2.37 Ano ang pagkakaiba ng Protestante at Katoliko?
Mayroong isang Katolikong Simbahan na pinamumunuan ng papa, at mayroong maraming Protestanteng komunidad. Tayong lahat ay nakikibahagi ng ating pananampalataya sa Diyos at sa pagmamahal ng Diyos para sa sanlibutan. Ngunit mayroon din namang pagkakaiba. Bilang mga Katoliko, tayo ay naniniwala na ang rebelasyon ng Diyos ay isinawalat sa Bibliya at sa Tradisyon ng Simbahan [>1.11], samantalang karamihan ng mga Protestante ay kinikilala lamang ang Bibliya bilang pinagmulan ng rebelasyon.
Karamihan din sa mga Protestante ay may problema sa mga sakramento [>3.35], ang papel ni Maria [>1.38] at mga santo, at ang posisyon ng papa. Gusto ni Hesus na magtatag ng isang Simbahan: ang mga paghahati-hati na lumitaw sa pagitan ng mga Kristiyano ay hindi naaayon sa kanyang intensyon. Ito ang dahilan kung bakit kailangan nating magdasal ng lubos at gawin ang lahat upang tayo ay magkaisa (ekumenismo).
Ang una at pinakamahalagang bagay para sa ecumenism ay na panatilihin natin sa ating pananaw kung ano ang pagkakatulad natin, hindi nakakalimutan ito sa gitna ng puwersa tungo sa sekularisasyon - lahat ng bagay na ginagawa tayong mga Kristiyano ng una sa lahat at napapatuloy na ating regalo at ating gawain. [Pope Benedict XVI, Address sa Erfurt, 23 Setyembre 2011]