2.17 Ang papa ba ay kahalili ni San Pedro?
Inatasan ni Hesus ang mangingisda na si Simon Pedro bilang pinuno ng Labindalawang Apostol. Pedro ang kanyang palayaw: ang salitang Griyego na petra ay nangangahulugang bato. Sinabi ni Hesus na itatayo niya ang kanyang Simbahan sa “bato” na siyang itinawag kay Pedro (Mateo 16:18-19) Mateo 16:18-19 “At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit.”.
Inatasan si Pedro at ang kanyang mga kahalili na mamuno sa pamayanan ng Simbahan. Ang tanggapan ng pamumuno ni Pedro ay palaging ipinapasa mula sa isang papa patungo sa susunod. Nangangahulugan ito na ang ating kasalukuyang papa ay kahalili din ni Apostol Pedro.
Why did Christ institute an ecclesiastical hierarchy?
Christ instituted an ecclesiastical hierarchy with the mission of feeding the people of God in his name and for this purpose gave it authority. The hierarchy is formed of sacred ministers,; bishops, priests, and deacons. Thanks to the sacrament of Orders, bishops and priests act in the exercise of their ministry in the name and person of Christ the Head. Deacons minister to the people of God in the diakonia (service) of word, liturgy, and charity. [CCCC 179]
How is the collegial dimension of Church ministry carried out?
After the example of the twelve Apostles who were chosen and sent out together by Christ, the unity of the Church’s hierarchy is at the service of the communion of all the faithful. Every bishop exercises his ministry as a member of the episcopal college in communion with the pope and shares with him in the care of the universal Church. Priests exercise their ministry in the presbyterate of the local Church in communion with their own bishop and under his direction. [CCCC 180]
Why does ecclesial ministry also have a personal character?
Ecclesial ministry also has a personal character in as much as each minister, in virtue of the sacrament of Holy Orders, is responsible before Christ who called him personally and conferred on him his mission. [CCCC 181]
Bakit hindi isang demokratikong organisasyon ang Simbahan?
Ito ang prinsipyo ng demokrasya: Ang lahat ng kapangyarihan ay nagmumula sa mga tao. Ngunit sa → Simbahan ang lahat ng kapangyarihan ay mula kay Kristo. Kaya mayroong herarkiyang istruktura ang Simbahan. Kasabay nito, binibigyan din siya ni Kristo ng isang istrukturang pang-magkakapatid (collegial structure).
Ang herarkiyang elemento sa → Simbahan ay binubuo nito: na si Kristo mismo ang siyang kumikilos sa kanya kapag ang mga inordenahang ministro ay may ginawa at ibinigay sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, ng anumang hindi nila kayang gawin at ibigay, ibig sabihin, kapag sila ay nagbibigay ng mga → Sakramento bilang kahalili ni Kristo at nagtuturo sa kanyang kapangyarihan. Ang istrukturang pangmagkakapatid sa Simbahan ay binubuo nito: na ipinagkatiwala ni Kristo ang kabuuan ng pananampalataya sa isang komunidad ng labindalawang → Apostol, na ang kanilang mga kahalili ang gumagabay sa Simbahan sa pamumuo ng Santo Papa. Mahalagang nabibilang rito sa kolehiyo ang Konsilyo sa Simbahan. Ngunit sa iba ring mga komite ng Simbahan, sa mga sinodo at konseho, maaaring magbigay bunga ang pagkakaiba-iba ng mga espirituwal na kaloob at pagiging pandaigdigan ng pangkalahatang Simbahan. [Youcat 140]
What is the mission of the pope?
The pope, bishop of Rome and the Successor of Saint Peter, is the perpetual, visible source and foundation of the unity of the Church. He is the vicar of Christ, the head of the College of bishops and pastor of the universal Church over which he has by divine institution full, supreme, immediate, and universal power. [CCCC 182]
Ano ang tungkulin ng Santo Papa?
Bilang kahalili ni San Pedro at pinuno ng kolehiyo ng mga obispo, ang → Santo Papa ang tagapanagot ng pagkakaisa ng → Simbahan. Siya ang pinakamataas na pastoral na kapangyarihan at kataas-taasang awtoridad pagdating sa pagdesisyon sa pagtuturo at pagdidisiplina.
Binigyan ni Jesus si Pedro ng isang natatanging pangingibabaw sa pagitan ng mga → Apostol. Dahil rito, siya ang kataas-taasang awtoridad ng sinaunang Simbahan. Ang → Roma na lokal na Simbahan na pinamumunuan ni Pedro at ang lugar ng kanyang pagkamartir ay naging panloob na palatandaan ng batang Simbahan pagkatapos ng kanyang kamatayan. Dapat tumugma ang bawat komunidad sa Roma; iyon ang sukatan ng tama, kumpleto at walang dungis na apostolikong pananampalataya. Magpahanggang ngayon, ang bawat → Obispo ng Roma, gaya ni Pedro, ay punong pastol ng Simbahan, na ang tunay na pinuno ay si Kristo. Sa ganitong tungkulin lamang "kinatawan ni Kristo sa lupa" ang → Santo Papa. Bilang pinakamataas na awtoridad sa pastoral na pangangalaga at pagtuturo, binabantayan niya ang walang dungis na pagpasa ng pananampalataya. Kung kinakailangan, dapat niyang bawiin ang mga tungkulin sa pagtuturo o tanggalin sa posisyon ang mga paring opisyal na may mga seryosong kasalanan sa mga bagay ng pananampalataya at moralidad. Ang pagkakaisa sa mga katanungan ng pananampalataya at moralidad na ginagarantiya sa pamamagitan ng → Magisterium na pinamumunuan ng Santo Papa, ay bumubuo ng isang bahagi ng katatagan at karisma ng Simbahang Katolika. [Youcat 141]
Sapagkat, kung isasaalang-alang ang pagkakasunud-sunod ng mga obispo, gaano man ang katiyakan, tunay at ligtas na bilang natin sila mula kay Pedro, kung kanino, bilang kumakatawan sa buong Simbahan, sinabi ng Panginoon: At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang kapangyarihan ng kamatayan ay hindi magtatagumpay laban sa kanya.(Mt. 16:18). Sapagkat, kay Pedro ang humalili si Linus, kay Linus Clement, kay Clement Anacletus, kay Anacletus Evaristus ... [St. Augustine, Letters, No. 53 (ML 33, 196)]