGOD

 

All Questions
prev
Previous:3.45 Paano inaayos ang Banal na Misa?
next
Next:3.47 Sino ang pumipili ng mga pagbasa? Ako ba ay maaaring matulog habang naghohomiliya?

3.46 Bakit ang lahat ng diin ay nasa kasalanan imbis na sa pag-asa?

Ang Eukaristiya

May ilang mga tao na nag-iisip na ang Simbahan ang naglalagay ng masyadong malaking diin sa kung ano ang ginagawa ng lahat na mali, imbis na kung ano ang ginagawa ng mga tao na tama. Ngunit ang kanila bang puna ay makatarungan? Si Hesus ay dumating upang magdala sa atin ng masaganang buhay (Jn. 10:10 )Jn. 10:10 : “Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, buhay na masaganang lubos”.. Ganun pa man alam nating lahat batay sa ating sariling karanasan na tayo ay nakagagawa ng mga pagkakamali at nakagagawa ng kasalanan.

Sa kabutihang palad si Hesus ay hindi nananatiling nakatuon sa ating mga kasalanan, at nais niya na patawarin tayo nang buong puso. Upang ihanda ang ating mga sarili para sa espesyal na pakikipagkita kay Hesus sa Eukaristiya, tayo ay humihingi sa kanya ng patawad na kailangan natin paulit-ulit. Ginawa niyang posible ang pagpapatawad na ito para sa bawat isa sa atin sa pamamagitan ng kanyang pagkamatay at muling pagkabuhay. Mangyaring sumagguni sa the #TwGOD app [>The app] para sa liturhiya ng Sakramento ng Kumpisal, at ang pamantayang teksto ng Misa sa iba’t-ibang wika.

Ang ating kasalanan ay isang realidad, at gayundin ang pagpapatawad ng Diyos kung saan tayo umaasa. Kung walang kapatawaran hindi tayo makasusulong sa ating pananampalataya.
The Wisdom of the Church

What does the Eucharist represent in the life of the Church?

It is the source and summit of all Christian life. In the Eucharist, the sanctifying action of God in our regard and our worship of him reach their high point. It contains the whole spiritual good of the Church, Christ himself, our Pasch. Communion with divine life and the unity of the People of God are both expressed and effected by the Eucharist. Through the Eucharistic celebration we are united already with the liturgy of heaven and we have a foretaste of eternal life. [CCCC 274]

Ano ang Banal na Eukaristiya?

Ang Banal na → Eukaristiya ay ang → Sakramento kung saan isinasakripisyo para sa atin ni Jesukristo ang Kanyang katawan at dugo - ang Kanyang sarili, upang maisakripisyo din natin sa Kanya ang ating sarili sa pag-ibig, at maging kaisa natin Siya sa Banal na → Komunyon. Sa gayon ay matitipon tayo sa iisang katawan ni Kristo, ang Simbahan.

Pagkatapos ng Binyag at ng → Kumpil, ang → Eukaristiya ang ikatlong sakramento ng pagtanggap sa Simbahang Katolika. Ang Eukaristiya ang mahiwagang gitna ng lahat nitong mga → Sakramento, dahil ang makasaysayang sakripisyo ni Jesus sa krus ay ginagawang naririyan sa transubstantiation sa isang tago at hindi madugong paraan. Kaya ang pagdiriwang ng Eukaristiya "ang pinagmumulan at pinakarurok ng buong Kristiyanong pamumuhay" (Ikalawang Konsilyo Vaticano, Lumen Gentium [LG] 11). Dito lahat patutungo; bukod dito, wala nang mas hihigit pa na maaaring makamit. Kapag ating kinain ang pinagpira-pirasong tinapay, pinag-iisa tayo sa pag-ibig ni Jesus na siyang nag-alay ng Kanyang katawan sa kahoy ng krus para sa atin; kapag uminom tayo mula sa kalis, pinag-iisa tayo sa Kanya na, dahil sa Kanyang dedikasyon sa atin, ay nagbubo kahit ng Kanyang dugo. Hindi natin inimbento ang ritwal na ito. Si Jesus mismo ang nakipagdiwang ng Huling Hapunan kasama ng Kanyang mga alagad at dito'y inasam ang Kanyang kamatayan; ibinigay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang mga alagad sa ilalim ng tanda ng tinapay at alak at hinihiling sa kanila magmula ngayon at pagkatapos ng Kanyang kamatayan na ipagdiwang ang Eukaristiya. "Gawin ninyo ito sa pag-alaala sa Akin" (1 Cor 11:24b). [Youcat 208]

Paano ko dapat paghandaan upang maaari kong matanggap ang banal na Eukaristiya?

Ang sinumang nais tumanggap ng banal na → Eukaristiya ay dapat maging Katoliko. Kapag alam niyang siya ay nakagawa ng mabigat na kasalanan, dapat ay mangumpisal muna siya. Bago tumungo sa harap ng altar, kinakailangan muna siyang makipagkasundo sa kanyang kapwa.

Hanggang kamakailan lamang, nakagawian na hindi kakain ng hindi kukulangin sa tatlong oras bago ang pagdiriwang ng Eukaristiya; gayon na lamang ang nais na paghahanda sa pakikipagtagpo kay Kristo sa → Komunyon. Ngayon ay inirerekomenda ng → Simbahan ang hindi kukulangin sa isang oras na pag-aayuno. Ang isa pang tanda ng paggalang ay ang pagpili ng magandang kasuotan - sa wakas ay makikipagtagpo tayo sa Panginoon ng mundo. [Youcat 220]

This is what the Popes say

Sa pag-asang naligtas tayo, sabi ni Saint Paul sa mga Romano, at gayon din sa atin (Rom 8:24). Ayon sa pananampalatayang Kristiyano, ang "katubusan" - kaligtasan - ay hindi simpleng ibinigay. Inaalok sa atin ang katubusan sa diwa na binigyan tayo ng pag-asa, mapagkakatiwalaang pag-asa, sa pamamagitan nito na maaari nating harapin ang ating kasalukuyan: ang kasalukuyan, kahit na mahirap, ay mabubuhay at tatanggapin kung patungo ito sa isang layunin, kung maaari nating matiyak ang hangarin na ito, at kung ang layuning ito ay sapat na mahusay upang bigyang-katwiran ang pagsisikap ng paglalakbay. [Pope Benedict XVI, Se Salvi, n. 1]